1

963 Words
"Mommmmy..... Dadddddy.... Noooo..." Sigaw ko ng makitang biglang sumabog ang sinasakyang yate ng aking mga magulang. Halos magunaw at mawasak rin ang aking mundo ng makita ang yateng wala na. Nagkawasak wasak na ito. Ganon din ang isiping wala na ang kanyang mga magulang. Halos lahat ng tao sa isla ay nawindang at nagulat sa nasaksikhan. Hindi kailanman sumagi sa kanyang isipan na ganito ang mangyayari sa mahal na ama at ina. Nakakapanlumong isipin ngunit wala siyang nagawa. Halos gusto niya ding langoyin ang pagitan ng yate at isla. Kung pwede lang. Sana sumama na lamang siya! Sa edad na labing pito ay naulila na sa mga magulang ang katulad niya. Siya ay tinaguriang prinsesa at tagapagmana ng mga Madrigal. Hindi niya lubos maisip kung paano niya haharapin ang mga iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Ngunit ang mas nakabahala sa kanya ay paano na siya? Gayun na wala na ang mga magulang niya? Tatlong araw ang lumipas simula ng mawala ang kanyang mga mahal sa buhay. "Iha anak, kumain ka muna wala ka pang kain simula nung isang araw, please anak kailangan mong magpakatatag, nandito pa kami at nandyan pa ang abuelo mo." Pag-aalo ni nanay pasing na siyang nakakatandang kawaksi ng kanilang pamilya o mayordoma bata pa si mama ay heto na ang nag aalaga maging sa nag asawa na ito ay hindi parin sila iniwan. Ito na ang tumayong ina ng mama niya. Hindi niya ito masisisi kung ganoon na lamang ito kung mag alala. Tiningnan niya muna ito bago mahinang tumango. Naririto lang siya sa harap ng mga kabaong ng kanyang ina at ama. Ayaw niyang umalis ni ayaw niyang mawala saglit sa paningin ang mga Imahe ng mga ito. Natatakot siyang pumikit dahil baka sa pagmulat niya ay tuluyan na siyang iwan at hindi na niya makikita ang mga ito. Kay sakit, napakahirap sa pakiramdam. Para lamang siyang patay na gumagalaw. Nakakawalang gana! Nandito nga sila nanay pasing at ang kanyang abuelo ngunit iba pa rin ang kalinga ng mga magulang. Walang sinuman ang kayang pumantay sa mga ito. Hindi niya man kayang ipakita na nahihirapan na siya dahil iyon ang katangian na kaya niyang gawin ang magpanggap. Ngunit hindi maipagkakaila sa kanyang mga mata ang lungkot at sakit! Alam niyang wala siyang laban sa Poong my kapal na siyang nagmamay-ari ng ating mga buhay. Hindi niya kayang isisi rito ang nangyayari sa kanila ngayon. Siguro ay paraan ito ng Mahal na Diyos upang mamulat siya sa katotohanang walang kahit na ano o sino ang permanente sa mundo. Maging ang pinaka makapangyarihan pa o mayaman sa lahat ay walang laban kapag ang Ating Mahal na Diyos na siyang my likha sa lahat ang kumuha ng kung ano mang meron sa atin ngayon. Isa lang ang kanyang maipagmamalaki ang naiwan siyang my takot sa Diyos at hindi mapagmaliit ng kapwa. Tinuroan siya ng kanyang mga magulang na huwag maging mapaglamang. Sila man ay my kapangyarihan sa larangan ng negosyo ngunit hindi iyon basehan upang ikay mang apak na nang kapwa mo. Nagpapasalamat parin siya sa Panginoon kahit maaga mang naulila sa mga magulang ngunit mayroon naman siyang mga kasama na siyang nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. *** PINALIS niya ang mga luhang nagsibagsakan sa kanyang mga mata nang magbalik tanaw siya sa kanyang nakaraan kung saan ang trahedya nagsimula. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa paghahanap ng hustisya. Tatlong taon na ang Lumpis ngunit parang kahapon lang ang lahat. Okay naman siya sa buhay niya nagagampanan niya naman ang kanyang trabaho bilang isang CEO ng Madrigal Group Inc. Bakit parang kay ilap ng hustisya sa kanya at sa mga magulang niya. Ang sabi ng mga pulis noon sa kanya ay hindi raw sinadya ang pagkakasabog sadyang aksidente lang daw ang lahat ng nangyari. Ngunit hindi siya naniniwala. Hindi aksidente ang lahat dahil tiyak niyang plinano ang lahat. Ayon din sa kanyang PI Walang sira ang makina ng yate na sinasakyan ng kanyang mga magulang dahil alam niyang ang lahat ng kanilang yate ay hindi pinapabayaan ng kanyang Ama. Magaling sa larangan ng negosyo ang kanyang Ama at Ina. Lumaki siyang nahasa sa iba't ibang mga negosyo ng kanilang mga angkan. Maging kung paano humawak nga sariling pera ay tinuroan siya mismo ng kanyang mahal na ina. Mukhang inihanda talaga siya sa kanyang Obligasyon pagdating ng araw. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay kay Aga niyang naulila. Habang pinagmamasdan ang puntod ng kanyang mga magulang ay biglang tumunog ang kanyang Cellphone. "Hey, max where are you? Im here at your office. I have something to tell you." Si lexie, her bestfriend. Her one and only bestfriend. "Im at my parents graveyard, what was that all about? Maybe you can tell me naman over the phone right?" Sabat ko, sabay pahid ng natitirang luha sa aking mga mata. Ayoko ko pa munang umalis dito. Minsan na nga lang ako nakakadalaw e mabilisan pa. I just want to take this moment alone. "Actually no, i need to discuss you personally. But seems you're having a moment to your beloved parents, i shall re schedule it by tomorrow. See you and take care." Heto lang ang kaibigan niyang totoong nagmamalasakit sa kanya. She could say she found a sister figure being with her. "Okay sis thanks for understanding. You truly a friend of mine, love ya." Sagot ko habang nakangiti. I was so lucky to have her at my side. Ever since she's the person who never leave me behind aside from my lolo and to all those workers at the mansion. Sila ang taong hindi ako iniwan simula nung mangyari ang trahedya sa buong buhay ko. Nawala man ang dalawang taong pinaka importante sa akin. Ngunit nabigyan naman ako ng maraming nag aalaga sa akin. I am still blessed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD