...
"Justine, sa cafeteria ka?" Tanong ng kaklase kong si Mylene habang sumusunod sa paglalakad ko.
Nilingon ko ito at nginitian na nagdulot ng agad nyang pamumumula. Alam ko man ang dahilan kung bakit ay hindi ko nalang pinansin ang itinuran.
"Oo." Simpleng sagot ko nalang.
Dahil dun ay lalo itong namula at natuwa. Nilakad-takbo nya ang pagitan namin at marahang humawak sa braso ko; ramdam ko pa nga ang pagpisil nya rito.
Gayumpaman ay hindi ko nalang ulit iyong binigyang pansin.
"Pwede ba akong sumabay sayo?" Nahihiya munit lakas loob nyang tanong.
"Sige lang--" Pasagot na sana ako ng may maramdamang braso na sumukbit sa balikat ko.
"Ay sorry sis, may ka-lunch na tong afam mo." Nakita ko pang umismir ang kaibigan sa dalaga na napahiyang napatungo.
"A-ah... Ganun ba?" Iwas nitong tingin saamin.
"Ganto kasi yung boyfriend ko mars, sobrang friendly." Sagot nya rito. Maging ang kaibigan ay hindi ko narin binigyang pansin.
"H-Ha? Sige, enjoy kayo." Nahihiya itong nagbow bago tumakbo paalis.
Nang makaalis ay tsaka ko hinarap ang kaibigan na inalis na ang braso sa balikat ko at bumaba na mula sa pagkakatingkayad. Inihilig ko ang ulo ko; sinenyasan syang magpaliwanag.
"Hindi ka ba marunong tumanggi, Justine?" Natatawa nyang tanong bago ako hinila paupo sa pinakamalapit na table saamin-- na sa kaliparan ng isip ko ay hindi ko napansing nasa destinasyon na pala ako.
"You're not that naive not to see that they're crushing on you and yet, payag kalang ng payag sa offers nila." Tukoy ata nito sa ilan pang mga pagkakataong inaaya ako ng ganun.
Na hindi ko naman maintindihan kung bakit. I mean, okay, I may have the looks, I may have a fair skin, have normal physique for a twenty-one year old and kinda... kind? Pero sapat na ba yun para magustuhan ako?
Like, how can they see something in me that me myself can't see?
"She's cute." Saad ko. Umismir sya ng nakakaloko-- na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Ay, bisexual king! Sayo na ang korona ko dai!!" Natawa nalang ako ng kunwari ay inalis nya ang korona sa ulo nya para isuot naman saakin.
"Pipila na ako, may gusto ka bang kainin, Jah?" Wala sa sarili akong napailing sa tanong nya.
But no. I'm not bisexual. I'm gay.
Hindi man marami munit nagkaroon na ako ng mga nobyo sa loob at sa labas ng unibersidad na nagpapatunay nun.
Gayun mang hindi ko na maalala kung kailan ako nakaramdam ng atraksyon sa kaparehong kasarian, nasigurado ko naman ito ng walang halong diri o pagtataka akong nagkagusto at pumayag magpaligaw sa kapwa ko lalaki-- sino ba naman kasing straight ang papayag na magpaligaw at magkaroon ng kasintahan sa kaparehong kasarian?
Maya maya pa't napaangat nalang ako ng tingin ng bahagyang magulat sa pabagsak nitong paglapag ng tray sa mesa namin. Kunot ang nuo nitong naupo na sya sa harap ko at inilatag ang mga pagkaing ibinili nya para saamin.
"Huwag mo nang tanggihan yan dahil wala akong balak iparefund yan kay kuya sungit." Pagtukoy nya sa tindera at inunahan pa ako sa plano kong pagtanggi sa binigay nya.
He's Chester Leigh Vestra. He's a friend I knew since my freshman year. He's taking up BFA Photography; malayong malayo sa kurso kong BSBA Financial Management kaya hindi ko alam kung bakit kami naging magkaibigan nito.
Oh, right! Isa pala ito sa mga taong gigil saakin nuong bagong lipat ako sa skwelahan at gustong gusto akong talunin academically. Hindi kasi gaya ko na pag-a-aral ang priority, hobby nya lang daw ito na hindi hahayaang malamangan ng kahit sino kaya naman simula nun ay sinusundan-sunda't inaway-away nya na ako.
We started up as rivals yet we ended up being with each other thru ups and downs unintentionally ending up with this kind of friendship.
"Sus, alam mong hindi ako tatanggi sa grasya. Sana lang next time ako na ang taya." Nahihiya kong sabi. Sino bang hindi? Eh, lagi nyang sagot ang pagkain tuwing magkasama kami!
"Heh! Paano ikaw ang taya e tulala ka! Day dreaming lang gurl?!" Natawa nalang ako sa panunukso nya at tuluyan na ngang kinain ang grasyang nasa harapan ko.
Sa tingin ko ay hindi lang ang pareho naming hilig sa pag-a-aral at pagkakapareho sa iilang mga interes ang naging dahilan ng pagkakaibigan namin.
Marahil isa rin sa nagpakonekta ng samahan namin ay ang pareho naming pagkakagusto sa kaparehong kasarilan.
Pero di gaya ko ay bisexual si Chester; nung una pa nga'y napansin ko lang ang pagpapalit palit nito ng interes sa kasariang nagugustuhan pero nang kalauna'y imamin nya rin ito saakin.
Nope, he's not a womaniser nor a w***e. He just know his worth that no one can tell him to stay put or low. Dahilan kung bakit hindi sya nahihiyang ipakita sa lahat na pwede syang magkagusto sa parehong babae at lalaki.
"Ayoko mang ipaalala pero Jah, kamusta na part-time job mo? May naghihinala na ba?" Tanong nya na nagpatiggil saakin sa pagsubo.
Nagpakawala akong ng isang mabigat na buntong hininga bago ihiniga ang ulo ko sa mesa. Nang maalala kasi ay nakaramdam na naman ako ng agarang pagkapagod..
Hindi man bawal munit may mga restriksyong ipinapatupad ang eskwelahan sa paghahanap ng trabaho ng kanilang mga estudyante. Hindi na katakataka yun bagkus ay ipinagpapasalamat ko pa nga dahil ang skwelahan ay pribado- sino bang dukha ang mag-a-aral sa isang prestihiyosong unibersidad kapagkua'y maghahanap ng trabaho sa kalagitnaan ng kanyang pag-a-aral?
Ang tanging alituntunin lang naman ng administrasyon na kailangang tandaan sa paghahanap man ng trabaho o minsanang pagliliwaliw ng mga estudyante sa loob at labas ng bansa ay ang hindi ito makasagabal sa pagaaral. Na mas mai-prayoridad ang edukasyon kesa sa anu pa man.
Walang probelema tama?
Mali. Dahil hindi man sa unibersidad ay sa pinagtatrabahuhan ko naman ako nagiingat na mayari.
Hindi kasi pumapayag sa part-timers ang branch ng kainang pinagtatrabahuhan ko. Ginamitan ko na nga lang ng hokus-pokus ang resume ko para matanggap ruon. Bakit?
Dahil malaki ang sweldo duon.
At kailangan ko ng pera.
"Marami na saamin. Pero itinitikom nila ang kanilang mga bibig para sa kapakanan ko. Alam kong alam nila ang hirap na binubuno ko para lang makapasok parin ako dito." Pagtukoy ko sa nakapanglalaking matang tuition ng unibersidad.
"Nako Jah, magsabi ka kung may kailangan ka, okay? Handa naman ako tumulong eh--"
"Alam ko. Pero alam mo rin naman tong hiya ko. Alergic ata ako sa bigay na grasya at trinatrangkaso ako kapag may gumagawa ng milagro para sakin." Pag-amin ko.
Napailing nalang itong tumatawa bago ipinagpatuloy ang pagkain, ganun rin naman ang ginawa ko.
Natapos na ang break at bumalik na kami sa kanya kanyang mga klase at naghiwalay na nang daan; hindi lang sa magkaiba kami ng kurso bagkus ay hindi rin nagsasabay ang schedules namin kaya madalas ay tuwing break at sa galaan lang talaga kami nagkakasama.
...
Mabagal na lumipas ang oras munit ipinagpapasalamat kong natapos na ang asignatura sa Ingles at ngayon ay sawakas ang huling klase ko sa araw na ito.
Sa oras na ito nama'y ako ang lumipat sa gusali ng kursong business management na syang huli kong subject. Nang makapasok sa silid ay naupo na ako sa napiling pwesto; ni hindi binalingan ng tingin ang mga matapobre kong kaklase sa nasabing asignatura.
Naiisip palang na makakasama ko ulit ang mga ito sa iisang silid ay nahihintatakutan na ako.
Lumalabas kasi ang pagka-warfreak ko.
Tama. Iilan lang saamin rito ang mga kagaya kong nasa mababa o gitnang rango ng lipunan kaya ang lakas mang-alipusta ng mga may tatak Vicky Bello ang mga mukha.
Ang mayorya kasi dito ay mga anak na ng mga negosyanteng ang pakay ay sundan ang yakap ang kanikanilang mga magulang at palaguin pa ang kanikanilang negosyo gamit ang pagkakaroon ng kaalaman rito.
Sa madaling salita. Wala akong lugar rito kaya hindi na katakataka ang iilang mga hindi makapaniwalang tinging ibinabato ng ibang kong mga ka-bloc.
Tingin ata nila'y sakanila lang umiikot ang mundo't ang palagay ay hindi makakayanan ng bulsa kong makapag-aral rito o wala namang negosyong kasing laki ng sakanila na maaring ipagmalaki.
Ang Tierra Santa kasi ay isang pribadong unibersidad. Kundi man bulsa ay utak ang kailangang laging nakahanda para maipagpatuloy ang pangarap na makapag-tapos sa isang prestihiyosong paaralang gaya nito.
Tanyag rin ang eskwelahan sa pagkakaroon nito ng koneksyon sa libo libong mga negosyo't korporasyong galing na mismo sa pamilya ng mga mag-a-aral na kung tutuusin ay maliit lang na bagay na malaking bagay naman para saaming mga scholar.
Ang mga koneksyon nito ay nagbibigay oportunidad sa mga estudyanteng katulad kong maka-ahon sa kinasasadlakan sa oras na makakatapos rito.
Isa rin ito sa mga may pinakamagandang kurikulum sa bansa na nakikipagsabayan maging sa ilang tanyag na mga unibersidad sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kaya napapaisip nalang ako kung gaano ako kaswerte na dito ako nakapag-aral. Nagpapasalamat rin sa Panginoon dahil alam kongkung hindi dahil sa mga plano nya'y hindi magkakaroon ng isang taong tutulong saaking makapasok rito.
Wala naman kasi talagang pag-asang ikokonsidera ng unibersidad ang aplikasyon ko kung hindi ako ini-refered ng isang kakilala.
Napangiti nalang ako at nang pumasok na ang propesor ay klinaro ko na ang isip at nakinig.
Sanay na ako kaya hindi ko na pinansin pa ang kung tutuusin ay nakakawala sa konsentrasyong ingay ng mga babaeng naguusap tungol sa kanilang mga paboritong tatak ng mga sapatos, damit at bag sa likod, harap at gilid ng kinauupuan ko.
At kahit pa may mga matang panay sulyap sa gawi ko'y hindi ko nalang rin ito pinagbalingan ng pansin. Kung hindi insulto ay mabibigat na namang kamay ang malamang sasalubong saakin bago umuwi.
...