Chapter 12: Revelations Brigette Kane's P.O.V Pagkalabas ko nang dorm namin ay agad akong dumiretso sa garden para doon magpahangin. Namimiss ko na kasi ang mga magulang ko. Kailan ko kaya sila makakasama ulit? Simula nang napasok ako sa school na 'to lagi nalang akong nalalagay sa peligro. Di ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko. "Brigette?" Napalingon ako ng makita ko si Master Grady na nakangiti sakin at tumabi sa inuupuan ko. Nagulat din ako nang punasan niya ang mga luhang lumandas sa mukha ko. "Hindi dapat umiiyak ang mga babaeng magaganda katulad mo..." Pagkasabi nun ay hinalikan niya ako sa noo. "B-bakit nandito ka?" "Nakita kasi kitang umiiyak... Kaya hindi ko natiis na lapitan ka." Nag-iwas ako ng tingin dahil natakot akong baka ulitin niya ang ginawa niya saki