Mabigat and buntong hiningang pinakawalan ni Justine pagkalabas pa lang sa isang sikat na kainan.
Napatingala sya sa liwanag ng tanghaling araw na nagpainit ng pakiramdam nya. Nagpakawala pa sya ng isang mahabang hikab bago inunat ang mga buto.
Napapagod na sya isipin palang na hindi pa ito ang huling establishimentong na kanyang pag-a-apply-an. Na hindi sya pwedeng magpa-prente-prente lang dahil wala na syang trabahong pangungunan ng kanyang mga pangangailangan.
Isa pa't hindi lang sya ang nagiisang working student sa lugar. Maaari syang maunahan ng mga ito kung mag-ba-bagal-bagal sya.
Nag-isip nalang sya ng positibo tutal ang pakiramdam nya ay matatanggap sya. Mukha naman kasing natuwa ang interviewer sa mga sagot nya matapos ng mga tanong nito.
Idagdag pa ang hindi nawalang laki ng ngiti sa kanyang mukha, mabilis at bihasang pagsagot sa Ingles at ang mabulaklak nyang mga sagot.
"Inaantok na to. Tsaka nagugutom. Tsaka nahihilo. Kaya ko pa ba?" Bulong nya sa sarili bago muling bumuntong hininga– napatingin kasi sya sa wallet nyang may lamang sinkwenta.
'Konting tiis lang, Jah. Nakabayad ka na ng tuition fee mo't buwanang upa kaya wala ka ng iba pang bayarin. Gutom lang yan. Matitiis mo yan hanggang sa makauwi ka.' Pagkumbinsi ko sa sarili.
Hindi nya na inintindi pa ang hilo at pinilit ang sariling maglakad.
Lupaypay syang dumating sa may pedestrian lane at gaya ng iba'y naglakad na sya patungon sa kabilang dulo nito.
Munit di gaya ng iba ay mas mabagal ang lakad nya. Pilit man kasi nitong pigilin ang hito, antok naman ang nagpapapikit sa mga mata nya. Mabuti nalang at wala syang nakakabangga sa mga tumatawid dahil baka mapaaway pa sya ng wala sa oras.
SFX: *Honk!*
"Nababaliw na ba sya?"
"Kuya, magpapakamatay ka ba?"
*Honk!*
*Honk!*
"Naku iho bilisan mo riyan!"
Napadilat na lamang si Justine ng marinig ang punong takot at pagaalalang boses ng mga tao sa kabilang dulo ng daan.
Lumingon sya sa kanan nya munit huli na sya para makakilos pa.
SFX: *Screech*
Nanlaki ang mga mata nya't gimbal na napaupo sa lupa ng huminto ang sasakyan sa harap nya na nagiwan na lamang ng ilang pulgadang pagitan mula sa kanya at sa sasakyan.
Mabilis na nagtaas baba ang kanyang dibdib sa takot na hindi nya na naramdaman ang sariling mga paa. Lumabas ang may-ari ng sasakyan at mabilis syang pinuntahan. Ang akala nya'y hihingi ito ng paumanhin pero nagkamali sya.
"Are you deaf, blind, plain stupid or what?!" Asik ng lalaking nahihigpit sa braso nya. Napaigik sya dahil sa higpit nito.
Galit sya nitong pinatayo at dahil sa panginginig ng mga hita sa takot ay hindi na nya napigilang kumapit sa braso nito para kumuha ng lakas.
Mukha namang hindi ito napansin ng binatang naghihimutok sa galit sa harap nya.
"Those cars that passed honked and you're still standing here!? Look!" Tumingala naman sya sa tinuro nito. "You're crossing a red light. Are you suicidal?!" Galit pa nitong dagdag.
"Goddammit. You dumb shrimp! Did you know that I lose a f*****g race because of– why are you shaking?" Nahinto ito sa pagbulyaw dahil sa panginginig nya.
"I-I'm, I-I'm scared..." Bulong nya sa sarili.
"What?!" Inis nitong tanong. Inangat ng lalaki ang mukha nya at duon na sya nahimasmasan.
Sawakas ay nagkaepekto narin ang bulyaw nito sakanya. Balisa syang napatingin sa paligid, sa lalaking hawak hawak sya bago ito pwersahang inalis at walang lingon-lingon na tumakbo paalis sa lugar.
Mabilis syang nagtungo sa unang eskinitang nakita ng mga mata. Nanginginig sa takot nyang ikinulong ang kanyang mukha sa pagitan ng kanyang mga binti at duon umiyak.