Limit Two: The Prisoner’s Mission
(1st Force - Amber)
“Raise, all in.”
Ay shete. Ano bang ginagawa niya? The bet was too much!
“Mr. Dale, all in.”
“Call, all in.”
“Mr. Nuggat, call. Gentleman, lay your cards up.”
Hinagis ni Eric ang hole cards niya. An Ace and a Jack. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako pinagpawisan ng ganito sa casino. Taeness. Kapag siya natalo dito, sasakalin ko siya ng bonggang-bongga. Ipapa-exile ko siya sa temple of kyeme at hahayaan ko siyang lapain ni Kimmy dora do’n! -___-++
“Mr. Nuggat, royal flush with an Ace of Diamonds and King of Diamonds. Mr. Nuggat wins the pot.”
Sa sobrang frustration nahampas ko yung wooden railing na sinasandalan ko. “Aw. Chakeeeettt.” (9th Force – Skylar)
Naiinis ako sa mga gamit ko. Wala namang kwenta lahat. Si Sasame lang ang may kwenta. Yung espada ko naiwan sa crime scene, di ko na alam kung anong nangyari do’n. Sana man lang itinago nila ‘yun. Pinaka-iingat-ingatan ko pa man rin. Kapag ako nakapag-isip na pumuga dito, ha-huntingin ko talaga kung sinong nagwala nu’n. =___=
“Eherm… ano… Sky… di ba?”
Napatingin ako sa pintuan ng selda ko. Bongga. Si poison boy nabuhay nga. Sayang. May lamay sanang nangyari. Sayang talaga. Ginamot ko pa kasi. Hmf! Sayang nemen. = 3=
“Oh?”
“Pwede kang… makausap?”
“Kapag sinabi kong di pwede lulubayan mo’ko?” =___=
Tumalikod lang siya at tumanaw sa may railing. Sumunod akong lumabas ng selda ko. Tumabi ako sa pinuwestuhan niya. Tanaw mula sa railing na iyon ang nasa ibaba.
The District City’s bilibid. I never gave a damn on how to live in a kind of state like this. Akala ko dati impyerno, tipong bugbugan or worst eh mababaho. I was wrong.
Maayos at malaking area ang kinatitirikan ng bilibid prison ng District City. Compound na nga kung tawagin. Hindi magulo, in fact well organized. May malawak na bakuran na pwedeng lakaran, may benches, may basketball court at recreational rooms like the bible study and such. Para ngang isang subdivision na may kanya-kanyang bahay ang mga preso dito.
The compound is merely divided by two subjects. Maximum prison and medium prison. Nasa ibaba ang mga medium. Sila yung mga magagaan lang ang kaso’t sentensya. Yung iba namang nabibigyan ng parole eh doon rin inilalagay. While the maximum one, kung saan ako kabilang, eh yung mga nakulong na mabibigat ang kaso’t sentensya.
Ever wonder why a girl like me is thrown in a dungeon of hungry animals?
Common sense dre. Sa District City bilibid, walang babaeng ikinukulong o isinasama dito. Lahat kasi ng nanditong preso eh either nanggaling sa District Seven o mas kilala bilang Underground District eh malamang ay nanggaling naman sa District Three na panay notorious ang mga namumugad. Ang mga babaeng preso ay nakahiwalay ng kulungan. Nasa pangangalaga sila ng ZAFT o kaya naman ay ng mga presintong may kulungan pero walang inilalagay na babae sa District Bilibid. Anong ginagawa ko dito?
Simple lang. Kapag bounty hunter ka’t nasabat ka ng pulisya o ng gobyerno, automatic na pag-iinitan ka. Ilegal nga ‘tong pagpapatapon sa akin dito dahil dapat ay nasa ZAFT Isolation ako but no one really cares about a goddamn bounty hunter na nakapatay ng nangmo-molestyang kriminal.
“Ano… tungkol kahapon… sa…”
“Saaaaa?” =___=
“Sa… sala… sa…”
“Sala ano?” -___-?
“S-S-Saaa…”
Takte! Sa sobrang bwisit ko, hinarap ko siya saka ko nilagay ang dalawang kamay ko sa mukha niya. Mukha siyang nagulat tsaka nataranta. Feeling niya hahalikan ko siya?
“A-Anong…”
“Relax. Mukha kasing nasa dulo ng dila mo ‘yang sasabihin mo, huhugutin ko lang nang matapos na tayo.” umakma ako na dudukutin ko talaga kaya lang bago ko pa magawa eh umiwas siya ng tingin sabay tulak sa akin ng paangas.
“S-Salamat!”
“Galit ka, galit?”
“Hindi! Nagpapasalamat nga ako di ba!”
> 0>
“EH BAKIT KA BA SUMISIGAW?!”
Mukha siyang nagitla. Eh kasi naman. Ang sakit ng tenga ko kakasigaw niya. Parang trip lang niyang makipag-usap sa bundok at lagi siyang nakasinghal. Kainis. -___-++
“P-P-Pasensya na…”
“Utal-utal ka ba talaga?”
“Hindi!”
“Oh hala nakasigaw ka na naman.” =___=
“K-Kasi naman! Aalis na ako. Kung maaari lang, kung sakaling magtatanong si Direktor tungkol sa nangyari, sabihin mo simpleng lagnat lang.”
Napaarko ang kilay ko. Hinarangan ko ang dadaanan niya para di siya maka-walk out. “Anong sabi mo? Nagpakahirap akong iligtas ka tas hindi mo bibigyan ng tsansa na mabigyang hustisya ang muntikan mong pagkamatay? Hoy tanga ka ba?”
“H’wag mo akong sinasabihan ng tanga, di mo’ko kilala!”
“H’wag mo’kong sigawan iniligtas ko buhay mo! Totoo namang tanga ka. Kung hindi ba, bakit hindi mo isusuplong yung kung sinumang lumason sa’yo?”
He grits his teeth in annoyance. “Hindi ko ilalagay ang buong bilibid sa alanganin para lamang sa pansarili kong intensyon.”
Napakunot ako ng noo. “Adik ka ba? Anong sinasabi mo?”
Bumuntong hininga siya. Hinarap niya ulit ang railing saka ipinatong ang dalawang kamay niya doon. “Alam mo bang kapag naibenta ang lupain na ‘to, sa labas na ng syudad ililipat ang mga preso?”
“Bakit naman ibebenta ‘to?”
“Dahil gusto nila kaming i-dispatya. Alam ko kung anong plano nila. Plano nilang magsagawa ng ambush sa paglilipat ng mga preso sa labas ng syudad. Sa gano’ng paraan, para na rin nila kaming binitay. Umapela kami sa Gobyerno, alam naming kaya nilang bilhin ang lupaing ‘to, ayaw lang nila. Alam mo… hindi lahat ng nandito halang ang kaluluwa. May ibang nandito dahil nagipit, may iba… wala naman talagang kasalanan. Kaya kung mamamatay sila, hindi makatarungan ‘yon.”
Napaisip ako. The reason why ayaw niyang ipaalam sa mga nakakataas ang pag-lason sa kanya is because ayaw niyang madungisan yung credentials na binubuo nila to prove the Government that they are not bad people. They can be good.
“Ikaw… Jin. Bakit ka nakulong?”
“Napatay ko yung anak ng Meyor sa’min. Ginahasa niya yung… yung dati kong kasintahan saka pinatay. Alam niyang alam ko yun kaya pinagtangkaan niya ako. Naunahan ko lang siya.”
“And then you ended up in a maximum cell because of that?”
Tumingin siya sa akin. “Ha? Pasensya na, hindi ako nakakaintindi ng ingles. Paki-tagalog.”
=____="
“Di ka nag-aral?”
“Hanggang greyd por lang ang natapos ko.”
Jusme. Kaya naman pala. -____-
Dear Sasame,
Hindi ko kahit kailan inakalang gano’n kalaki ang problema ng mga presong ‘to. At aba. May pino-problema din pala silang iba bukod sa pagtakas o sa kung paano sila lalaya. Jeez.
Pero may punto si Jin. Di ba?
Wish I can help,
Death Hunter