Santana’s POV Ngayon ako nakipagkita kay Renlen habang busy si Reon ngayon. Pag-uwi na lang ako magpapaliwanag sa kaniya. Nagmadali na lang ako sa paggayak ko para hindi niya ako makitang paalis palang. Nagsuot ako ng cap at shades, tapos hindi na ako nagmaganda ng suot para hindi agaw-pansin sa mata ng mga tao. Habang nakasakay na ako sa taxi, ka-message ko pa rin si Renlen. Paalis na raw siya ng hotel para pumunta sa tagpuan namin. Tuwang-tuwa ako dahil dala-dala na niya agad ang sinabi niyang ibibigay niya sa akin ng sigurado raw na ikakasilaw ng mata ko. ‘Yon ang dahilan kung bakit napa-push ako nang pakikipag-meet sa kaniya na dapat ay bukas pa talaga. Kinakabahan man ako ay tinatapangan ko na lang ang sarili ko dahil sabi nga ni Reon, kailangan kong masanay sa ganito. “What color