THIRD PERSON
Ang putok ng baril ang nakapagpahinto sa kanilang dalawa. Pareho silang natigilan at napalingon sa pinanggalingan ng tunog ng putok ng baril. Doon lang napansin ni Luciana na may liwanag sa bandang unahan nila, hinuha niya na 'yon na ang bukana ng daanang binabagtas nila.
Sa paglabas nila sa lugar na 'yon ay hindi alam ni Luciana kung ano bang mangyayari. At dahil sa ayaw niyang makita nito na namula ang mga pisngi niya ay una siyang naglakad kay Ciel.
Nang malapit na sila sa bukana ay tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin si Ciel. Nagtatakang tiningnan siya nito. "May problema ba?”
Sa isang gabi lang ay kay daming nagbago. Sa simpleng pagtatagpo ng mga mata nilang dalawa, isang bahagi ng puso ni Luciana ang nabuksan muli. Isang bahagi na akala niya ay matagal nang naglaho, ang makaramdam ng emosyon. Umiling siya at tipid na ngumiti rito. At magkahawak kamay silang lumabas sa sekretong pasilyo na iyon.
Ciel
Hindi maburabura ang ngiting nakapaskil sa mukha ko habang hawak ko ang kamay ng babaeng minahal ko no'ng una ko palang nakita ang mukha niya. Alam kong parang napakadali ng lahat. Nagback fire ang plano ko na patayin siya. I fell in love with her in a split second like it is the most natural thing to do. I will never regret this.
Sa paglabas namin sa madilim na pasilyo, wala na akong makitang rason para bitawan pa ang kamay niya.
Medyo nasilaw pa ako nang makalabas kami kaya hindi ko napansin ang mga taong nakaitim at may mga hawak na baril at sandata.
Naramdaman kong nanigas ang katawan ni Luciana kaya may sumalakay na kaba sa aking buong sistema. Dahan-dahan niya akong isinandal sa pader.
"I'll be right back," saad niya sa akin. Nakapag adjust na ang mga mata ko sa liwanag pero sumasakit pa rin ang aking ulo.
May lumapit sa aking mga lalake. Pero nakatutok pa rin ang mata ko kay Luciana. Pinalilibutan na siya ng mga lalake at hinugot niya na rin ang sandata niya.
"Young master, sinaktan niya po ba kayo?" natatarantang tanong ng lumapit sa akin. Do'n ko nabaling ang atensyon ko sa pamilyar na lalake.
Si Mithon? Ang butler ko. Kung gano'n, ang mga lalake sa harap ko ay ang mga alagad ng pamilya namin at si Luciana ay nasa panganib!
"Mith, patigilin mo sila! " determinadong utos ko sa kanila. Pero 'di sila natinag. Pinilit kong tumayo pero bumabagsak lang ako dahil na rin siguro sa dami ng dugong nawala sa'kin. Screw myself!
"Luciana! Umalis ka na!" sigaw ko sa kaniya kaya napalingon siya sa akin.
Shit! Wrong move!
Biglang may nagtapon sa kaniya ng dart na hula kong may lamang lason dahil bigla na lang siyang napaluhod. Sinamantala ng mga kalaban niya ang pagkakaluhod ni Angel dahil tinali nila ito sa kadena. Nakaharap siya sa akin at nakaluhod habang pinagtutulungan siya ng mga reapers mula sa pamilya ko. At wala man lang akong magawa.
Pakiusap tama na.
‘Wag niyong saktan si Luciana.
Triple ang sakit nito sa'kin.
Kwinelyuhan ko si Mith. Nanlilisik ang mata na tiningnan ko siya. Ako pa rin si Zero. Ako pa rin ang tagapagmana ng Drak Family. Ako pa rin ang class S warrior ng pamilya namin.
"Patigilin mo na sila," maawtoridad kong utos sa kaniya at may diin sa bawat salita. Kita ko ang takot sa mata niya nang maaninag niya ang mga mata na hindi ko masayadong ginagamit, ang mga mata ng anghel.
Hindi ko alam kung bakit nakatayo ako ng tuwid at dirediretsong pinagsasapak ang mga taong tinatadyakan ang naka kadenang si Fallen Angel.
Sumigaw si butler Mith kaya tumigil ang mga tao kanina.
Ang baklang tingnan pero wala akong pakialam. Tumutulo ang mga luha ko nang lumapit ako sa duguang katawan niya. Duguan man ay hindi nito nabago ang kagandahan niya. Ang mga pasa niya ay naging kulay asul na at base sa pagtaas baba ng kanyang dibdib ay hirap siya sa paghinga. Iniakay ko siya at tinanggal ko ang mga kadena sa katawan niya. Ginawa niya ito para protektahan ako.
"Hey my angel," bulong ko sa kaniya at hinalikan ko ang noo niya. Wala akong pakialam sa mga nanunuod.
Bahagya niyang idinilat ang kanang mata niya habang hirap naman ang kaliwang mata dahil sa pasa nito.
"Hey don't cry ," she said almost a whisper as she cupped my face. Pero mas lalo akong napaiyak, halatang naghihirap siya. At wala man lang akong nagawa. Sa katunayan ay ako ang dahilan ng lahat ng ito.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
"Hang in there, dadalhin kita sa ospital." Kinarga ko siya in a bridal way. Sinamaan ko lang ng tingin ang mga kasamahan ni Mith. Lagot kayo sa'kin pagbalik ko.
Pinuntahan ko si butler Mith at hiningi ko ang susi ng sasakyan niya. Walang imik na binigay niya’ to sa akin.
"Wag mo kong dalhin sa ospital Ciel, dilikado ka ro’n." pagpupumilit niya sa akin pero ‘di ako natinag. Oo delikado dahil nagkalat ang mga reapers ng White family doon.
"Alam mo bang gusto kita? Mali, hindi pala kita gusto dahil mahal na pala kita nang ‘di ko namamalayan kahit sa napakadaling oras na nagkasama tayo. Baliw na yata ako pero ako ang pinakamasayang baliw."
Pagtatapat ko sa kaniya. Ngumiti siya sa sa'kin at isiniksik niya ang sarili sa katawan ko.
We had the right love at a wrong time.
"The world we knew may be full of lies around it, but the only thing that was true that I ever saw in my entire life was your smile, Ciel. So keep smiling for me," mahina niyang saad sa akin. But then she afterwards smile. I nodded helplessly.
"I promise that after this war I will never let go of you again my angel," bulong ko sa hangin.
‘Wag kang mag-alala Angel, pagkatapos nito ay magsasama na tayo.’ Tiningnan ko ang walang malay niyang mukha, she really looks like an angel and I can't help but kissed her linghtly in the head.
Nakita ko na ang sasakyan kaya nagmadali na ako para madala ko na siya sa ospital. Pero biglang nagdilim ang paningin ko at nanghina ang tuhod ko dahilan upang bumagsak kami ni Fallen Angel sa aspaltadong daan. Kasabay nang pagbagsak ko ay ang pagturok nila sa'kin ng kung ano at ang pagkuha nila kay Fallen Angel sa marahas na paraan.Napamura ako sa aking isipan.
Kahit nanglalabo ang aking mga paningin, kitang-kita ko pa rin ang malademonyong ngiti ng isang pamelyar na lalake, ang aking ama.
Gusto kong magmakaawa na ‘wag nilang sasaktan si Angel pero mga ungol at daing lang ang nagagawa kong ingay. At tila gumuho ang aking mundo nang makita ko ang lalake sa likod ni Angel na bumunot ng baril.
"Huwag pakiusap," pilit akong gumapang sa direksyon nila pero may mga kamay na pumigil sa akin. Nag uunahang pumatak ang mga luha ko. Pareho kaming nakasubsob sa lupa. Inabot ko ang aking kanang kamay kahit malayo siya.
Nagtama ang aming mga paningin nang pinilit nilang ipaharap sa'kin si Angel .
Pakiramdam ko huminto ang mundo ko nang ngumiti siya sa'kin at binigkas ang " I love you" sa akin. Kung sa ibang pagkakataon baka nagtatalon na'ko sa tuwa pero kaba ang nadama ko.
"Angeeeeel!" sigaw ko nang tutukan niya ng baril si Angel.
Parang bumagal ang lahat no'ng iputok na ang baril.
And that time, everything became vague. I rushed to her side and hugged her. The searing pain in my chest is nothing compared to the happiness upon seeing her alive. Before the darkness pulled me I whispered words that will motivate her to go on with her life.
I served my purpose.
Hindi na ako nagtaka kung bakit hindi masakit ang kamatayan para sa'kin.
Because for the very first time, I chose this for her welfare. Not because I have to but because I want to.