Chapter 9: The Plan Lorainne Aisha's P.O.V "Ang kwartong ito ay kwarto mo na din Lorainne, dito tayo matutulog ng magkasama." Sabi niya saka ngumiti sakin. Naupo ako sa tabi niya saka ako nagpakawala ng buntong-hininga. "Lord A.. H-hindi pwede ang sinasabi mo.. Ayokong lumayo sa kaibigan ko, kailangan niya ako." Nakita ko kung paano lumungkot ang mga mata niya kahit di ko nakikita ang natatakpang mukha niya ng mascara. "Kahit ba naman ang makasama ka ay ipagkakait mo pa?" "H-hindi... A-ako lang kasi ang kaibigan ni Brigette dito kaya di ko siya pwedeng iwan. Kailangan niya ako.." "Okay, sige pero sana naman pagbigyan mo ko minsan na makasama ka matulog sa kwartong 'to." Tumango ako nang marahan saka niya ako niyakap ng mahigpit at hinagkan ako sa mga labi. Hindi ko alam pero hinay