"Ayan ang Demonyong bata," sigawan ng mga tao habang hinahabol nila ako na tumatakbo sa gitna ng kalsada.
"Saan ka pupunta?" sabi nila, "Patayin siya! Isa siyang salot dito sa North Kingdom. Simula nang dumating ang batang iyon dito, naging miserable ang buhay natin."
"Siya ay isang demonyo," dagdag nila. "Hindi totoo 'yan," mabilis kong katwiran sa kanila habang binabato nila ako, na tumatama sa bawat parte ng katawan ko.
Napaupo ako at umiyak. "Ama. Ina..." sabi ko sa sarili, "Bakit sila malupit sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila, Ama."
Laking gulat ko nang makitang nakabalot ako sa lambat at saka isinabit sa harap ng napakaraming tao.
"Ang batang ito ay isang demonyo, isang salot sa lipunan. Ano ang nangyayari dito?" tanong ng isang lalaki na biglang sumulpot sa harapan namin.
Habang nakatitig siya sa akin na nakabalot sa lambat, "Hindi ba kayo naaawa sa kanya?" agad niyang tanong.
"Naawa? Simula nang dumating ang batang 'yan dito sa North Kingdom, nagkagulo na. Demonyo siya," agad nilang sagot.
Nanlaki ang dalawang mata ko nang makita ang kanilang mga sibat patungo sa aking kinaroroonan.
Pero natigil ito nang bigla niya itong pinigilan sa paraan ng pagkumpas ng kanyang mga daliri. Nalaglag ang mga sibat sa sahig.
"Demonyo!" gulat na sigaw nila nang makita ito. Kaagad naman akong pinakawalan ng lalaking nakasuot ng mahabang puting damit.
"Salamat sa pagligtas mo sa akin, Master," agad akong nagpasalamat sa kanya.
Tiningnan niya ako at saka nagsalita, "Where are you from?" tanong niya. Hindi ako sumagot sa takot na baka malaman niya na nanggaling ako sa snow peak at baka katulad din siya ng iba na papatayin niya rin ako.
Kaagad siyang tumalikod sa akin at nagpalakad. Agad naman akong sumunod sa kanyang likuran. Huminto siya at saka nilingon ako.
"Bata! Bakit ba sunod ka ng sunod sa akin?" sabi niya. "Master," sagot ko, kasabay ng pagluhod sa harapan niya. "Master, can you take me as your discipline?" agad kong sagot sa kanya. Nang biglang tumunog ang tiyan ko sa gutom, agad niya akong binigyan ng isang pirasong tinapay. Napangiti ako at agad na kinain iyon. "Nasaan na siya?" sabi ko nang bigla siyang nawala sa harapan ko.
Gulat akong napalingon nang may kumuha sa tinapay ko. "Hoy! Bata, saan mo ninakaw ang tinapay ito? Mukhang masarap ah!" "Akin na 'yan," habang kinukuha ko sa kanila. "Hindi ko ninakaw ang tinapay na 'yan," katwiran ko kaagad.
Agad akong natumba sa sahig nang itulak nila ako. Agad-agad ko naman itinayo ang aking sarili at naglakad palayo.
Napahinto ako bigla nang makita ko ang isang batalyon ng mga bandido na nakasakay sa kanilang mga kabayo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ko ang ulo ni Ama na dala nila! Ano ang gagawin nila sa ulo ni Ama? Bakit nila dinala dito? Tanong ko sa sarili. Nakisalamuha agad ako sa maraming tao habang pinapanood silang dumaan sa harapan namin.
Pagkatapos nilang dumaan, naglakad agad ako na nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon.
Ilang oras din ang nilakad ko hanggang sa makarating ako sa isang lugar. Nanlaki bigla ang dalawang mata ko nang makasalubong ko ang ilang lobo at makita ang matatalas nilang ngipin.
Napahinto ako sa paglalakad nang bigla akong inatake ng lobo. Napaupo ako sa sobrang takot at naghintay ng kagat. Laking gulat ko nang lumipad ang mga palaso patungo sa mga lobo at agad na tumama sa kanilang mga katawan.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng isang babae habang naglalakad papunta sa aking inuupuan. Napatitig ako sa kanya. Maganda siya at parang galing sa mayamang pamilya. Napatingin ako sa kamay niya nang iabot niya iyon sa akin.
Agad kong inabot ang kamay ko, at agad niya akong tinulungang makatayo. "Thank you for saving my life," pasasalamat ko sa kanya.
"Bakit ka nandito sa gubat?" tanong niya. "Alam mo kung anong klaseng lugar ang pinasok mo? Hindi ka dapat gumagala dito sa SilverWasp Wild Forest. Masyadong delikado ang kagubatan na ito," dagdag niya.
Kaagad ko siyang sinundan ng tingin habang naglalakad siya palayo sa akin, nakasabit pa ang malaking pana sa kanyang likuran. Huminto siya sa paglalakad at saka nilingon ako bago nagsalita.
"What are you waiting for? Halika na at makaalis na tayo," sabi niya. Lumawak ang ngiti ko at agad akong sumunod sa kanya.
"What is your name?" tanong niya sa akin habang naglalakbay kami sa daan na sakay sa kanyang kabayo.
"My name is Arranya," agad kong sagot.
"And how about your older sister? I don't know what to call you. I'm Sylvia," pakilala niya ang pangalan niya.
"May kamag-anak ka ba dito sa North Kingdom?" muli niyang tanong. Umiling ako sa kanya at sumagot, "Wala, wala akong kamag-anak dito, lahat sila patay na," agad tumulo ang mga luha ko.
"Okay, wag ka nang umiyak, little sister. From now on, we are family," mabilis niyang tugon. Napahawak ako sa kanya ng mahigpit habang hinihimok niya ang kabayo na tumakbo ng mas mabilis.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming naglalakbay sa kalsada hanggang sa makarating kami sa Froelvand Land Towns. Agad kaming huminto sa tapat ng isang malaking bahay. "Scarrow Residence," mahinahon kong sabi.
"Halika, pasok ka sa loob," sabi ni Sister Sylvia. "Ms. Sylvia," sabi agad ng isang babae sa kanya pagkapasok namin, "andito ang Ama mo, hinahanap ka, kanina pa siyang naghihintay sa'yo.
"Nasaan siya? Scarlet, pupuntahan ko siya," agad niyang tanong. "Nasa loob po Ms. Sylvia," sagot ng babae.
Kaagad akong sumunod sa kanya papunta sa loob ng bahay.
"Father, hinahanap mo daw ako?" diritsong sabi niya. "Yes, mabuti at dumating ka na, Sylvia."
Tumingin siya sa akin, "Sino siya?" "Huh! Siya si Arranya, Father. Nakita ko siya sa SilverWasp Wild Forest. Naawa ako sa kanya kaya dinala ko siya dito. Wala na rin siyang pamilya, Father. Naisip ko na dito na siya titira sa atin." Kaagad niya akong kinalatis ng kanyang tingin bago sumagot.
"Okay, from now on, Arranya dito ka na titira sa bago mong tahanan," diritsong sabi niya.
Lumawak ang ngiti ko sa labi nang marinig ko ang sinabi niya,
"Ilang taon ka na, Arranya?" tanong niya. "I'm 13 years old po," sagot ko at saka lumuhod sa harapan niya. Agad siyang tumayo at hinawakan ang braso ko. "From now on, call me Father, Arranya. And you are my second daughter," walang pag-aalinlangan niyang sabi.
Matapos akong kinausap ni Father Scarrow, agad akong dinala ni Sister Sylvia sa aking silid.
Pagkapasok ko, napanganga ako sa sobrang laki ng kwartong ito at maaliwalas ang paligid.
"Wow! Ito ba talaga ang magiging kwarto ko, sister?" tanong ko habang nililibot ko ang aking mga mata sa buong silid ng kwarto. "Oo, Arranya. Ito ang maging kwarto mo!" kaagad niyang sagot. Napakaluwag ng aking silid; para akong prinsesa dito. Ngumiti siya sa akin habang ginagalaw ko ang mga gamit dito sa loob ng kwarto. Kaagad kong hinawakan ang brush na pangsulat at saka ito tinitigan ng mabuti.
Arranya, mamaya, tuturuan kita kung paano gamitin ito! At hindi lang iyon ang ituturo ko sa iyo. Bukas ng umaga, tuturuan kita kung paano sumakay ng kabayo," sabi niya.
"Talaga sister? Tuturuan mo ako?" nakangiting tanong ko.
"Yes, Arranya," sagot niya.
Kinabukasan, maaga akong gumising at dali-daling lumabas ng kwarto ko. At saka dumiretso sa labas.
"Good morning, young lady," unang bati sa akin ni Scarlet. Agad ko siyang nilingon saka sinuklian ang pagbati na 'yon.
"Scarlet, nakita mo ba si sister Sylvia?" tanong ko.
"Yes, young lady, nasa Quadra kabayo siya ngayon at naghihintay sa iyo doon," agad niyang sagot.
Agad kong sinundan si Scarlet papunta sa Quadra Horse. Pagdating ko, I saw Sister Sylvia riding a horse and releasing her arrow at the Archery target.
Napahinto siya nang makita niya akong nakatayo sa gilid. "Arranya, halika rito," sabi niya. Agad akong lumapit sa kanya.
"Handa ka na ba?" tanong niya. Tumango agad ako sa kanya.
Tinulungan niya akong makasakay sa brown horse. Napasigaw ako sa gulat nang bigla itong tumakbo ng mabilis.
"Aray, aray," bulalas ko, napahawak sa aking balakang sa sobrang sakit nang bumagsak ako sa lupa.
"Ayos ka lang ba, Arranya?" tanong niya.
"I'm fine, sister," agad kong sagot sa kanya, saka ako tumayo ulit at sumakay ulit sa kabayo, hanggang sa
Naging mas madalas ang aking pagsasanay sa Quadra Horse.