Habang naglalakad kami sa gitna ng malawak na kagubatan kasama ang grupo ng Ashes Army, huminto ako sa paglalakad at saka nagsalita, "Dito muna tayo magpahinga," sabi ko sa mga kasama ko. Agad silang huminto sa paglalakad at umupo sa malapad na damuhan. Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng isang malaking puno habang nililinis ang aking espada na may bahid ng dugo, ngunit napahinto ako sa paglilinis nang magsalita si Mang Pax, na nakaupo sa tabi ko. "Leader, may ipapakita ako sa iyo," sabi niya sabay abot sa akin ng mapa. Agad ko naman itong kinuha sa kanya at tiningnan. "Galing kay Commander Vialand ang mapa na ito," This is a map of military tactics? "Yes, leader, this is a map of military tactics. This is what we used to fight the nation of Southeast when Commander Vialand was still al