Limit One: Target Locked
(9th Force - Skylar)
“Uh… hello? Somebody? Handsome body?” XD
Grabe. Parang kagabi lang hindi ako makahinga sa yakap niya tapos ngayon missing in action na siya? Ang bilis naman ata niyang umiskapo. Eh bakit naman niya ako tatakasan? Ano siya, man-de-devirginized sa gabi tas biglang tatakasan ako sa umaga?
“Bakla ba ‘yun?”
=____=a
Hindi naman siguro. There’s no way in hell that I’ll ever be devirginized by a gay guy. Hayaan na nga. Baka nag-LBM bigla. XD
Tumayo na ako mula sa kama and started dressing up. True enough, yung mga damit ko na lang ang nagkalat sa sahig samantalang kagabi parang mga pinagbalatan ng ahas ang nand’yan sa sobrang gulo. Nakakapanghinayang naman. Ni hind ko man lang nakita ng matagalan yung mukha niya.
Aish. Like we’ll ever see each other again.
PERO SANA LANG BINAYARAN NIYA ‘TONG BILL SA HOTEL!
“Sir, hindi ho kayo pwedeng pumasok.” Sino yun?
“May warrant of arrest kami laban kay Skylar Harcourt. Pasensya na, Miss ginagawa lang namin ang trabaho namin.”
O________O!!!
Patay kang dyosa ka! (/_)
K. Breathe in, breathe out. ( ̄ヘ ̄)
Waaaaaaaaaaaahhhhh!!! Bihis bihis bihis! “Ouch ouch, ang sakit.” > 30<)//
“Tara na, Skylar Harcourt. Sa kasamaang palad ay hindi ito ang araw mo ngayon.”
Oh jeez. TT___TT
xxXxx
Kung di naman talaga dahil sa balat ng saging na dahilan ng pagkadulas ko hindi naman ako mapupunta sa bilibid na ‘to eh. T^T
Para akong ignoranteng palinga-linga sa malawak na espasyo ng lugar na iyon. Masakit sa mata ang makakita ng mga kahel na uniporme at mga posas na tinatanggal pagkapasok ng malawak na area ng kainan na ‘yon. They were free to roam around and I thought for one second that being in a bilibid prison wouldn’t be of a much hell as I have predicted.
Pero kaya nga one second lang yung thought kasi nasira agad eh. =___=
“Aba tinotoo nga nila. Nagpasok talaga sina Komander ng bebot!” wahaw, pinoy na pinoy ang dating oh. Bebot bebot bebebot-bebot. XD
Kumuha ako ng kanin sa may counter. Parang cafeteria nga lang eh. Medyo maayos rin ang pagkain nila dito at hindi naman ako mukhang nasa babuyan island sa lagay na ‘to. Nakaka-amaze. Organized at sobrang malawak ang bilbid prison ng District City.
“Eh di ba si Iskaylar Harkort ‘yan?” ang lutong naman ng pagkakabanggit ng pangalan ko. Talagang rolling ‘R’ koya?
“Yung bounty hunter?”
*PAK!*
Nabulunan ako nang may lumagapak na kamay sa may mesa. Kumakain pa man din ako. “Bakit ka nandito ha? Wala ka dapat dito!”
Kasalanan ko bang ipinatapon ako dito? -___-
Bumuntong hininga na lang ako at lumamon. Kagabi pa ako walang kain na matino sa mga pinaggagagawa sa akin. Tsk. Tapos ngayon naman makakarinig ako ng malalakas na usapan tungkol sa akin? Anak ng patolang sinabawan sa misua ‘tong kinakain ko! Pang-mahirap ah!
No offense sa mga mahihirap. =___=V Masarap naman siya. Syempre kasi nga gutom ako. Aba gutom ka na nga choosy ka pa? Di na noh.
Bigla na lang niya akong kinwelyuhan patayo. “Sumagot ka kapag tinatanong kita!”
“Di ko nga alam ang sagot sa itinatanong mo! Yun nga rin ang tanong ko kaya pwede ba bitawan mo’ko? Asan ang table etiquette mo’t ginaganyan mo ang tao sa oras ng kainan?”
“Anong ticket-ticket ang pinagsasasabi neto? Wala tayo sa bus!”
“Har-har, so funny.” =____=
“Aba’t—”
“Akin ‘yan, Tisoy. Bitawan mo na.”
Nabaling ang tingin ko sa lalaking may kinakain na kung anuman ‘yon. But it looks familiar to me. Binitawan ako ng isang lalaki. Umatras siya while yung dumating eh papunta sa akin. Umupo siya do’n sa inuupuan ko kanina sabay dekwatro. Sige pa rin siya sa kain sa prutas na kulay black ata na mukhang berry. Sosyal ah.
“Sino ka nemen?” =____=
“Sabihin mo nga.” umalis siya sa pagkaka-dekwatro at medyo nag-lean forward. “Paano ka napadpad dito? Alam mo naman sigurong hindi pwede ang tulad mo sa bilibid na ‘to hindi ba?”
“Ang kulit ng lahi mo. Hindi ko nga alam aba. Kasalanan ko bang dito ako ipinatapon?”
“De sana nagtanong ka.”
“Eh sa nakalimutan ko pake mo?”
“Aba’t! Hindi mo ba alam kung sino ako?”
“May name tag ka ba? Wala naman ah. Tinatanong pa ba ‘yan? De syempre, ulul, di tayo magkakilala.” =___=
I wonder. Paanong ang kagaya niya ay naging preso sa bilangguang ‘to? He’s not as worst as that who I’ve encountered earlier na mukhang hindi mapagkakatiwalaan. This guy even looks like a half-Japanese or something. Kung titignan mo siya sa malapitan, makikita mo yung mga amazing features niya na di kita sa malayuan.
His black jet slightly-wide eyes, full soft luscious yet dry lips due to lack of moisture and maybe regimens, his body of chiselled features, his hair that has grown vast and looking like those korean actors in Televisions.
Ano kayang kaso nito? r**e? Weh? May magpapakulong ba sa kanya kung mang-r**e siya? Baka nga siya pa ang pagsamantalahan eh. ( * 0*)a
*Cough! Cough!*
Napatingin ako sa kanya. Nabitawan niya yung kinakain niya. Mukha siyang namumutla. Napakunot ako ng noo. Nagpalinga-linga. Wala namang kumakain ng parehong pagkain na nginunguya niya kanina. “O-Oy. Saan mo nakuha ‘yang kinakain mo?”
“Bakit? *cough!* Patay-gutom ka ba? Pati ‘yang prutas na ‘yan pag-iinteresan mo pa?”
“ASA.” -___-++
Pinulot ko yung mukhang berry. Tinikman ko ng konti. “PWEH!”
“Boss Jin! Okay ka lang?”
“Jin, hijo anong nangyari?”
“Hoy!” nakisingit na’ko du’n sa mga nakikigulo sa kanya. Jeez, this is bad. “Saan mo ba nakuha ‘to?”
“Iyo na kung gusto mo.”
“Taena ka naman mamamatay ka na, dumadale ka pa! Saan nga ‘to?”
“May nagbigay…” and then he continued coughing like he wanna vommit.
“Dapat matanggal ‘to kung saan mo man nakuha ‘to. Lason ‘to.”
Tumingin sa akin yung matanda na tumutulong itayo si Japanese boy. “Lason? Anong ibig mong sabihin?”
Belladonna, nightshade, black berry, whatever you wanna call that plant. Madalas na pagkamalang berry yun. Sa Western Asia, meron nu’n at karaniwan akong suki ng Westerns sa halaman na ‘yun. But the hell? Nakakakuha ako nu’n dahil herbal din ang halaman na ‘yon but how come nakapasok ‘yon sa bilibid?
“Kumuha kayo ng kahit na anong mataas ang porsyento ng opyum.”
“Shabu?”
“Tae hindi! Kape o kaya whiskey! Kung hindi whiskey brandy! Bilis! Dalhin n’yo siya sa deck niya. Bilisan n’yo ang kilos, bente kwatro oras lang ang itatagal neto!"
Takbuhan silang lahat, nagkanya-kanya ng gawain. Ako sinundan ko yung nagbitbit sa kanya sa section/selda niya. Nilagay siya sa deck niya. Ang kalat ng selda dre. Tama, straight na lalaki nga ‘to. XD
*BOOGSH!*
“WOOOOOOOOOOOOOY!” hiyaw nung tatlong nagbuhat sa kanya.
“Hija, ba’t mo sinapak?”
“Tangna sino yun? Ba’t kailangang manapak?” oh ta’nyo nakakasigaw pa siya eh.
Umupo ako sa edge ng deck niya. Papikit-pikit pa rin siya. Panigurado ‘to blurred ang vision neto. “Bawal matulog. Kapag nakatulog ka, di ka na magigising. Magising ka man paralisado ka na or worst… yang ibabang parte mo lang ang ma-paralyzed kaya kung ako sa’yo magpapasapak na’ko ng paulit-ulit para manatiling gising.”
“N… N-Nauuhaw ako… Tubig…”
Saktong dating nung pinadalhan ko ng brandy. White whiskey yung dala nila pero okay na rin naman. “Pinasuyo ko muna do’n sa gwardya. Hindi kasi pwedeng makalabas na may nalason dito. Masasayang naman ang pagpapa-pogi natin sa gobyerno.”
Ano raw yun? @0@
Kinuha ko ang white whiskey at ipinainom kay Jin. He was able to drink it without noticing it was an alcohol I’m making him swallow. Course… it was not until he fell drunk.
“B-Bakit…”
“Stay awake.”
“Huh?” nabingi? =___=
“Sabi ko h’wag kang matutulog. Kailangang i-translate? Ka-imbyerna ka ah. Nalason ka lang di ka bingi.”
Naglabasan ang mga natitirang tao doon pati yung matanda at ang tanging sinabi eh hahanap daw ng pinakukuha kong antidote. Baka raw makadelehensya sila sa direktor ng h****n. Ang h****n kasi ay may opium at mataas ang percentage ng content.
Kada sumusuka siya, pinapainom ko kaagad yung whisky sa kanya. Gano’n at gano’n lang. Nagdi-deliryo paminsan-minsan pero hindi naman nakakatulog. Occasionally gini-grip ko yung hands, knees, feet, and body niya para hindi siya ma-paralyze which is likely to happen dahil sa effect ng toxin ng nightshade.
“Kung ayaw mong masapak hoy manatili kang gising.”
He just groaned ang moaned. Nakaupo lang ako sa kama. “Tubig pa…”
Di naman tubig ang pinapainom ko sa’yo. =___= Pero since apat na bote ang white whiskey, pinaubos ko na yun sa kanya. Bothered ako dahil may alcohol poisoning rin naman. I checked his eyes. Nagbabalik na sa dating size yung pupils niya. Dumating pati ng sakto ang kapeng pinatimpla ko and I made him drink it.
For the rest of the night ay nagsuka siya ng nagsuka. I never let him sleep. Kapag nagpatuloy ang ganitong routine, malamang, buhay ‘to kinabukasan.
“Pasapak nga ulit bago ka mabuhay.” -___-
*BOOOGSSH!*
Bleh! :P Kahit papaano naiganti ko sarili ko sa pagyayabang mo sa’kin kanina. Ang hambog mo kasi! Buti nga sa’yooooo! :P
Dear Sasame,
Yay nakulong tayo. Yun lang. Tamad ako magsalita eh.
Dearest,
Death Hunter
P.S.
Tingin mo ba mas mabuti kung hinayaan ko na lang siyang mamatay? At least nabawasan yung mga inborn na tao na nakalunok ng pagkalaking aircon. Dibadibs?