CHAPTER 16 Yassy POV: HE KISSED ME. We kissed each other. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat nang ito at nabalik ako sa aking wisyo. Ninakaw niya ang una kong halik. Kaya talagang hindi ako makakamove-on sa ginawa niya dahil iningat-ingatan ko na huwag magpahalik sa iba hangga't hindi pa ako na-iinlove. But he stole my precious kiss. Nakakainis talaga siya! "Yassy, bakit parang namumutla ka? May sakit ka ba?" bigkas ni Patrick at nagawa pa nitong lumapit para hawakan ang noo ko. Talagang chineck niya kung may lagnat ako para makasiguro. Lumabas ako ng kwarto dahil hindi ko kaya ang manatili roon. Baka hindi lang halik ang mawala sa akin, kundi ang virginity ko. "Hindi naman mainit ang katawan mo ha? Is there something wrong? May kinain ka ba na hindi nagustuhan ng tiyan mo? Sab