KABANATA 3

2032 Words
Tahimik akong nakaupo sa sofa sa mga ilang minuto pagkaalis ni Regan. Nakahawak ako sa sentido habang nanlulumong nakatulala lang sa hangin. Hindi ko alam na mamomroblema ako ng ganito rito. Si Shiela naman ay tahimik lang rin na nakaupo sa isang sofa habang nakayuko at hindi nagsasalita. halata naman ang pagsisisi rito at hindi kaya ng konsensya ko ang isuko siya kay Regan at sa awtoridad kung ganito itong nagmamakaawa. Babalik bukas si Regan rito at nasisiguro ko iyon. Judging from the way he looks, he seems like a man of his words, at mukhang desperado rin itong makuha itong mansyon sa hindi malamang rason. I heaved a sigh. Tumingin ako kay Shiela na nakayuko lang. Wala naman kaming magagawa kung uupo lang kami rito. I will do everything I can to help but if I can’t stop Regan from taking her, then it can’t be helped. This isn’t my problem to begin with, it was Shiela who created this, but who am I to judge? “Malayo ba ang bahay niyo mula rito?” Nakatingin ako kay Shiela at hinihintay itong sumagot, hanggang sa mag-angat ito ng tingin saka dahan-dahang umiling. Ngumiti ako ng tipid sakaniya bago tumayo. “Huwag ka nang umiyak. Ang sabi mo ay malayo mo akong pinsan? Gusto kong makilala ang mga magulang mo.” I insisted. It is also my way to prove if she’s worth my time or not. I want to see the life she had that led her to taking risks into scheming a fraud, and I also want to see the people she wants to protect. Mugto ang mata ni Shiela na nakatingin saakin. If she refuses, it means, she’s just playing an act to get my sympathy, but when she nodded and got up so weakly, I smiled. “P-Please, huwag niyo pong sasabihin kay Tatay ang nangyari, wala po siyang kaalam-alam, at kung sakaling hindi na maiiwasan talaga ang sitwasyon na dinulot ko, huwag niyo na po silang idamay.” Madamdaming litanya niya. Nakatingin ako ng mataman sa mga mat ani Shiela na mugtong-mugto hanggang sa dahan-dahan akong tumango. “Gusto ko lang rin pasalamatan ang pamilya mo,” I paused and let out a breath before wandering my eyes around the spacious mansion. “Para sa pangangalaga nitong mansyon.” Muli kong ibinalik ang tingin kay Shiela. Maybe that’s one of the unspoken reasons why I just can’t let her be. Ang katotohanang nandito pa ang mansyon pagkalipas ng mahabang panahon, at inalagaan talaga nila ito ng maayos at pinrotektahan mula sa mga taong maaaring mang-angkin rito ay sobrang laking tulong na, and that’s why I also think that maybe they’re good people. Sometimes, we just really meet people that alter and influence our mind to do bad things that are fueled by our own hardships and desires, but that doesn’t make one a loathsome person. Sheila was also a victim of that lawyer. Shiela told me that their house isn’t that far. Ginamit nalang naming ang kotseng dala ko dahil mainit na at matindi na ang sikat ng araw. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa mga naganap. Hindi ko rin alintana ang gutom dahil hindi ko naman ito naramdaman kung hindi lang kami nakaalis ng mansyon. About the shoes that I’m missing a pair, damn that Regan, he didn’t have to take my shoe away with him! Shiela had to lend me her slippers which I didn’t refuse, she almost begged just to make me accept them. Kaya tinanggap ko nalang at siya itong isa lang ang suot ngayon. Shiela’s sitting in the passenger while pointing out the direction of their house. Habang nagmamaneho ako ng may kabagalan, nakikita kong hindi naman ganoon karami ang mga bahay. Mukhang ito ang parte ng probinsya na maraming mga taniman, and I also saw lands that are not occupied, even bigger lands than the one I own, or my family owns. I am assuming that this is my mother’s homeland, or my family. It’s a bit of a narrow road. Nakadalawang liko kami ni Shiela nang ituro niya ang isang bahay na gawa sa konkreto at may mga iilang bahay ring katabi ito na halos magkakadikit na. There are also busy children playing in front of their houses. The life before my eyes right now seems peaceful compared to the one that I used to have in Bulacan or it’s just a part of the province where there are a lot of empty and unoccupied hectares of land, and that’s why this part is undeveloped. Nang makarating kami sa harapan ng bahay nila ay itinigil ko na. “Saan ko pwedeng iparada itong sasakyan? Nakaharang kasi sa daraanan.” Tanong ko kay Shiela. Shiela points out the side of their house, there was a space on it. Ngayon na nakalapit ako ay nakita kong hindi naman pala nito kadikit ang isang bahay na kasunod nito. There is a space enough for a vehicle. Doon ko nalang ipinark ang sasakyan at hinintay naman ako ni Shiela. Pagbaba ko ng sasakyan ay nailibot ko ng tingin ang paligid. Dito ko naramdaman ang pagod at gutom pero hindi ko ipinahalata. Hindi naman barong-barong ang bahay nila Shiela. In fact, it’s a bungalow, pero hindi ganoon kaayos ang pagkakagawa. Hindi rin ito nakapintura at mukhang luma na rin ang bahay. But it’s still a decent house. May maliit pa itong gate sa harapan dahil nakabakod ito ng semento, pero hindi ito nakapintura. “Pagpasensyahan niyo na ang bahay namin. Tuloy po kayo.” Mahinang ani Shiela saka na ito nauna sa gate nila kaya sumunod na ako. There was a small plant beds beyond the concrete fences. Infront of the house is a small terrace, just enough for an entrance before the door. Dumiretso si Shiela sa pintuan nilang nakabukas, tumigil ako sa harapan ng pintuan at napansin naman iyon ni Shiela na napatigil. Tiningnan ko ang looban ng bahay nila, and it’s not bad. Hindi lang talaga nakapintura at walang masyadong gamit. Luma na rin ang mga bintana na gawa sa Jalousie. Hindi rin ito tiled floor, may sala set naman din sila na gawa sa kahoy. “Tuloy po kayo.” Pag-aya ni Shiela, and that’s when I entered that house and Shiela made me sat on the wooden sala. Dumiretso si Shiela sa isang pintuan. Hinintay ko nalang ito at nanatili ang tingin ko sa bahay. As an architect, I know how costly it is to build a decent and comfortable house. Lalo na sa panahon ngayon ang mahal na ng mga bilihin, ang mahal nang mabuhay. “T-Tay, may bisita po tayo.” Napatingin ako nang may humarap saaking isang may edad na lalaki at sa likod nito ay si Shiela. Mabilis akong napatayo upang batiin ang sa tingin ko ay tatay ni Shiela na ngayon ay nakatingin lang saakin. He looks a bit intimidating, wala pa naman ekspresyon ang mukha nitong nakatingin saakin. “Goodafternoon Sir, I’m Icely Bennet.” Inilahad ko ang kamay ko na tinanggap naman nito pero nakatingin lang ito ng diretso saakin hanggang sa bumitaw na ang kamay naming. “Bennet?” Sambit nito at umupo rin sa kahoy na upuan kaharap ng inuupuan ko kanina. Ngumiti ako at tumango saka na rin umupo pabalik. I saw Shiela’s face filled with so much worry while looking at me. She looks frightened and scared, must be because she thinks that I’ll tell her father about what she did, but that’s not the kind of person I am. Ngumiti ako rito at tumango na pinapakita ritong wala akong sasabihing masama. I just really want to meet the family whose kind enough to take care of the mansion for a long time. “Ihanda mo ng makakain ang bisita natin Shiela.” Utos ng tatay ni Shiela. Tumango naman ng dahan-dahan si Shiela saka na tumalikod kahit nag-aalangan pa. Hindi na ako nagpakita ng pagkahiya o pagpapakipot kasi totoong nagugutom ako at halos magdiwang ang puso ko nang marinig ko ang salitang pagkain. “Sinabi ni Shiela saakin na dinalaw niya iyong mansyon ay nagkataon na dumating ka. Totoo bang isa kang Bennet? Ano ang pangalan ng Mama mo?” I swallowed. I’m about to uncover a lot of mysteries here that this man in front of me holds the answers I might looking for. “My mother’s name is Winter Lauren-Bennet. Ang sabi naman po ni Shiela saakin ay malayo namin kayong kamag-anak. Pasensiya na po kasi wala naman pong nasabi o nabanggit si Mama saakin tungkol sa kung saan siya nanggaling o tungkol sa mga kamag-anak namin. Nagulat nalang din po ako nang malaman kong may pagmamay-ari akong bahay at lupa na ipinamana raw po saakin ng Lola ko.” Mahabang litanya ko. Why is he just staring at me? Hindi ba siya magtataka? O magdududa na baka ay inaangkin ko lang ang mansyon? Bigla itong huminga ng malalim at tumango. “Ilang taon ka na Hija?” Instead of asking about my mother or my family, he instead asked about my age. “27 po.” Diretsong sagot ko. “Dala mo raw ang mga papeles na nagpapatunay na sa’yo iyong bahay at lupa? Kanino mo galing ang mga iyon?” I nodded. With the papers in my lap, I was about to hand them to him when he gestured his palm as if stopping me. “Kung hindi mo alam ang lugar na ito, ibig sabihin, wala ka rin alam sa mga papeles na iyan, kanino mo galing ang mga iyan? Alam kong hindi galing iyan sa Mama mo.” I was stunned. Hearing his confident voice didn’t make me nervous, but I was relieved. He seems to know what he’s talking about, and I think I can rely on him. “Few days ago, may tumawag po saakin, his name was Attorney Ramon Rosales. Ang kaso po ay hindi na niya akong kinontak ulit pagkatapos niyang ibigay saakin ang mga papeles.” After saying that, he nodded again. “Mukhang nagsasabi ka naman ng totoo. Kumusta ang Nanay mo? Anong sabi niya?” I was silent. Nakatingin lang ako sakaniya ng ilang segundo at hindi alam ang sasabihin. Bumigat ang dibdib ko at bumaba ang tingin ko sa mga papeles na hawak ko. How I wish my mother is here. I wouldn’t be in this distress situation if she’s here. “Namatay na po si Nanay. Dalawang araw na po ang nakalipas noong inilibing siya.” Mahinang tugon ko. “Wala na si Madam Winter?!” Nahimigan ko ang gulat sa boses nito. Muli ko siyang tiningnan at malungkot na tumango. Nangunot naman ang noo niya na tila may gustong sabihin pero bumaba nalang ang tingin niya at tumango din. “Hindi man lang ako nakadalaw sa burol niya.” Mahinang sabi nito. “Nagkasakit po siya at mas mabuti na rin po siguro nagpahinga na siya kaysa sa mahirapan pa siya.” Tumango ito saka muling tumingin saakin. “Kayapala kinontak ka ni Attorney Rosales. Hija, walang duda na ikaw ang may-ari ng bahay at lupa. Hindi ko na ibabalik pa ang nakaraan saiyo dahil tuluyan naman itong nalimot. Matanda na rin iyong mansyon, napaglipasan na ng panahon at tanging proteksyon lang ang nagawa ko para panatilihin itong maayos at kaunting paglilinis sa mga nakalipas na panahon, pero suhestiyon ko saiyo, ibenta mo nalamang iyon.” Hindi ako nakaimik. Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniyang mga mata at mukhang seryoso sa sinabi. Ipagbili? Ayaw ko iyong ipagbili dahil iyon nalamang ang natitira kong kaugnayan sa nakaraan ni Mama at sa mga kamag-anak ko. Alam ko rin na mahal ni Mama ang mansyon dahil kahit sa huling hininga niya, iyon ang bukambibig niya. “Hindi ko po ipagbibili ang bahay at lupa.” Diretsong tugon ko. “Bakit Hija? May asawa ka na ba at pamilya? Balak mo bang tumira rito? Sa mansyon?” Para itong umiling. Hindi naman ako nakasagot. Nakatingin lang ako ng mataman sa mukha niya at sa mga mata niya. May kung ano itong gustong sabihin na tila ay hindi masabi. Parang tutol ito kung sakali man na manirahan ako sa lugar na ito. Pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD