Chapter 10: Fighting Someone's P.O.V "Parang awa niyo na po! P-pakawalan n-niyo nako..." "Hahahaha! Sorry my dear... Dapat namatay kana! Nang dahil sa Lorainne na tagapagtanggol mo nabuhay ka pa din. Ang mas nararapat sa gaya mong hindi nirespeto ang mga nasa mataas na katayuan ay dapat hatulan ng kamatayan.. Magpaalam ka na sa mundong 'to dahil malapit mo nang makita si kamatayan!" Tumawa ako ng malakas. Nakita ko kung paano gumuhit ang takot sa mukha niyang mamatay. Sagabal si Lorainne sa mga plano ko. Dapat siya ang mamatay pero syempre dapat malaking kasalanan ang magawa niya para mapatawan siya ng kamatayan at dahil sa aking Brilliant idea mawawala na siya sa landas namin. At dahil don malaya ko nang maaangkin si Lord A. "P-parang a-awa n-niyo na po! G-gusto k-ko p-pa m-mabuhay!"