PRINCESS ARRANYA'S POV: We are now at the top of the cliff, watching the Iron Army group walk under the center of the two cliffs with the Ashes Army member captive. Napapikit ako nang aking mga mata nang makita kung sinasaktan ng ilang hukbo ng Iron Army ang isang matandang lalaki na halos hindi na makalakad. Agad na binunot ni Scarlet ang kanyang espada, naghihintay sa aking senyales. Nakasuot ako ngayon ng itim na mahabang roba, at ganoon din si Scarlet, habang ang mukha niya ay natatakpan ng itim na bandana. Ilang saglit pa ay inihanda ko na agad ang aking pana. Itinutok ko ito sa mga kalaban, at nang malapit na sila, naglabas ako ng dalawang palaso. Ang dalawang palaso ay tumama sa katawan ng dalawang hukbo ng Iron Army." Laking gulat ko na hindi ako makapaniwala sa aking nakikit