"Pwede bang dito ka na lang?" halos masamid si Joey sa narinig niya mula sa
binata. Gusto niya sanang matawa pero seryuso ang mukha nito. Kadalasan naman
mabilis niyang nasasagot nang paloko ang mga ganoong salita. Pero bakit sa
lalaking 'to biglang umurong ang dila niya. Parang sinasabi ng puso niya na gusto
niya ring kasama ito. Ngunit di naman maari. Ayaw niyang magkaproblema at lalong
ayaw niyang maranasan ang nangyari sa papa niya noon.
"Mahal ang sweldo ko sa States, kaya mo bang bayaran 'yun? If you can I'll stay."
pagbibiro niya dito.
"Magkano ba ang isang buwang sahod mo d'un?" natigilan siya sa sinabi nito.
Tiningnan niya ito sa mga mata. Sinusubukan niyang malaman mula sa mga
mata nito kung seryuso ito. Ngunit hindi ito kumukurap. Puno ito ng sensiridad.
"Huwag ka namang magseryuso ng ganyan. Hindi bagay." ininom niya ang kape
niya. Nagtaas siya ng tingin sa langit na natatanaw niya mula sa veranda ng condo
unit ng binata.
"Gusto kong kasama ka." napangiti siya.
"Hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ang nagsabi sa akin ng ganyan." hindi
pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa ulap. Naramdaman niya ang paghawak nito
sa kamay niya. Bumaba siya ng tingin sa binata.
"Dito ka na muna kahit hanggang bukas lang."
"Okay." tugon niya.
Hindi niya maipaliwanag ang saya niya nang makitang lumapad ang ngiti nito.
Kinuha nito ang palad niya at hinagkan ng ilang ulit.
"Thanks,"
Gusto niyang tanggihan ito. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya ngunit anong
magagawa niya, hindi niya kayang alisin sa labi nito ang saya. Nais niyang makitang
nakangiti ito.
"Kenneth,"
"Hmm?"
"Hindi ako tatagal dito. Kailangan ko na ding bumalik ng Amerika pero
pagbibigyan kita sa gusto mo. I just want to remind you, pag-alis ko ayaw kong
makitang umiyak ka. Hindi mo ako pwedeng mahalin." tumango ito sa sinabi niya.
Ngunit iba ang nakikita niya sa gilid ng mga mata nito. Iba ang sinasagot nito.
"I understand." saglit na naging malungkot ang mukha nito. "You want more
bread?" untag nito na may kasamang ngiti na hindi niya mawari kung tunay ba o
isang maskara ng tunay nitong nararamdaman.
"Here," inabot nito sa kanya ang tinapay na nilagyan nito ng butter.
"Thanks."
"Kailan mo planong bumalik ng Amerika?"
"Bukas sana kung hindi ka lang umapela." nagbaba ito ng tingin.
"Sorry," nginitian niya ito. "How about your family? Parents mo?" napasighap
siya dito.
"Let me remind you no personal questions. Kung ano ako na nakikita mo, 'yun
ako. Huwag mo na sanag tanungin 'yung mga baagy na hindi mo a kailangan
malaman."
"Okay. I got it."
Napatingin sila ng binata sa phone niya nang bigla itong tumunog. Chineck niya
kung sino ang tumatawag. Natigilan siya nang makita ang pangalan ng papa niya.
"Is there a problem? Sino ba 'yang tumatawag?" untag nito sa kanya.
"My father. Can you leave me for a while kung okay lang?" tumango ito.
"Okay." tumayo ito. "If you need anything puntahan mo lang ako sa kusina
magluluto lang ako for dinner." tumango siya. Sinundan niya ito nang tingin.
"Hello pa,"
"Josefa nasaan ka ba? Malapit nang magdilim hindi ka pa umuuwi dito sa
bahay." may tensyon sa boses nito.
"Hindi po muna ako uuwi pa."
"What? At saan ka naman? Joey, pag-usapan natin kung ano mang nakita mo
kagabi sa bahay." hindi niya napigilan ang pag-ikot ng mga mata niya.
Nagpapasalamat nga siya kay Kenneth dahil kahit papaano nakalimutan niya ang
isyu niya sa buhay. Pero ito ngayon pinapaalala na naman sa kanya ng Ama niya.
"Pa ayaw ko po siyang pag-usapan. At baka hindi na rin po tayo magkita.
Babalik na po ako ng Amerika."
"Joey, anak makinig ka naman kay papa. Gusto niyang huminge ng tawad sayo.
Gusto niyang makabawi." nakagat niya ang ibaba niyang labi. Naramdaman niya
ang pag-init ng gilid ng mga mata niya. Hindi niya kayang pigilan ang hapdi sa loob
ng puso niya. "Anak pagbigyan mo na ang mama--."
"Enough pa!" napasinghal siya. Ayaw niya nang marinig ang susunod na
sasabihin nito. "Kung ayaw niyong mas lalong sumama ang loob ko, tigilan niyo na
ang banggitin siya. Wala na po akong Ina."
"Joey anak."
"Bye pa, tatawag na lang po ako kapag nakabalik na ako ng States. Bye." mabilis
niyang pinutol ang linya. Ayaw niya nang makausap ito sa ngayon. Pinapasikip lang
nito ang dibdib niya.
Nasapo niya ang noo niya at hinayaan ang sarili niyang umiyak. Pilit niyang
kinakalimutan ang lahat ng tungkol sa Mama niya ngunit kahit anong gawin niya
hindi niya magawa. Maaring nawawala sa isip niya minsan lalo na kapag nasa
Amerika siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin humihilom ang sugat sa puso niya.
Hindi niya ito mapatatawad.
Tumikhim siya at pinunasan ang basa niyang pisnge. Hindi niya na dapat
iniiyakan ang tungkol dito. Buong buhay niya wala itong pakialam pagkatapos bigla
na lang itong magpapakita na parang walang nangyari.
Tumayo siya. Isa-isa niyang niligpit ang mga tasa at platong ginamit nila ni
Kenneth sa pagmimeryenda. Dinala niya ang mga ito sa kusina. Malayo pa lang siya
may kakaiba na siyang naaamoy. Mukhang masarap ang dinner nila ngayon, ah.
"Wow. Whats that? It's smells good." aniya sa binata nang madatnan niya itong
nagluluto.
"Something special for you." kumindat pa ito sa kanya.
"Whoa?" napaismid siya at lumapit dito. Piningot niya ang tenga nito.
"Hey masakit." reklamo nito.
"Masakit talaga. May nalalaman ka pang kindat-kindat diyan? Halos hindi na
nga makita ang mata mo, eh."
"Gwapo naman." nagkibit balikat siya.
"Ano nga kasi 'yang niluluto mo?"
"We called it chow mien."
"Okay. Mukhang masarap." ngumiti lang ito. Tinakpan nito ang niluluto nito.
"Yun na yun?"
"Nope. Let's cook it a few minutes before we add the canton."
"Okay." nagsalubong ang kilay niya nang makita ang pancit canton. "Alam mo
may tawag kami diyan, eh."
"Ano?"
"Para siyang lomi." ngumiti ito.
"Magkamukha sila pero magkaiba ang kanilang lasa. Mas masarap 'yan. Ako
nagluto, eh."
"Ayun umeepal lang. Diyan ka na nga," kinuha niya ang dala niyang tasa at plato.
Nilipat niya sa lababo at hinugasan.
"Hey ako na niyan." lumapit ito sa kanya.
"Kenneth huwag mo akong ginagawang baby, kaya ko na 'to. Sanay ako sa
gawaing bahay."
"Okay." bumalik ito sa niluluto nito. Hinugasan niya ang ginamit nila kanina.
"Kenneth," sambit ni Joey nang pumasok siya sa silid ng binata. "Oh sorry,"
mabilis siyang tumalikod nang makitang naka-topless lang ito. Basa pa ang
katawan nito at tanging tuwalya lang ang tumatabon sa pribadong parte ng katawan
nito.
"May kailangan ka ba?" naramdaman niya ang paghakbang nito palapit sa
kanya. "Bakit nakatalikod ka?" bakit nga ba siya nakatalikod? Sanay naman siyang
makakita ng katawan ng lalaki.
Nilingon niya ito. "Kaka--." natigilan siya nang malaman niyang isang dangkal
lang ang layo nang mukha nito sa kanya. Biglang umurong ang dila niya. Napalunok
siya. "Oh s**t, he's teasing me." hindi niya alam kung anong tumulak sa mga
kamay niya at napahawak siya sa dibdib nito. Itinulay niya ang kanyang mga daliri
pababa sa abdomen nito. Dama ng kamay niya ang matigas nitong abs. Hindi niya
yata iyon na-realize the night they made love.
Dahan-dahang yumuko ito sa kanya. Alam niya na kung anong gagawin nito.
"Kakain na tayo." sa wakas nasabi niya na din ang sadya niya dito.
Tumango ito. Inilayo nito ang mukha sa kanya. Bakas ang pagkadismaya nito
sa pagkakapurnada ng gusto nitong paghalik sa kanya.
"Bibihis lang ako." ngumiti siya.
"Okay." tinalikuran siya nito. Nahagilap ng mga mata niya ang tattoo sa braso
nito "ken nisi?" kunot ang noo siyang lumabas ng silid nito.
Hinintay niya ang binata sa labas ng silid nito. Naayos niya naman din ang mesa.
Nalipat ang atensyon niya sa main door nang marinig ang pagtunog ng doorbell.
Nilingon niya ang pinto ng silid ng binata. Okay lang naman siguro kung
pagbuksan niya ito. Napasinghap siya bago tinungo ang pinto. Pinagbuksan niya
ang taong nasa labas.
"H-hello," nanlaki ang mga mata ng taong nasa labas ng unit ng binata. Agad
niyang napansin ang bag na dala nito.
"Hi," bati niya.
"H-hello po, nandiyan po ba si Sir kanneth?"
"Oo nandiyan. Tatawagin ko na lang."
"Naku huwag na po. Inihatid ko lang 'tong pinabili niya." iniabot nito ang bag.
Kinuha niya iyon. "Sige, bye."
"S-sige ho, salamat." ngumiti ito at nagmamadaling umalis. Napapailing niyang
isinara ang pinto.
Dinala niya ang bag sa loob ng bahay. Ano kayang laman nito? Hindi naman
mabigat at sakto lang ang laki.
"Lumabas ka pala?" untag ng binata sa kanya nang makita siya nito. Umiling
siya.
"Hindi. May tao kasi kanina. Pinabibigay niya ito sayo." kinuha nito ang bag at
binuksan.
"Para sayo pala ito." kumunot ang noo niya.
"Para sa akin?" pagkaklaro niya.
"Yeah. Pinabili kong damit mo."
"Pinabili? Wait klaro lang ha, itong lahat ng ito para sa akin? Plano mo ba akong
patirahin dito?" ngumiti ito ng pilyo.
"Pasok mo na 'yan sa kwarto. Kain na tayo." nagsalubong ang kilay niya nang
layasan siya nito.
"Kenneth!" ngunit hindi na ito lumingon. "Nakakainis!"
Panay usisa sa kanya nang binata habang nasa hapag sila. Kung anong
tinatanong nito. Kung may gusto ba siyang kainin na iba o kung may gusto ba
siyang pasyalan bago umuwi ng Amerika.
Ngunit hindi niya ito sinasagot. Kakausapin niya ito kung kailan niya gusto.
"Gusto mo bang pumunta ng tagaytay o palawan?" dagdag pa nito.
"Gusto kong kumain nang tahimik." hindi na ito nagsalita.
Naiinis na siya sa sarili niya. Dapat hindi niya ito sinusungitan, eh. Ano namang
problema niya dito? Hindi niya kaya ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.
"What's ken nisi?" nalipat sa kanya ang maliit nitong mata. "I saw a tattoo in
your arm." dugtong niya nang makita ang pagtataka sa mukha nito.
"Oh," itinaas nito ang manggas ng suot nitong damit. "This one?" tumango siya.
"It's a chinese word for kenneth." tumango-tango siya.
"Okay." napangiti siya nang biglang may pumasok sa utak niya. "Do I have a
chinese name?" saglit itong natigilan at nag-isip.
"Qiao yi," nagsalubong ang kilay niya sa narinig.
"Hoy parang nililibak mo na ako, ah." reklamo niya nang hindi maintindihan ang
sinabi nito. Ngumiti ito.
"Qiao yi is your chinese name." napaismid siya sa narinig.
"Parang kikyam lang sinabi mo, eh. 'Wag na nga lang." nakita niya muli ang kung
paano ngumiti ang mapanukso nitong labi.
Paano niya nagawang mabuhay kasama ang estrangherong lalaki na ito sa loob
ng ilang oras? Subalit ang bawat sandali na lumilipas ay tila nagiging taon para sa
kanya. Ang bawat saglit na wala ito sa kanyang paningin ay tila katumbas ng isang
dekada.
Umiibig na nga ba siya sa lalaking ito gayung hindi niya naman itong lubusang
kilala at tanging libangan lang ang nangyayari sa kanila?
Uminom siya ng tubig. Pinagmasadan niya ang binata habang kumakain. Ano
na bang nangyayari sa kanya? Normal pa naman ang puso niya 'di'ba? Normal pa
ang takbo ng utak niya.
Okay pa naman siya. Kailangan niya lang sigurong iwasan ito kaagad bago pa
lumalim ang nararamdaman niya. Bago pa siya tuluyang mawala sa isip niya.
Masaya siya na nakakasama ito ngunit hindi siya dapat masanay. Mahirap na kapag
nakabalik siya ng Amerika baka hanap-hanapin niya ito.
"Chinese guy," tumingin ito sa kanya. "Bukas uuwi na ako. Kailangan ko pang
magligpit ng gamit at bumili ng ticket."
"Okay,"
Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit nalulungkot siyang isipin na
magkakalayo sila ng binata. Parang may kumikirot sa loob ng puso niya. Iniiwas
niya ang paningin niya dito. Uminom siya ng tubig at huminga ng malalim.