DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
The two nations are mortal enemies. The Southeast violated the treaty and policy, trying to weaken the North Kingdom through various strategies and generational warfare. Skirmishes are seen along the borders, especially along the Line of Control, with frequent targeting of military and civilian assets on the North Kingdom's side.
After the battle between the North Kingdom and the Southeast, the North Kingdom was victorious under the leadership of General Vialand, the leader of the Ashes Army.
Following their victory in the Southeast, they returned to their territory. As General Vialand's group traveled through the vast forest, they stopped when they heard the sound of a baby crying not far from their location.
"Leader, it's here," said one of his men. The leader quickly approached and looked closely at the baby wrapped in a white blanket.
He immediately took the baby and put it on his horse. Then, the group continued their journey to Snow Peak Village. After they arrived at Snow Peak Village, loud cheers erupted from their colleagues.
13 Years Later.
10/24 12:07 PM
Snow Peak Village
Apoy! May sunog! Nakahiga na ako nang marinig ko ang hiyawan ng mga tao sa labas. Nagmamadali akong lumabas, bigla akong nagulat nang makita ang mga taong nakasakay sa kanilang mga kabayo at maraming lobo na tumatakbo sa direksyon namin.
"Anak, takbo!" sigaw ni Ama. Agad akong hinawakan ni Ina at mabilis na tumakbo palabas ng aming bahay kasama ang iba pa naming mga kasama.
Huminto ako at lumingon, napagtanto kong naiwan ang aking ama at kapatid na si Laurence, nakikipaglaban sa mga bandido.
Nanlaki ang dalawang mata ko sa gulat nang makita ko ang mga kasama ko na nilalamon ng mga lobo at ang iba ay pinapatay gamit ang kanilang mga espada at palaso.
"Ama!" sigaw ko nang makitang hinahabol siya ng mga bandido, nanlaban naman ang aking kapatid na si Laurence. Hindi ko mapigilang umiyak, hindi ako makapaniwala sa aking nasaksihan ngayon.
"Anak, halika na, tumakas na tayo rito," sabi ni Ina, sabay hila sa akin patungo sa malawak na kagubatan. "Pero ina, hindi natin puwedeng iiwan si Ama at kuya Laurence," sagot ko, saka muling tumingin sa kanila. Nakita ko si kuya Laurence na tinutusok ng espada, at ang ulo ni Ama ay pinutol ng mga bandido.
"Mga hayop kayo!" Napasigaw ako ng malakas, parang nagdadalamhati din ang malakas na hangin sa paligid. Huminto ang mga bandido at saka pinakiramdaman ang buong paligid.
"Ina, paano na tayo ngayon? We have nowhere else to go! All our houses have been engulfed in flames," tanong kaagad sa kanya.
"Hindi ko alam Anak kung saan tayo pupunta ngayon, ang importante ay makalayo tayo sa lugar na ito," agad sagot ni Ina.
Tumakbo agad ako pabalik ng bahay nang makita kong nakaalis na ang mga bandido. Agad kong hinanap ang bangkay nina Ama at kuya Laurence.
My tears flowed when I looked at the blood around me and our companions who were pierced by arrows in their bodies. Others still had traces of the sword while bathing in their own blood.
"Anak, halika na. Umalis na tayo dito." "Pero Ina, wala na tayong ibang mapupuntahan maliban dito," sagot ko.
Bigla kaming napahinto sa pag-uusap ni Ina nang makita namin ang mga lobo na papalapit sa aming kinaroroonan. Napaatras kami ng tatlong beses at agad na tumakbo ng mabilis papunta sa malawak na gubat.
Napahinto ako sa pagtakbo ng makitang hinihingal si Ina.
"Anya, anak, umalis ka na dito, iligtas mo ang iyong sarili," sabi ni Ina. Agad akong umiling sa kanya. "Hindi kita kayang iwan dito, Ina." "Pero Anya, makinig kang mabuti sa sasabihin ko sayo. Matanda na si Ina at hindi ko na kayang tumakbo pa. Iligtas mo ang iyong sarili."
"Ina," sabi ko, kasabay ng yakap sa kanya nang mahigpit, napasunod ako ng tingin sa kamay ni Ina nang iabot niya sa akin ang kwintas. "Itago mo ito, Anak! Napakaimportanteng bagay ito sa iyo," sabi niya habang patuloy ang pag-abot niya ng Dragon Necklace sa akin.
Gulat akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang lobo na nakatayo sa likod ko habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin ni Ina.
napatayo ako nang dahan-dahan, Ina, takbo! Mabilis kong sambit sa kanya at kaagad naman sinunod ni Ina ang sinabi ko sa kanya.
Tumayo si Ina at saka tumakbo.
Dali-dali kong kinuha ang isang kahoy na matulis na nasa aking gilid at saka tinutok sa dalawang lobo na kaharap ko.
Nang mapansin kong nakalayo na si Ina, tumakbo ako nang mabilis habang nakasunod naman ang dalawang lobo sa aking likuran. Napahinto ako sa kakatakbo nang wala na akong mapupuntahan.
Kaagad umataki sa akin ang dalawang lobo. Agad ko naman silang sinalubong habang hawak ko ang matulis na kahoy at agad itong tinusok sa katawan ng isang lobo.
Napasigaw ako nang biglang lumakas ang hangin at umindayog ang mga puno ng kahoy sa paligid.
Gulat akong nararamdaman na hindi na nakalapat ang dalawang paa ko sa lupa na lumilitaw na sa hangin, ngunit nahinto at bumagsak ulit ako sa lupa.
Mayroon akong kapangyarihan? bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa aking dalawang palad.
Agad-agad kong hinanap si Ina. "Ina. Ina..." sigaw ko nang makita kong may mga pana sa kanyang katawan at naghihingalo na ito. Mabilis akong tumakbo patungo sa kanyang kinaroroonan.
"Ina, lumaban ka!" agad kong sinabi sa kanya habang hinahawakan ko ang magkabilang mukha niya.
"Anak," sabi niya, "Umalis ka na rito at kalimutan mo na ang nangyayari ngayon. Gusto kong mamuhay ka nang mapayapa, anak."
"Ina... Paano ko makakalimutan ang lagim na nangyayari sa ating pamilya?" Agad kong sagot sa kanya.
"Ina, please wake up," sabi ko, kasabay ng pagtapik-tapik sa kanyang mukha nang makita kong napapikit na ito.
Tumayo ako at saka kumuha ng kahoy upang maghukay ng lupa. Agad kong nilibing si Ina, pagkatapos ay umalis ako.
"Saan ako pupunta ngayon?" bulong ko sa aking sarili habang nagpalakad, na patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung ilang araw na akong naglalakbay sa kalsada.
Habang dinadama ang pagod at pangangalay ng dalawang paa ko, ramdam na ramdam ko na din ang natutuyong lalamunan ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.
Kaagad akong huminto sa paglalakad nang makita ko ang pinakamalaking gate ng lugar. Sumilip ako at nakita ko ang maraming mga taong naglalakad. Kaagad kong binasa ang nakasulat sa itaas, "Welcome to North Kingdom."