KABANATA 1

2000 Words
Ilang oras ang lumipas mabuti nalang at hindi na ulit nagloko 'yung kotse. Tumigil rin ako kanina at nagtanghalian. It's past 2 in the afternoon, nakatingin lang ako sa waze na sinusundan ko but I think that I'm already here. Walanang masyadong bahay-bahay dahil malawak lang na lupain ang nakikita ko. Is this the land I own? Ang haba kasi, at hindi ko pa nakikita iyong mansyon. But I think this is it. Mahina nalang ang andar ng kotse ko nang mapatigil ako sa malaking gate na may kalumaan na, it is a black gate with thick metal but it seems a bit rusty, hindi na rin napinturahan. Pinagtatakha ko lang ay nakabukas ito ng todo. There are tire prints as if a car just got inside. Kunot ang noo kong nagpatuloy, sinusubukan ko ring tawagan si Attorney Rosales pero hindi na ito nasagot ulit. Wala na akong contact sakaniya dahil mukhang nasa abroad talaga siya. Pambihira naman, I get it that he was concern and kind enough to hand over the inheritance to me, but at least he should've stay in touch with me until everything's been cleared. What if may nakatira para rito ngayon? Mga kamag-anak ko? Mukhang may tao pa naman. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho nang masilayan ko ang malaking mansyon. I can tell that there was a superb landscape in the whole area of the mansion, but the green is gone, there's still a bit, but it seems deserted and wasn't taken care of. Mukhang walang nakatira rito dahil ang mga puno ay sanga-sangahan na, ang iba naman ay nangalanta o nangalagas. Even the grass, it's so mature and some part of it are dried. Naitigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng mansyon. Behind the mansion, I can tell that there's the hectares of land along with it. This mansion is with a touch of Spanish style, but the white painted walls have algae's and dirt in it. The lamp posts seems broken. Pero hindi naman ito mukhang haunted house, it seems that it was no longer maintained a long time ago. The driveway is covered with dirt as well. Ang laki, it really is a mansion. Lumabas na ako ng sasakyan at napatingala. Iginala ko ang tingin sa buong paligid. There was few stairs in the mansion's porch. Habang naglalakad ako papunta sa double door na siyang pintuan ng mansyon ay sinubukan kong muling tawagin si Attorney Rosales, but it seems that the number he used isn't his. Sana man lang ay tumawag ito ulit. Bumuntong-hininga nalang ako. Ngayon ko naalala iyong mga sinabi ni Nanay. She used to live here, she wasn't really dreaming, mukhang ito iyong mansyong sinasabi niya sa mga huling sandali ng buhay niya. Pero bakit ni minsan ay hindi niya ito nabanggit saakin? Laguna is also too far away from our home, hindi ko maiisip na galing rito si Nanay, not to mention that she came or we came from a wealthy family. Natigil ako at naitago ko ang cellphone nang pagkaapak ko sa unang hagdan ng porch ay nakita kong nakabukas ang double door ng mansion. What? Mukhang may tao nga. Dahan-dahan ang lakad ko nang tumuloy na ako sa pintuan. It's day time, kahit hindi pa ako nakapasok ay nasilayan ko na ang loob. Kahit na may kalumaan, it's surprisingly clean, hindi ito ang inexpect ko. "Tao po?" Tawag ko habang nakatayo sa mismong pintuan. "Kaya ko 'tong gawan ng paraan, pero sigurado kang wala nang ibang may-ari rito?" "Wala na, 20 years na itong inaalagan ng pamilya namin pero wala namang ibang pumunta ni minsan, o hindi kaya ay kamag-anak namin na bumisita. Kami ang nangangalaga rito at natatakot kaming ibenta kahit na gusto namin dahil sobrang hirap na kami sa buhay." Nangunot ang noo ko nang makarinig ako ng dalawang taong nag-uusap. They don't seem to notice me, kaya naman ay dahan-dahan na akong naglakad papasok. "Sige, kaya kong gawan ito ng kontrata, pagkatapos nito ay umalis na kayo at magpakalayo-layo, nakuha na rin naman natin ang downpayment." "Hello?" Bati ko nang makarating ako sa living room ng mansyon at nakita ko ang dalawang taong nakaupo sa mga maruruming sofa. Para silang nagulat nang makita ako. Ngumiti ako, isang lalaki at isang babae ang nadatnan ko. Mukhang kaedaran ko ang babae o mas matanda ako sakaniya, habang ang isang lalaki naman ay may katandaan na at pormal ang ayos, naka-suit pa ito. Napatayo ang babae. Hindi ko inaasahan na may dadatnan talaga akong tao rito, lalo na nang makita ko ang ayos ng mansyon na mukhang walang nakatira. "S-Sino sila?" Tanong ng babae. I want to ask that question too, so I just smiled, pero bakit parang gulat ito na hindi makangiti? "Ako si Icely, Icely Bennet. Ito ang mansyon ng mga Bennet, hindi ba?" Tanong ko at nakangiti iginala ang mata sa paligid. Narinig ko ang pagsinghap ng babae kaya napatuon ang atensyon ko sakaniya, nang biglang mapatayo ang kausap nitong lalaki at nagkatinginan sila. "B-Bennet?" Ulit ng babae. Tumango ako. "Yes. Kayo? Sino kayo? Nakatira ba kayo sa bahay na 'to?" Tanong ko. If they are, then I don't have any plans of making them leave. Mas maganda ngang may nakatira rito dahil hindi naman rin ako maninirahan rito. Hindi sumagot ang babae nang biglang tumikhim ang kasama nitong matandang lalaki. "Isa akong abogado at siya ay kliyente ko na siyang may-ari ng bahay na ito. Ano ang sadya nila rito?" Seryosong sabi ng matanda. Nawala na ang ngiti sa labi ko. Nakita ko ang tila pag-igik ng babae. May-ari ng bahay? Someone already owns this house? What if jinoke-time lang ako ni Attorney Rosales? Ito na nga ba ang sinasabi ko 'e. "Hindi niyo pa sinasagot ang katanungan ko. Ano pong mga pangalan niyo? At ito ba ang mansyon ng mga Bennet?" Pangungumpirma ko. Baka naligaw lang kasi ako. Muling nagkatinginan ang dalawa nang biglang dahan-dahang tumango ang babae na parang kabado. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa ilang segundo nang mapangiti ako. "So I was right. Mukhang may kailangan po tayong klaruhin sa iilang bagay. Ang mansyon na ito ay iniwan saakin ng lolo at lola ko. Napag-alaman ko lang kahapon kaya kaagad akong nagpunta rito." Mahinahong sabi ko. Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Mukhang may kamag-anak ako. Nakatingin ako sa babaeng tila namumutla habang nakatingin saakin. Was she intimidated by me? Bakit mukha siyang kabado? Sabi nitong abogado niya ay sakaniya ang bahay na ito, mukhang siya ang nakatira at nangalaga rito. "Anong pangalan mo? Kamag-anak ba kita?" Diretsong tanong ko. Sasagot na sana ang babae nang humarang ang matandang lalaki. "Ano ang patunay mo na saiyo iniwan ang bahay at lupaing ito?" I didn't like the tone of this person. At hindi ako ignorante para hindi makatunog sa nangyayari. He must be thinking that I'm claiming this house for my gain. Hindi rin naman biro ang halaga ng property na ito. "I got all the documents in my name. Nasakin ang titulo at lahat ng dokumentong katunayan na saakin ang lupaing ito, maging ang mansyon. Pero wala naman akong balak na paalisin ang kung sino mang nakatira rito-- "I still have appointment to do. I'm going." Nangunot ang noo ko nang bigla itong tila nagmadali sa kalagitnaan ng usapan namin. Mabilis nitong kinuha ang brief case at lalagpasan na sana ako nang bigla itong hinigit ng babae. "S-Saan ka pupunta attorney? Hindi pa naman kumpleto ang pagbebenta, hindi ba? Ito na ang problema natin na wala ang titulo ng bahay, pwede pa nating ibalik iyong pera. Hindi ko man inaasahan ang pagsulpot ng totoong may-ari pero ibalik nalang natin." Mabilis na sabi ng babae nang bigla itong itinulak ng lalaki na ikinagulat ko. Maging ako ay natakot sa sama ng tingin ng matanda. "Aalis na ako." Sabi ng matanda at mabilis na umalis. Sinubukan pa itong habulin ng babae pero muli lang itong itinulak na ikinahandusay nito sa sahig saka na tila patakbong umalis ang huli. "HOY!" Sigaw ko at sinubukang habulin ito pero mabilis lang itong nakatakbo hanggang sa labas. But I was too determined to catch him. I just witness a violence before my eyes. Kailangan nitong panagutan ang ginawa. "Hoy! Bumalik ka rito! Ipapademanda kita!" Sigaw ko nang bigla itong sumakay sa isang pulang may kalumaang kotse. Nadatnan ko pa ito at kinatok sa loob. "Hoy!" Kumatok akong muli nang bigla nitong ipasibad ang sasakyan paalis kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapaatras bago pa ako nitong maisipang sagasaan. Hinihingal akong nakasunod ng tingin sa kotse nito. Napayuko pa ako habang hinihingal. WHat was that? I don't understand anything, hindi ba't abogado siya? Why did he harm his client? Natigilan ako nang maalala ko ang huling pag-uusap nila. It involves something such as selling the house. Hindi kaya? Lumingon akong muli sa gawing pintuan ng mansyon pero ang bumungad saakin ang babae kanina. Para itong maiiyak nang bigla itong lumuhod sa harapan ko na ikinagulat ko. "A-Anong ginagawa mo? Tumayo ka." Kaagad kong hinawakan ang balikat nito upang patayuin pero umiiling lang ito. "P-Pasensya na po! Hindi ko sinasadya! Huwag niyo akong ipakulong! Nagmamakaawa ako!" Umiling-iling ako, "A-anong sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ko. Umiiyak na tumingala ito saakin. Pawisin na ako dahil sa pagtakbo ko kanina, tapos biglang ito pa. "Matagal na panahon nang pinangangalagaan ng pamilya namin ang lupaing ito, maging ang mansyon, wala naman kasing nagpunta sa mahabang panahon, ang tatay ko ang nangangalaga rito hanggang sa nagkasakit siya at nangailangan ng pera. Naisipan kong ibenta ito nang lapitan ako ng abogado kanina na tutulungan niya akong ibenta. Akala ko ay wala na ang may-ari kaya sumang-ayon ako." Suminghot ito. Natigilan ako at ako na ang yumukod rito para magpantay ang mukha namin. "A-Anong ibig mong sabihin?" This house can't be sold without the title which is in my possession. Patuloy lang ito sa pag-iyak. "Naibenta na ito ng abogado kanina pero paunang bayad palang ang nakuha ni Attorney. Ngayon dapat babyaran ng buo pero aminado akong hindi tama ang ginagawa namin, ang balak ni attorney ay bibigyan niya ng pekeng kontrata iyong bumibili para makuha ang bayad tapos ay tatakbuhan namin iyong bumibili, sumang-ayon ako kasi kung wala namang magpapakitang may-ari ng mansyon, mapupunta naman talaga ang lupain at mansyon doon sa gustong bumili nito." Muli itong yumuko na tila nawalan ng pag-asa. "Hindi ko inaaasahan ang pagsulpot niyo. Malayong kamag-anak namin ang mga Bennet, nagmamakaawa akong huwag niyo akong ipakulong, ako nalang ang inaaaasahan ng pamilya ko." Muling pag-iyak nito. "Nagbayad na ba iyong bumibili nitong mansyon?" Kabadong tanong ko. Nang tumango ito ay kinabahan ako. "Downpayment na 20%, 120 milyon ang halaga. Doon sa abogado kanina, nasakaniya ang pera. Pero hindi pa naman nabayaran ng buo. 600 milyon ang presyo nito kasama na ang sampung ektaryang lupain." Napabuga ako ng hangin. Oh god. Ang laking halga no'n! Kaya pala kuntodo takbo iyong abogado kanina! They were scheming a fraud! I swallowed. Problema ito. Pero kinalma ko ang sarili ko. Ayon sa sinabi nito, malayong kamag-anak ko sila. I just can't be too harsh on her. Kumapit siya sa patalim, but what she did was wrong. Tumayo ako at inalalayan itong tumayo. "Kumalma ka muna. Gagawan natin ito ng paraan, basta kailangan ko ng buong kooperasyon mo-- "H-Hindi pwede. Iimbestigahan ako... baka ikamatay ni tatay kapag nalaman niyang nadawit ako sa ganitong bagay." She seems hysterical. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa puntong ito nang biglang may sasakyang tumigil sa hindi kalayuan. Maging itong babae ay napatigil at napalingon. She suddenly hid behind my back with her hands trembling. "I-Isa pa, iyong bumibili ay nandito. Naglibot lang sila ng abogado niya sa malawak na lupain. Ngayon kasi talaga dapat ibibigay ng buo ang bayad." Para akong nanlumo sa sinabi nito mula sa likuran ko lalo na nang dumako ang tingin ko sa itim na sedan. Mas napatigil ako nang makita ko si Regan, ang lalaking nakilala ko kani-kanina lang na bumaba ng kaniyang itim na sedan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD