CHAPTER SIX
Abala si Joey sa pagpapatuyo ng buhok niya habang palabas siya ng banyo.
Nadatnan niyang kumukuha ng unan ang binata.
"What are you doing?" untag niya dito.
Saglit itong tumingin sa kanya. Ngunit agad din itong umiwas. "Sa labas ako
matutulog."
"Bakit? Kwarto mo 'to di'ba?"
"Ikaw ang matutulog dito." lalabas na sana ito. Ngunit mabilis niya itong
nilapitan. Ginawa niyang harang ang sarili niya.
"Kung sa labas ka matutulog, uuwi na lang ako." nasaksihan niya ang
pagtaas-baba ng dibdib nito. Hinawakan nito ang kamay niya.
"Hiniling kong manatili ka dito dahil gusto kong makita ka't makasama."
"Kenneth,"
"Masaya akong kasama kita ngayon." hinimas nito ang pisnge niya. "I respect
you for what you are and what you believe in. At sana resputuhin mo rin ang
pagnanais kong ipakita sayo ang pagpapahalaga na narararapat sayo." tinawanan
niya ito.
"Ang baduy mo. Sige na dito ka na matulog kasya naman tayo diyan sa kama
mo, eh." umiling ito.
"Mahalaga ka and you should know your importance too. Nang sa ganu'n
matutunan mo ring magpahalaga ng ibang tao." hindi niya nagawang sagutin ang
sinabi nito. Naramdaman niya na lamang ang malambot nitong labi na dumampi sa
pisnge niya. "Good night mystery girl." bago pa siya makapag-react nakaalis na ito
sa harapan niya. Narinig niya na lamang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
"Kenneth," sambit niya sa binata.
Ano ba ang gusto nitong sabihin sa kanya? Na marumi siyang babae? Na wala
siyang pagpapahalaga sa sarili niya kaya siya nagagawang iuwi ng ibang lalaki?
Pero bakit gan'un kahit iyon ang tinutulak na rason ng isipan niya hindi iyon
matanggap ng puso niya.
Pakiramdam niya tama ang lahat ng sinabi nito. Para sa kanya hindi
pambabastos ang ginawa nito at mga sinabi kundi pagmamalasakit sa kanya.
Napangiti siya. Si kenneth pa lang ang lalaking nagparamdam sa kanya ng kanyang
halaga. Oo, ramdam niya iyon. Sa mga titig nito, sa paraan ng ngiti nito sa kanya, sa
paraan nang pakikipagusap nito, lahat ng ginagawa nito may nakapaloob na respeto
at pagpapahalaga sa isang tulad niyang estranghero lamang sa buhay nito.
Napabuntong-hininga siya. Humiga siya sa kama. Ang gaan ng pakiramdam
niya. At dahil iyon kay kenneth.
Napangiti si Joey nang maamoy niya ang niluluto niyang almusal. Maaga
siyang nagising. Gusto niyang ipagluto ang binata. Alam niyang may trabaho ito.
Inihanda niya na rin ang isusuot nitong damit.
Bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? Hindi niya alam. Wala siyang alam.
Naramdaman niya na lang na masaya siya kapiling ito at nais niyang ipadama dito
kung anong nararamdaman at niloloob niya para dito kahit ngayon lang.
"Good morning." masaya niyang nilingon ang binatang nasa likuran niya.
"Good morning." hinalikan siya nito sa pisnge.
"Wow you prepared all of these?" tumango siya sa tanong nito. Nakangiti ito sa
kanya. "Dapat pala nag-order na lang ako ng dinner natin last night o 'di kaya kumain
na lang tayo sa restaurant. Napapahiya ako sa luto mo,eh." masuyo siyang nakatitig
dito.
"Masarap naman iyong niluto mo at na-appreciate ko na ipinagluto mo ako."
ngumiti ito sa kanya. Hindi niya magawang titigan ng matagal ang mga mata nito.
Agad siyang umiwas. Hindi niya kayang makipagtitigan dito. Naninibago siya sa
sarili hindi naman siya ganito sa binata dati bakit parang bigla na lang nagbago ang
lahat.
Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likuran niya. Napapikit siya nang
hagkan siya nito sa buhok niya. "Masaya ako dahil sayo. Thank you dahil dumating
ka sa buhay ko." pilit siyang tumawa.
"Masaya? Isang araw pa lang tayong magkasama ah." inalis niya ang
pagkakayakap nito. "Nambobola ka na naman." ititimpla niya sana ito ng kape ngunit
mabilis nitong nahawakan ang kamay niya. Masuyo nitong hinimas ang pisnge niya.
"Masaya ako. Simula nang makita kita sa bar hindi ka na mawala sa isip ko.
Pinapasaya mo ako."
"Okay sabi mo, eh. Gusto ko lang malaman mo na..." napatitig siya sa mga mata
nito. Inaabangan din nito ang sasabihin niya. "I want you to know that I'm happy too.
" ngumiti ito. Muli siya nitong ikinulong sa bisig nito.
"Can I ask you to stay with me...forever?" mabilis siyang umalis sa yakap nito.
Pinitik niya ang matangos nitong ilong.
"Maligo ka na muna para mahimasmasan ka. Nananaginip ka pa, eh."
"Sige na nga," pinanood niya ang likod nito habang papalayo sa kanya.
"Kenneth," huminto ito at lumingon sa kanya. "I prepared your suit, suotin mo,
ha?"
"I will." kumindat ito sa kanya saka nagpatuloy sa paglabas sa dinning.
Ipinilig niya ang ulo niya.
Ilang saglit na pinagmasdan ni Kenneth ang sarili sa harap ng salamin. Isinuot
niya ang pinili ng dalaga. Hindi namang makakailang bagay sa kanya kahit anong
damit na susuotin niya. Pero nang pagmasdan niya ang sarili may kakaibang
kumikiliti sa puso niya. Isang simpleng bagay na ginawa nito ngunit nagdudulot ng
labis na tuwa sa puso niya.
"Sana manatili na lang siya sa tabi ko." bulong niya. Ipinilig niya ang ulo sa
naiisip niya. Kung anong pumapasok sa utak niya. Hindi siya dapat nag-iisip ng
ganoong bagay. Malinaw naman sa kanilang dalawa kung anong mayroon sila. Pero
hindi niya lang maiwasan ang sariling magustuhan ito at mahulog dito.
"Tapos ka na?" napangiti siya nang makita sa salaming kaharap niya ang
babaeng kakapasok lang sa silid niya. Hinarap niya ito. Hinagod siya nito ng tingin
mula ulo hanggang paa.
"Do I look good?" ngumiti ito. Lumapit ito sa kanya.
"You look great." hinimas nito ang pisnge niya. "Ang gwapo at ang cute pa."
hindi niya magawang pigilan ang mga labing mapangiti. Kinuha niya ang malambot
nitong palad sa mukha niya. Ilang beses niya itong masuyong hinagkan. "W-what
are you doing?"
"How I wish you could stay. I want you to stay." umiba ang aura ng mukha nito.
Nawala ang tuwa sa mga mata nito.
"Halika na, kain na tayo. May trabaho ka pa di'ba?" pag-iiwas nito sa
napag-usapan nila. Isang mapaklang ngiti ang sumilaw sa labi nito bago ito
tumalikod sa kanya.
Bago pa ito makalabas mabilis na nahuli ng kamay niya ang braso nito.
Sapilitan niya itong pinaharap sa kanya. Derecho ang pagkakulong nito sa mga bisig
niya. He let her feel the warmth of what he has inside of his heart. Sa loob ng ilang
sandaling magkasama sila may kakaibang damdaming sumibol sa loob niya na
kahit minsan ay di niya pa naramdaman kahit sa mismong babaeng
pinipilit na ikasal sa kanya.
"Hindi kita malilimutan. At kung sakaling mabuhay man ako ulit gusto ko pa ring
maging parte ka ng buhay ko, hindi lang sa loob ng isang araw o ilang oras kundi
habang-buhay." hinalikan niya ito sa buhok. "Alam kong wala akong karapatang
sabihin ito pero bago tayo magkahiwalay ngayon gusto kong sabihing may espesyal
kang parte dito sa puso ko." she chuckled. Marahan nitong hinampas ang likod niya
at kusang humiwalay sa pagkakayakap niya ngunit hindi niya magawang bitawan
ang kamay nito.
"Tama na 'yan. Halika na." mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. Muli
itong tumingin sa mga mata niya.
"Magkikita pa ba tayo ulit?" umiling ito.
"Hindi na. Hindi na dapat." pinakawalan niya ang kamay nito pagkatapos niyang
marinig ang sinabi nito.
Napabuntong-hininga siyang sumunod sa paglabas nito sa silid niya. Napahinto
siya nang humito ito at humarap sa kanya. Ngumiti ito sa kanya. Humakbang ito
palapit sa kanya at isang masuyo at matamis na halik ang dumampi sa labi niya.
"Ang mga halik mo ang pinakagusto ko sa lahat." bulong nito. Napangiti siya
nang marinig iyon.
Bakas ang kirot sa puso ni Joey sa mga luhang dumadaloy mula sa kanyang
mga mata. Magmula nang umalis siya sa condo ng binata at sumakay ng taxi hindi
na niya mapigil ang pagluha.
Kahit sa panaginip hindi niya inaasahang mangyayari ito sa kanya. Ni minsan di
niya inaasahang posibleng mahulog ang loob niya sa isang taong hindi niya pa
lubos na kilala at kung tutuusin isang buong araw at gabi niya lang ito nakakasama.
"Pathetic," napangisi niyang sambit. Mas malala ang kalagayan niya. Sino ba
namang sira-ulo ang umiiyak dahil sa isang estrangherong nakatagpo niya isang
gabi at napagbigyan ng panandaliang aliw. Normal ba itong nararamdaman niya o
siya na yata ang pinaka-abnormal na taong natutong magmahal sa pinakamaikling
panahon?
"Ma'am okay lang po ba kayo?" untag sa kanya ng taxi driver. Tumango lang
siya at pilit itong nginitian.
"Okay lang ako kuya, salamat."
Pinatuyo ng kamay niya ang basa niyang pisnge. Inihinto siya ng driver sa tapat
ng luma nilang bahay. Pagkatapos niyang mabayaran ito ay agad na siyang
bumaba.
Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya bago siya pumasok ng gate.
Derecho ang tingin niya sa paanan ng pinto ng bahay nang biglang humarang sa
kanya si Manang Lumen na naglilinis sa mga bulaklak at di niya napansin.
"Ate kayo lang pala 'yan, eh. Nagulat naman ako sayo." kumunot ang noo niya
nang mapansin ang pagkabalisa nito. Hindi ito mapalagay. Tila may nais itong
sabihin na hindi nito magawa. "Ate ano 'yon?" derecho niyang tanong. "Alam kong
may sasabihin ka." hindi mapalagay ang mga daliri nito na may hawak ng asarol.
"W-wala. Nag-aalala ako sayo, hindi ka kasi umuwi kagabi at tumawag."
napangiti siya.
"Si ate talaga. Sige ho, papasok na po ako sa loob ililigpit ko pa po ang mga
gamit ko." nagulat ito sa sinabi niya.
"Ililigpit? Aalis ka na?" tumango siya. "Akala ko ba isang linggo ka dito."
hinawakan niya ito sa balikat.
"Nagbago na po ang isip ko. Mukhang hindi po dapat ako nandito ngayon."
nginitian niya ito ng pilit. "Hindi na nga dapat ako umuwi." tumikhim siya upang
maibsan ang nararamdaman niya sa lalamunan niya. "Sige ate pasok na ako."
"Joey sandali lang," muli siya nitong hinarangan.
"Bakit ate? May problema ba?" napalunok ito. Naningkit ang mga mata niya sa
reaksyon nito. "Sabihin mo na sa akin ate." aniya dito.
"Kasi-." hindi nito magawang sabihin ang nais nito na siyang labis niyang
pinagtataka.
"Kasi ano po?"
"N-nasa loob ang mama mo." napabuntong-hininga siya. Ilang ulit siyang
napapailing. " Kahapon pa siya pabalik-balik dito."
"Bakit niyo po siya pinapasok?" hindi niya sinadyang mairita ang boses niya.
Nagmamadaling pumasok ang mga paa niya sa loob ng bahay. Natigilan siya nang
madatnan ang may edad na babae na hawak ang picture frame niya noong bata pa
siya. "Huwag mo 'yang hawakan baka mabasag." nilingon siya nito.
"Joey anak," lumiwanag ang mukha nito nang makita siya.
"Bakit ka nandito at paano mo nalaman ang bahay na ito?" lumapit siya dito.
Kinuha niya ang litratong hawak nito at ibinalik sa kinalalagyan nito.
"Palagi akong dumadaan dito noong nag-aaral ka pa sa elementary anak. Palagi
kitang sinislip dito." napangisi siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan kung bakit
panay pilit nito ngayong bumalik sa buhay niya. Para saan pa? Nabuhay naman
siyang wala ito noon at mas lalong kakayanin niyang mabuhay ngayon.
"Ano bang kailangan niyo? Pwede ba sabihin niyo na at marami pa akong
gagawin. Kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko." pagtataray niya sa mama
niya.
"Anak patawarin mo ako." sa sinabi nito lahat ng tungkol sa nakaraan niya
bumabalik lahat sa isipan niya. Bakit pa ba ito nagpakita? O mas dapat niyang
tanungin bakit pa siya umuwi? Sana wala ang babaeng ito ngayon sa harapan niya
at sana hindi rin nag-krus ang landas nila ni Kenneth.
"Kung makapaghinge kayo ng tawad para lang kayong humihinge ng candy, ah.
" nasaksihan niya ang pagtulo ng luha nito. Hindi siya matibay gaya ng pader ngunit
alam niyang makakayanan niya pang pigilan ang silakbo sa loob niya. Magagawa
niya pang magpakatapang sa harap nito. Kailangan.
"Anak kung kailangan kong lumuhod gagawin ko. Patawarin mo lang ako."
"Umalis na kayo."
"Anak," humagulgol ito sa harap niya.
"Umalis na kayo pakiusap bago pa ako makapagsalita ng hindi maganda."
tinalikuran niya ito. Ngunit agad nitong nahawakan ang kamay niya.
Nakaluhod ito sa harapan niyang humahagulgol at walang bukambibig kundi
paghihinge ng tawad.
"Anak patawarin mo si Mama. Hayaan mo akong makabawi sa lahat ng
kasalanan ko." pilit niyang iniiwas ang tingin dito. Ayaw niyang makita ang pag-iyak
nito baka sakaling hindi niya mapigilan ang sarili niyang maging mahina.
"Umalis na kayo. Ayaw ko na kayong makita pa. Sana hindi ka na lang
nagpakita, sana nakontento ka na lang na makita ako mula sa malayo." pilit niyang
inalis ang kamay niya sa pagkakahawak nito.
Nagsimula siyang humakbang papalayo. Sa bawat hakbang niya bumibigat ang
pakiramdam niya. Hanggang sa ang mga luha niya'y pumatak nang di niya
namamalayan. Nakapasok siya sa silid niya na naririnig ang hagulgol nito.
Nasasaktan siyang itulak ito papalayo ngunit iyon din naman ang ginawa nito
nang iwan sila nito ng Papa niya. Ang hirap mabuhay sa nakaraan lalo na't ito ang
dahilan kung bakit nababalot ng galit ang puso niya.
"Kenneth!" nagising pagkakatulala ang binata nang marinig ang singhal ng Ama
niya. Saka niya lang na-realize na nasa loob nga pala sila ng conference room at
may kasalukuyang meeting na nagaganap.
"S-sorry," pagpapaumanhin niya dito at sa ibang directors. Umiling ang Papa
niya at tumayo.
"Saka na tayo mag-meeting kapag matino na 'yang utak mo!" derecho itong
lumabas ng silid.
Ang Ama niya ang Chairman at may ari ng Lee group kaya magagawa nito kahit
anong nais nitong gawin. Kahit pigilan niya ito sa pag-alis magagalit lang ito at
magtatalo lang sila.
Sumunod na ring tumayo ang mga director at lumabas. Napasandal na lang
siya sa kinauupuan niya at napapailing.
Kasalanan bang isipin siya? Kasalanan bang maalala niya ang maganda nitong
mukha at ang matamis nitong ngiti? Kasalanan bang maalala kung gaano kalambot
ang labi nito?
"s**t!" napahampas siya sa mesang nasa harap niya. "Bakit ba hindi kita
makalimutan?" sinabunutan niya ang sarili niya.
Dinampot niya ang phone niya. Tatawagan niya sana ang number nito na
sekreto niyang kinuha noong nasa kanya pa ang telepono nito ngunit natigilan siya
nang may tawag na biglang pumasok.
"Therese," napabuntong-hininga siya.
"Hello," masaya ang boses nito mula sa kabilang linya.
"Hello,"
"Pauwi na ako ngayon. Magkita tayo bukas, okay?" kumunot ang noo niya.
"Pauwi? Bakit nasaan ka ba?"
"Let's talk when I get home. Bye, see you tomorrow. Departure ko na."
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya na walang pakialam sa sitwasyon nila
ang fiancee niya gayung inamin nitong may feelings ito sa kanya. Gusto niyang
umatras sa kasunduan na ito. At sasabihin niya iyon sa mismong harapan ng
kanilang pamilya.
Kung pumayag lang sana si Joey na manatili sa tabi niya ide sana may dahilan
siyang labanan ang gusto ng Daddy niya. Kaya lang ayaw din nito sa kanya. Pero
kahit na, hindi pa rin siya papayag sa gusto nito. Walang kasal na magaganap.
Sinubukan niyang tawagan ang number ng dalaga ngunit hindi ito makontak.
Napasinghap na lamang siya.
"Bye Joey,"