"HERE'S your lunch, Allison." May ngiti sa labing sambit ni Ms. Angie sa kanya. Hinayon niya ang tingin sa take out paper bag na pinatong nito sa working table niya. "Galing kay Sir Jio, pina-order niya sa 'kin kanina kasabay ng pagkain ni Sir Andrew." Lumabas si Andrew sa opisina nito at kinuha ang pagkain sa lamesa ni Ms. Angie. Sinabi nitong maglunch na silang dalawa saka muling pumasok sa opisina nito. Inaya siya ni Ms. Angie sa pantry kung nasaan ang iba pang empleyado ng JSD Events. Mag-iisang linggo na napasok doon at magaan pa naman load ng trabaho na binibigay sa kanya. May napapansin lang siya sa tingin ng ibang empleyado na pakiramdam may kinalalaman sa special treatment ni Jio sa kanya. "Ms. Angie..." Tumingin sa kanya ang dalaga na ka-edad lang din naman niya. "Angie na