PINUNASAN niya ng pawis si Jio ng makalapit ito sa kanila matapos maipanalo ang sack race. Sobra siyang nag-alala dahil nga may injury ito noon na kahit sinabi pang magaling na iyon. Inabot niya dito ang water jug na dala nila para makainom ito ng tubig. Pulang pula ng balat nito dahil sa sobrang init at hindi pa ito nagpalagay ng sunblock sa kanya. Nakita niyang yumakap sa binti nito si Micah na agad namang binuhat. "Hindi ba masakit ang binti mo at tuhod?" tanong niya dito. "Nope. It's all healed now don't worry, hmm?" He answered. Jio pulled her a little closer and planted a soft kiss on her forehead. "Ang competitive mo masyado. Remember na family day ito at hindi championship." Paalala niya sa binata pagkalayo dito ng kaunti. "Itong little gremlin natin ang competitive," tugon