Chapter 13: The Queen Lorainne Aisha's P.O.V Matapos ang isang linggong paglagay sakin ni Lord A sa trono ay hindi naging madali para sakin. Madalas kasing may nakakapaglabas ng utos at kailangan mamili ng parusa. Noong una ay pinilit kong sanayin ang patakaran sa school pero di ko magawa. Nakokonsensya ako kapag may nakakagahasa at nakakatanggap ng kamatayang kaparusahan. Kaya sa tuwing may paparusahan ay pinapakiusapan ko si Lord A na huwag sanang patayin ang nagkasala. Hangga't maaari ako ang humaharap sa napaparusahan kaya laki ang pasasalamat nila sakin dahil nabuhay pa sila. "Queen Lorainne are you listening?" Mahinahong tanong ng professor namin. Ngumiti ako saka tumango. "Let's now proceed to our lesson." Pagkasabi ni ma'am ay muli siyang nagleksyon. Nakikinig lang ako sa tin