Luciana
Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa'min ang nasusunog na mga parte ng mansyon at mga patay na katawan ng mga reapers mula sa dalawang pamilya. Halo-halo na ang mga katawan o parte ng katawan na nagkalat kung saan-saan. Ang dating kulay kremang dingding ay inadornohan ng kulay pula. Dali-dali kaming pumanhik sa grand staircase, tama nga ang hinala ko. It will be a river of blood scenery. How ironic that I've been dreaming of this scenery to happen for our revenge but now all of a sudden I don't want it anymore because I'm afraid that Ciel might hate me. Nasapo ko ang noo sa iniisip.
Get a hold of yourself Luciana! Kalaban mo siya. Dadalhin ko lang siya sa labas at do'n ko siya tatangayin sa headquarters ng Phoenix. Kumbinsi ko sa aking sarili.
May tinurong pasilyo si Ciel kaya dali-dali akong lumiko. Kita rito ang mga nangyayari sa baba. Ang p*****n na mas binibigyang detalye sa tulong ng liwanag ng buwan.
Habang naglalakad kami ay bumibigat siya kaya isinandal ko muna siya sa pader at pinaupo. He's losing his consciousness.
"Hey! A-anong ginagawa mo?" natatarantang tanong niya sa'kin nang pinunit ko ang laylayan ng damit niya. "Shut the f**k up." naaasar kong sagot sa kaniya, lumalayo sa'kin ang loko kaya hinila ko siya palapit sa'kin eh malay ko bang lalampa-lampa 'to!
Tila huminto ang oras at kami na lamang dalawa sa pasilyong ito. Nawala ang ingay at pumalit ang nakakabinging pagtibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nito ay natatakot akong baka marinig niya 'to. Ang pagdaiti ng labi niya sa labi ko ay nagbigay ng kung anong banyagang pakiramdam sa'kin. Pagkahatak ko sa kaniya ay parang papel siya at nagpatangay lang sa'kin. Linakasan ko pa naman sa paghatak dahil sa laking bulas niya 'yon pala! Napadapa siya sa harap ko kaso nga lang, ako ang nasa ilalim niya at saktong-sakto ang mga labi namin.
May init na gumapang sa aking galugod at tila pumalya ang t***k ng aking puso. Mamamatay na ba ako? Sa lahat ng pwedeng ikamatay, sakit sa puso pa?
Pumula bigla ang aking mga mata nang hindi niya nakikita. Hindi ko makontrol ang aking sarili at ayaw ko sa ganitong pakiramdam. Ayaw kong nangangapa ako sa dilim dahil wala akong sagot sa lahat ng aking katanungan ngayon.
Kulang ang salitang namula ang mata ko, parang ang buong mukha ko pati leeg ay namula dahil sa init na aking nararamdaman. Ayan na naman ang pagririgodon ng puso ko.
Literal na nanlaki ang mga mata ko at agad siyang naitulak sa kabilang bahagi ng pasilyo na medyo napalakas dahil napadaing ito nang tumama ang likod niya sa dingding. Agad kong ipinikit ang aking mga mata sa loob ng sampung segundo para maipabalik sa normal ang kulay nito. I'm seeing red.
"Damn!" pinahiran ko ang aking labi. Nakayuko lang siya kaya 'di ko kita ang reaksyon niya. I mean wala talaga akong planong makita ang mukha niya kaya sa ibang direksyon ako nakatingin.
"Plano mo kong pagsamantalahan sana sinabi mo na lang sa'kin, willing victim naman ako." nakangisi niyang saad habang ang boses niya ay may bahid ng pagkapilyo.
Mabilis ko siyang nilingon at nanlaki ang singkit kong mga mata sabay binatukan siya para hindi niya makita ang pagbabalik ng kulay ng mukha ko, kulay kamatis.
"Aray! Ba't ka namamatok?" reklamo niya pero nakangiti. "Damn! Will you just shut up? Lalagyan ko ng benda 'yang sugat mo o pati bibig mo ay lalagyan ko?" naiirita kong tanong sa kaniya at tinulungan ko na siyang makatayo.
"Malay ko bang 'yan ang gagawin mo, pasimple ka pa." pagpapatuloy ng pangbubuska niya at narinig kong tumawa siya ng nakakaloko. Tahimik lang ako pero sa kalooblooban, nakikipag debate ako sa aking sarili.
Why am I acting like this in front of him, of all people. Sa kalaban pa! The irony of fate. Isa akong mamamatay tao. Wala dapat akong puso. Pero bakit ganito? Bakit may sumasakit pag iniisip kong dapat ko siyang patayin? Ang bigla ng lahat at hindi ko ‘to inaasahan! This is plain stupid. I am not into vague feelings. I just met him for crying out loud!
Wala 'to sa plano ko.
Another part of my consciousness laughed sardonically. Bakit pinagpaplanuhan ba ang pagmamahal?
Pagmamahal? Maging ang salita ay banyaga para sa'kin. Lumaki akong salat niyan, pa'no ako nagkaroon ng karapatan na makaramdam n'yan?
"Patayin kita gusto mo?" banta ko sa kaniya at binigyan siya ng matalim na tingin pero tumawa lang ang loko. Sumakit bigla ang ulo ko sa kakulitan ng lalakeng 'to pero aminin ko man o hindi, nakakagaan sa pakiramdam ang kaniyang tawa. I couldn't stop but be bubbly too. Which I was, before my world got f****d up. f****d up by their family.
Naikuyom ko ang aking kamao nang maalala ko ang aking kapatid. Parang bulang naglaho ang aking iniisip kanina. Siya ay isang Loong, 'yon lang dapat ang isaalang-alang ko.
Ihahatid ko lang siya sa labas. And after that we'll be back into our own lives. Just enemies, nothing more nothing less.
Naglakad kami hanggang sa huminto sa paglalakad si Ciel. Nang lingunin ko siya, tinuro niya ang malaking painting ng isang batang lalake. Nagtatakang tiningnan ko ito pero naglakad lang siya palapit dito kaya ako bilang tagasuporta ay sumabay na rin.
"Ciel? Sino ang batang 'yan?" patungkol ko sa bata sa painting. Hindi siya sumagot kaya tumahimik na rin ako. May kakaiba sa painting, may sa pagkamisteryoso ang dating. Nakatayo ang batang lalaki na may korona sa ulo pero ang kanyang anino ay may mata.
Bored na tiningnan ko lang siya nang parang kinakapa niya ang ilalim ng painting.
"Matagal pa ba 'yang pagsesenti mo? Kasi alam mo kailangan na," naputol ang gusto kong sabihin nang biglang nahawi ang painting at tumambad ang isang hagdan. Isa pala itong lihim na pasilyo.
"Tayo na at baka may makakakita sa atin," hinila niya ang kamay ko pero nanatiling nakaalalay pa rin ako sa kaniya.
Bakit kung ‘yon pa ang bawal, ‘yon pa ang hinahanaphanap? Bakit ako masaya sa simpleng paghawak niya sa aking kamay? Wala pang isang araw simula nang magkakilala kami pero bakit pakiramdam ko may nagbago?
Napabuntong hininga na lang ako. Traydor ako sa buong pamilya ko. Traydor ako sa aking kapatid.
"Anong iniisip mo? Panay ang buntong hininga mo ah," puna niya sa akin, napansin niya pala. Hindi ako sumagot.
"Kung hindi ka tao, ano ka sa mundong ito sa tingin mo?” sa halip na sagot ko. Pero isa 'yan sa mga tanong ko sa sarili ko na hindi ko masagot-sagot hanggang ngayon.
Natawa siya bahagya kaya napatingin ako sa kaniya. Ang carefree ng tawa niya, ‘di ko akalain na magtitiwala siya sa'kin. Pero sa tawa niyang 'yon I feel relaxed, shame on me.
"Hmm ano nga ba. Ikaw muna Fallen Angel."
Ako? Kung magiging bagay ako para sa ibang tao siguro isa akong espada. Isang kagamitang ginagamit upang pumutol ng mga pangarap.
Pero kung tinanong mo ako nito dati noong buhay pa ang buong pamilya ko, iisa lang ang isasagot ko, “Kahoy."
"Bakit naman?" tanong niya ng nakangiti, ano ba 'yan, napakamasayahin niya naman. Nagrigodon na naman ang aking pusong suwail.
Umiwas ako ng tingin. Bakit nga ba? At inalala ko ang isang napakapait na pangyayari sa buong buhay ko. At ang buhay ko bago iyon nangyari.
"Kasi gusto kong manatili sa isang lugar na hindi nang-iiwan. Tulad ng puno. Ang mga mahal ko sa buhay ang lupa na kinatitirakan ng puno." naisip ko si Yue at ang mga magulang namin. Iniwan nila ako. Ilang sandali akong natahimik pati rin siya.
"Kung gano'n ay ako ang hangin ng mga sanga mo, hanging palaging susunod sayo at palagi mong makakasama at mararamdaman," he paused and looked at me straight in the eyes that sent my heart into frenzy.
"Don't spit words where you can't justify," madilim ang anyong hinarap ko siya, mata sa mata. Don't act like you care. Isa kang Loong, ang mga pumatay sa pamilya ko.
Nang magtagpo ang kulay pulang mata at ang matang sinasalamin ang sensiridad ay bumigay ang depensa ko. Those eyes that turned my life within a second upside down. Why did he say that?
Yumuko siya kaya napalunok ako. He's looking into my lips kaya parang tinatambol ang puso ko. Namanhid din ang katawan ko. Ramdam ko ang pagtulo ng aking pawis sa noo. My mind was shouting ‘no’ but my deeper part was shouting for ‘yes’.
'Are you going to be my downfall?' Piping tanong ko sa kaniya sa aking isipan.
Pero napatigil kami nang may umalingawngaw na putok ng baril.