bc

MR. RIGHT, MS. WRONG

book_age16+
17.2K
FOLLOW
86.0K
READ
billionaire
age gap
playboy
kickass heroine
drama
sweet
bxg
humorous
sassy
virgin
like
intro-logo
Blurb

Laking squatter si Nikka, takbuhan ng mga manggagantso at mga magnanakaw. She lives in a place where she so called, hell; at dahil sa sobrang baba ng napag-aralan at walang makuhang trabaho ay tinanggap niya ang alok na maging isang snatser at huli na para umatras sa trabaho bilang kidnapper.

Jamie Rix trusted her and he’s the very first person who never doubted her. Nilamon ng konsensya ang kanyang buong sistema lalo na nang matagpuan niya ang sarili na nagmamahal sa kauna-unahang pagkakataon sa ama ng batang kanyang inaalagaan, na dapat ay ilalagay niya sa bingit ng kapahamakan.

Paano niya maaatim na saktan ang damdamin ng lalaking gusto niya pero hindi siya nababagay? Paano niya ipapahamak ang isang bata na parang ina ang turing sa kanya?

Sapat ba na buhay niya ang maging kapalit para makahingi siya ng kapatawaran sa kanyang pagiging dakilang sinungaling at impostor?

chap-preview
Free preview
1 NIKKA
1 NIKKA     “May pulis! Takboooo!” sigaw ng isang batang lalaki na kasama ko sa panggagantso.   Napatalon ako sa pinagtataguan ko nang bigla na lang  siyang sumulpot at initsa sa akin ang lintik na wallet. Jusmiyo! Lolo kong kalbo! “Bakit ako?!” tanong ko pero ako nga pala talaga dahil ito ang pagsubok sa akin sa balak kong pasukin na trabaho. Kaagad akong kumaripas ng takbo nang matanaw ko ang isang litson na tumatakbo, lawit ang dila niya at nakakulay blue! Pulis! Pulis na mukhang litson. Malaki ang hita, malaki ang braso, malaki ang tyan at maliit ang ulo ng lalaki. Humihingal siya habang hinahabol si Kiko. Si Kiko ang batang kaibigan ko na ang totoong pangalan ay Francisco Balagtas dito sa amin. Balagtas talaga ang apelyido na dinadala ng bata, pero hindi siya makata. Isa siyang banatilyo na labing pitong taong gulang pero sa halip na mag-aral, lanseta ang bitbit niya at hindi bolpen, saka papel. Runner siya, hindi ng marathon kundi ng habulan, na ang taya kung hindi tanod ay pulis. Ganito kami sa squatters area. We were born as the poorest of the poors and we’d die just like that. Masaya na kaming kumakain ng dalawang beses sa isang araw. We’re having brunch, iyon ang tawag sa pinagsamang tanghalian at agahan na isang kainanan na lang para tipid. May mas titipid pa ba sa ulam na tuyo at asin na maswerte na nga kung may pambili ng sardinas na bente pesos ang halaga? Nang  makarating ako sa hugpungan ng daan ay kaagad akong lumiko. I can’t fail, I must not. Ito ang training ko bilang isang baguhang kasapi ng Akbayan. It’s a group founded by I don’t know but a certain name of Lucas. Kapag pumasa ako rito, kasama na ako sa grupo. I don’t have a choice. Sawa na ako sa isang trabaho na matino pero laging nakabingit sa alanganin ang puri ko. I’d tried being a dishwasher, a cook, a housekeeper at a very young age, but I failed. Palagi akong muntik-muntikan na magahasa at ayoko na ibigay ang sarili ko sa lalaking hindi ko gusto at masama ay pinilit pa ako at sa huli ay sasakalin ako matapos na parausan. I may be trying to become snatcher but I have my dignity as a woman. Ito ang tinatawang na kapit sa patalim dahil ganito ang buhay namin. I am Angela Gabrielle Dominique Huelgas, 19 years old, maganda at sexy, syempre, bata—mukhang bata. Kinakabahan ako pero kailangan kong bilisan ang pagtakbo hanggang sa nakarating ako sa isang bodega kung saan doon ang tagpuan namin ni Kiko. I immediately hide at the back of the wall. Mabilis na isinara ng apat pang kabataan ang pinto habang bitin na bitin sa hangin ang baga ko. I put my palm on my chest and breathe heavily. My heart is drumming inside my ches, at parang maha-heart attack ako. Tuyo ang lalamunan ko at parang gusto kong uminom ng isang timbang tubig. I have to be strong. I need this. I need to in this group to live. “Magaling!” sabi ng isang lalaki na hindi ko alam kung nasaan kaya lalo kong nahigit ang paghinga ko. Madilim ang paligid hanggang sa bumukas ang isang kulay dilaw na ilaw. I immediately twist my head and squint my eyes. Nakakasilaw ang ilaw na iyon. Ang sumunod na umilaw ay ang mga bombilya sa napakataas na kisame ng warehouse. Isang private property ang warehouse na ito na pag-aari ng isang na-laid-off na military personnel. Ang mga bata na nagsara ng pinto, kasama sila sa miyembro ng mga lalaking nangongolekta ng bata sa squatters area at ginagawa nilang palimos. Ako? Bakit kailangan kong gawin ito? May choice ba ako? Wala. Sino naman ang tatanggap sa isang tao na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at high-school lang ang inabot. Kahit na senior high ay hindi ako nakatuntong. I have to do this for my brother who has a Down syndrome. Well, he’s not really my brother. Napulot ko lang si Bryan sa basurahan noong ten years old ako. Ulila na akong lubos. Isang dancer sa club ang Mama ko na sumama sa isang Hollander pero hindi na nakabalik nang buhay. She was murdered. Ang masakit ay hindi ko siya naihanap ng hustisya dahil aksidente raw ang pagkabagok ng ulo niya. I have a strong instinct that she was murdered because of the insurance, which that crap Hollander could get. Sabi ni Mama, kukunin niya ako pagkatapos nilang makasal ng lalaki na iyon, pero nang makarating siya sa Holland ay nawalan halos kami ng komunikasyon. My biological father was a Latino bomber. He was a pilot of a fighting jet who could wreck an entire country with just a single press. Sabi ni Mama nagkakilala sila ni Papa sa club noong maligaw iyon sa Manila para sa isang bakasyon, pero pagkatapos noon ay namatay din yata ang Papa ko sa isang gyera. Iyon ang kwento ni Mama. Bitter life but those things made me stronger. I learned how to stand on my own and not to rely on anybody or anyone to feed my gnawing and famished stomach. Hindi ko rin masisi ang sarili ko kung bakit papasok ako sa ganitong mundo pero kailangan ko ito para sa kapatid ko. This is for his medication, for his therapy. May God forgive me but I need this. “Lapit na, Gabrielle.” Sabi ng lalaki. He has that deep voice and he speaks like thunder. Parang gong ang boses niya sa laki at totoong malaki siyang tao nang tumayo siya sa ilalim ng madilaw na ilaw. Malayo ako pero nakikita kong gwapo siya at mestiso. He’s wearing a brown straw hat anf a brown leather jacket, matching his sombrero. “Bakit niya ako kilala?” bulong ko kay Kiko na kung tutuusin ay hindi naman talaga siya Kiko kung hindi Caine—Caine Nicholas Walker. Katulad ko ay isa rin siyang half kaya lang parehas kaming sawing palad sa mga magulang. Kasumpa-sumpa raw ang kanyang pangalan kaya ayaw niya ng Caine Nicholas Walker. “Sinabi ko na sa kanya ang pangalan mo, ate Nikka. Pero ayaw niya na Nikka ang itawag sa iyo, Gabrielle ang gusto niya kasi dapat daw ay lalaki ang nasa grupo pero kailangan daw nila ng babae para sa susunod na misyon ng boss nila.” Sagot niya sa akin. “Boss? Hindi pa ba siya ang boss sa angas at pogi niyang iyan?” tanong ko ulit kaya tumawa nang mahina ang binatilyo. “Hindi ate, kapatid siya ni Sergeant Connor. May boss pa bukod sa kanya at hindi pa namin nakikilala. “Lapit na, bata.” Ulit pa ng lalaking nakatayo sa may ilaw. Tumingin ulit ako roon at marahan na naglakad. Bata raw ako, matanda na siya malamang. Tumayo ako sa harap niya at saglit siyang tinitigan. Ang pogi! Nakatitig din siya sa mukha ko, tapos ay ngumisi siya. He has that perfect set of teeth. He’s gorgeous. How could he a member of this illegal business? Kung sabagay, may illegal ba kung kusa naman na sumasama ang mga batang lansangan at hindi naman kinikidnap? Choice na nila ito at ganoon din ako. Pero bibitaw din ako kapag may sapat na akong kinita para sa kapatid ko at sa pag-aaral. Gusto kong makapagtapos kahit Senior High, kasi alam kong makakapagtrabaho na ako kahit na paano.  This is the place where I grew up and I’ve had adapted the life this little hell had always possessed to all the people who were trapped in it. “Bagay ka kaya rito? Ang ganda mong bata.” Sabi niya pero hindi ako nagbaba ng tingin. Naglakad siya palapit sa akin, sa kabila ng mesa. Nakatago ang mahaba kong buhok sa cap na suot ko. It’s a cap without a brim. Few strands of my hair dangle on my face and my nape. He stares at me for a while with an unobtrusive smile. Napansin ko na light brown ang mga mata niyang matiim kung tumitig. I look at him through my lashes because he’s so tall and I barely just reach his chin. I’m 5’7 in height while possibly he’s 6 foot plus. Napanganga ako nang bigla niyang tanggalin ang cap na suot ko kaya lumaylay ang mahaba at natural dark brown kong buhok na halos umabot sa baywang ko. I smell the fragrance of my own shampoo, Sunsilk green iyon. Hindi ako mayaman pero pagdating sa mga bagay na panlinis ng katawan ko ay sunod iyon sa luho. Like toothpaste. Iyon na lahat, pati feminine wash. Somebody told me that toothpaste alone could be used as a feminine wash. At first I thought it was impossible, but when I’ve tried it, I proved myself right. Inipit ng lalaki ang manipis na parte ng buhok ko sa daliri niya at para siyang isang manggugupit sa salon na pinadausdos iyon hanggang sa makarating sa laylayan. “The job will suit you best.” Ngumisi siyang lalo. Akala niya siguro ay hindi ako nakakaintindi ng english. Naturalesa na sa akin ang magsalita ng ganoong lenggawahe dahil sa nationality ng Papa ko. Ano bang trabaho ang sinabi ng lalaking ito? Alam kong may misyon kapag nakapasa ako pero hindi ko alam kung ano. “You’re beautiful. For sure, hindi tatanggi ang lalaking iyon sa iyo. Use your charm, sweetheart. Akitin mo ang target para makuha mo ang tiwala at malaking pera ang kapalit ng misyon mo. Ibibigay ko ang bente mil, paunang bayad. Two hundred thousand ang bayad sa iyo ni boss para sa misyon na ito. Oo o hindi?” agarang tanong niya na ikinakurap ko. Wala nga akong alam, paano ako u-oo? Pero may karapatan ba akong tumanggi? He walks back, going behind the table and he sits on the wooden chair. Para siyang Diyos na isinampa ang mga paa niya sa ibabaw ng mesa habang hindi ihinihiwalay sa akin ang mga mata. I was gazing at him, too. Two hundred thousand pesos? Malaking halaga na iyon para sa amin ng kapatid ko. Pero anong trabaho iyon? Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. I am waiting for him to utter another word that will enlighten me more but above all the things that he’s going to say, there’s only one thing in my mind—I need it. Kung ano man ang trabahong iyon, pikit mata kong tatanggapin. “Anong klaseng trabaho? Paano ako makakasiguro na makukuha ko ang bayad?” paniniyak ko. Tuso ang kaharap ko kaya dapat na tuso rin ako. “Hindi ka namin lolokohin pero huwag mo rin kaming ilalaglag. Maraming pwedeng magawa ang kuya ko sa taong traydor. Nariyan ang kapatid mo na pwedeng—” aniya na pinutol ko kaagad. “Wag mong gagalawin ang kapatid ko. Hindi siya kasama rito. Tutupad ako sa usapan. Anong trabaho? Ako na ba ang gagawa talaga?” usisa ko pa. Tumaas ang sulok ng labi niya habang nakatitig sa akin. “Yes.” tumingin siya sa mga bata na nasa may likuran ko. “Umuwi na kayo sa inyo. Walang nagsasalita, putol ang dila at hindi na sisikatakan ng araw. Alam na?” mabagsik na tanong niya sa mga paslit na sabay-sabay tumango at yumuko. Nakaramdam ako ng awa para sa mga paslit. Sa halip na nasa eskwelahan sila ay nasa kalye at namamalimos. Nanlilimos na, nanggagantso pa. Stop having a conscience, Nikka. It won’t help. I tell myself. I’m fully consumed with all my needs, our needs. I’m fairly the same with those little boys behind me, coerced to let ourselves dangle at the edge of a cliff, waiting for it to finally collapse and meet our dead ends. Kapit sa patalim, iyon sa maikling salita. Dahil sa hirap ng buhay at lupit ng mga tao na biniyayaan ng kapangyarihan sa lipunan na dahil lang sa mahirap kami at hindi nabiyayaan ng magagandang klase ng mga magulang ay wala na kaming pag-asa. Wala sa amin halos magtiwala dahil sa klase ng lugar na tinitirhan namin na talamak ang pinagmulan ng mga magnanakaw at mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Ilan ba ang natokhang sa lugar namin? Hindi lang isandaan. Ganoon kagulo ang lugar ko, pero anong magagawa ko? Wala akong pera para makaalis dito pero kapag nakuha ko ang two hundred thousand, aalis na kami  ni Bryan at isasama ko si Kiko. At kung papalarin ako at yumaman, ang mga batang namamalimos ay dadalahin ko sa isang orphanage at ako ang unang magtitiwala sa kanila. I’ll give them the chance to live normally, trusted and not being judged by the way how they dress, wearing dirty and ripped clothes. Sabay-sabay na nagsi-alisan ang mga bata at naiwan akong mag-isa. The man stands up. “Come.” Anyaya niya sa akin pero nakanganga lang ako sa kanya. s**t! Pansit! Naisip ko na dapat yata ay hindi ako nagpaiwan na mag-isa. Baka gahasain ako ng lalaking ito. He stops from taking another step and looks back at me. “You’re afraid. Hindi kita aanuhin, kahit maganda ka. Hindi masarap mang-r**e ng babae dahil nanlalaban. I should take a woman with her consent. That’s sweet.” Sabi niya. Akala niya yata ay hindi ko alam na kabastusan ang ibig sabihin noon. Inosente ako pero hindi ako tanga. Kapitbahay ko ay p****k kaya alam ko kung paano magtalik ang babae at lalaki, iyon lang ay hindi ko alam sa aktwal kung ako na ang ginagawan. Matutulad ba ako sa kanila na abot kalawakan ang halinghing na parang pag-aari nila ang buong squatters area? Isang uwian ng mga lalaki ang malaking lumang bahay na gawa sa kahoy ang katabi ng tagpi-tagpi naming bahay na magkapatid. Ang dingding niyon ay plywood na ang kalahati ay trapal kaya sa ulunan ko ay may itak at batuta dahil kapag ako sinubukang kantiin, tatagpasin ko kaagad ang ulo ng mga lintik. Pero hindi nila ako sinasaling. Bossing ako kahit ako babae. Laban ako sa boxing at iyon ang pinagkakakitaan ko kapag may palaro si Kapitan. Pinapatulog ko ang mga kapwa ko babae at pinaluluhod ang mga pandak na lalaki kaya kahit paano, may respeto sila sa akin. Bumuntong hininga ako. “Where to?” I ask. Halata sa mukha ng lalaki ang pagkagulat. “English?” “My father’s an American-Latino.” Sabi ko na lang sa kanya at tumango siya. “Kaya pala maganda ka. Come on, Miss Latina. Ipapakita ko sa iyo ang target mo.” Inakbayan niya ako kaya siniko ko siya. Dumaing siya pero sa huli ay tumawa. “Fighter, huh? You’ll gonna use that in time—not to me, but to your victim. Babaero ang magiging amo mo kaya mag-ingat ka. Virgin ka pa naman yata.” Umakbay siya ulit pero hindi na niya iniyakap sa isa kong balikat. Ipinatong lang niya ang kamay sa balikat kong malapit sa kanya. “I’m not.” I lie. Saglit siyang naparalisa. Huwag niya lang akong hahamunin at baka ngumawa ako na parang kalabaw sa pag-iyak at panlalaban. Hindi na siya sumagot at tuluyan akong isinama sa likod ng abandoned warehouse. Doon ay may hinatak siyang isang dingding at tumambad sa akin ang isang magarang salas, isang hideout. Maang akong napatingala sa kanya at nahuli ko siyang nakatitig sa akin habang nakangiti. “I’m Jesmond. I’ll have you after your mission.” Aniya na ikinatulala ko. Iniisip ko kung papasok ako sa magarang hideout o aalis ako? Pero kailangan ko ito. Saka, kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko kahit malaki siya at malaki ang katawan niya. “Hindi kasama sa trabaho ang pagbenta ng katawan ko Mr. Jesmond. You’re my boss and you would remain my boss even until the very day this mission had finally ended.” mataray na sagot ko. Kahit kailan ay hindi ako mag-aasawa ng isang katulad niya. Minsan ko lang na gagawin ang sumali sa iligal na trabahong ito pero pagkatapos ay aalis na ako at iyon ang dapat na mapagkasunduan namin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
183.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.2K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
91.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook