"N-Next," alanganing sambit ng photographer habang pilit na nakangiti sa amin ni Chaos.
Sino'ng hindi kung nakatayo sa gilid niya ang asawa ko na may matatalim na tingin sa katabi kong lalaki? Hindi ko nga alam kung photoshoot pa ba ito o pagninilay dahil sa sobrang tahimik. Halos mga galaw lang namin at tunog ng shutter ng camera ang maririnig mo sa paligid. Tila lahat sila ay nakikiramdam sa maitim na awrang nakapalibot kay Valjerome. Maski ako ay hindi makaporma nang maayos dahil sa kaba tuwing mapupunta sa akin ang paningin niya.
What? Siya naman ang nagdesisyon na ituloy ang shoot kaysa pag-date-in kaming dalawa tapos kung tumingin siya ay parang kasalanan ko.
"You're too stiffed," the guy beside me spoke as he encircled one of his hand around my waist for our next pose.
I gritted my teeth and glared at him. "Are you enjoying this?" I hissed lowly.
He chuckled and get closer to me. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang mariin na pag-igting ng panga ni Valjerome.
"Tingin mo?" he asked back with a playful tone.
"What do you want?" sambit ko at pilit na umakto para sa sunod na picture.
I leaned my head against his chest as I fiercely looked at the camera. I stiffened when I felt his thumb circling on my waist.
"I want you. Isn't it obvious?" he whispered. "Bakit ako babayad ng modelo para sa produkto ng kumpanya ko kung pwede na ako na mismo ang gumawa 'di ba?" dagdag niya.
"Stop touching me," matigas kong wika sa pinahinang boses at sinubukang dumistansya sa kanya.
Hindi pa man ako nakakalayo ay nagulat ako nang bigla niya akong kabigin at iikot dahilan para bahagya akong mapaliyad kasabay nang paghawak ko sa leeg niya. Mukha tuloy kaming nasa isang sayaw kung saan inililiyad ng lalaki ang partner niyang babae. Rinig ko ang singhap ng mga tao sa paligid dahil doon.
"Too bad. I need to hold you for this shoot," he said and smirked.
Dalawang shot ng camera ang narinig ko bago pa man ako nahila nang matigas na braso.
"Tapos na ang trabahong ito," matigas na wika ni Valjerome at tuluyang ipinulupot ang kamay sa bewang ko.
The guy, Chaos, chuckled and then licked his lower lip. "You're so possessive. Ano ba'ng relasyon mo sa kanya?" naroon ang nanunuya na tono sa kanyang tanong.
Natigilan naman ako at nakagat ang ibaba kong labi. Wala pa man ay nakararamdam na ako nang pagkabigo.
I've been his secret wife since then, ofcourse he won't tell it.
"I am her bestfriend," Valjerome answered.
Literal na napaawang ang bibig ko at ilang beses na napakurap bago ko siya tiningnan.
Ano ulit?
Chaos laughed after digesting what he said. Kahit ako ang nasa katayuan niya ay tatawa ako nang husto.
"So... pwede na palang makialam ang bestfriend ngayon?" he mocked.
I felt Valjerome's hand tightened on my waist. Senyales na unti-unti nang nauubos ang pasensya niya sa kaharap na lalaki kaya bago pa man magkainitan ay inagaw ko na ang atensyon nilang dalawa.
"I am not feeling well all of a sudden. Okay na naman siguro 'yong mga na-shoot nating pictures," walang emosyong saad ko kay Chaos.
He looked at me and then his side lips rose. "I am still not contented with it. I demand for a second photoshoot if you insist of going home," he stated.
"You fvcking as*hole!" Gigil na kumilos si Valjerome para sana puntahan siya na mabilis kong pinigilan.
"Please... let's go home," I murmured weakly as I clung into his arm.
Nakita ko ang mariin niyang pagpikit at pagpapakawala nang malalim na hininga bago mabagal na nagmulat. His cold stare became soft as he looked at me.
"Please... I'm tired," I whispered, enough for him to hear.
He silently cursed and frustratedly combed his hair using his fingers.
"Jaime, prepare the car," Valjerome ordered to his men and started walking.
Wala akong nagawa kun'di ang tanawin siya habang naglalakad paalis. I let out a deep sigh and glanced back at the guy named, Chaos.
"Stop pestering me. I am not interested being in a relationship or anything else," paglilinaw ko.
He smirked. "Why? Because you're in love with him?"
Hindi naman ako agad nakaimik at nakipagsukatan nalang ng tingin sa kanya.
"You don't deserve him," he added that made me blink two times.
Isang ala-ala ang pumasok sa isip ko. "Y-you?" I uttered.
That explains why his eyes look familiar. Siya 'yong lalaki sa party ng parents' ni Valjerome.
He just smiled and put his hand on his pocket. "Nice to meet you again," he said playfully.
I gritted my teeth. "Are you stalking me?" I accused.
He let out a chuckle and walked closer to me. "What if I am?" he challenged.
"Paano mo ako nakilala?" malamig kong tanong habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.
Ngumisi siya at umastang nag-iisip saka muling tumingin sa akin. "You know what, Jazzie. Matagal na kitang gusto, isa kang sikat na modelo kaya hindi na siguro nakapagtataka na nagustuhan kita. Alam ko ang mga galaw pati na rin hubog ng katawan mo. Don't get me wrong, I am not a perv. It's just, masyado ko nang kabisado ang pisikal mong anyo kaya naman hindi ka maitatago ng suot mong maskara no'ng gabing iyon," mahabang saad niya.
"Then you should know who's I am with," I said.
Kung tama ang pagkakaalala ko ay sinabi ni Valjerome noon na asawa niya ako. At halos lahat din ng bisita sa anniversary ng mga magulang ni Valjerome ay alam na isa siyang Mafia boss.
"Hmm. Yeah?" he answered.
"Then stay away from me. Hindi ko na kargo ang buhay mo kapag naisipan ka niyang patayin dahil sa ginagawa mo," banta ko sa kanya.
He chuckled and leaned to my ear. "But I can't stop myself liking you, what should I do?" he murmured.
Asta akong sasagot nang magsigawan ang lahat dahil sa mabilis na pagtumba niya sa sahig.
"STAY.AWAY.FROM.MY.WIFE."
Napakurap ako ng ilang beses habang nakatitig sa tumataas at bumababang balikat ni Valjerome.
"Isang lapit mo pa, papatayin kita," dagdag niya at saka bumaling ng tingin sa akin.
I remained speechless. Napatingin ako sa paligid at halos lumuwa ang mata nila sa nangyaring eksena. Maski ang manager kong si Azy ay tila hindi makapaniwala sa narinig.
"Let's go," malamig na wika ni Valjerome saka ako hinawakan sa aking kamay at kinalikad palabas ng silid.
Para akong hangin na nagpadala sa kilos niya. Kahit ano'ng gawain ko ay hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kanina.
Inamin niya. Inamin niya na asawa niya ako.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Kahit ang mga ikinikilos niya ay hindi ko na rin alam kung paano pagtatagpi-tagpiin.
Tulad nang inaasahan ko, maraming camera ang nakapalibot sa lobby sandaling nakababa kami. Mas dumoble iyon ngayon kumpara sa normal na nag-aabang sa akin sa araw-araw. Agad na pumalibot ang mga tauhan ni Valjerome para protektahan kami sa gulo.
"Miss Zamora, ano ang relasyon niyo ng CEO ng ABCD Corp?"
"Miss Zamora, maaari po ba naming malaman kung bakit kayo magkasama?"
"Miss Zamora, are you dating Mr. Montevardo?"
Sunud-sunod na tanong ng mga reporters hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. Naroon pa ang munting pagtataka sa akin dahil may isang tanong pa silang hindi nababanggit.
Hindi ba nakaabot sa kanila?
"Fvck!" Valjerome hissed as he loosened his tie.
Pikit mata siyang sumandal sa upuan at sinenyasan ang driver na magsimula nang magmaneho. Hindi naman ako nagsalita at nanatili lamang na nakatitig sa kanya.
"Umalis kana sa pagmomodelo," nagngingitngit niyang sambit habang nakapikit.
My jaw dropped instantly.
"What?!" hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking tono dahil doon.
Unti-unti siyang nagmulat at tumingin sa akin. "I said, leave your fvcking work, Jazzie," he repeated.
Sarkastiko akong tumawa at napailing. "No. I will not let you decide this time," mariin kong usal na ikinalisik ng mata niya.
"Why? Do you really like to be with that as*hole?" matigas niyang wika.
Sinuklian ko naman ang matatalim na tingin niya. Pilit kong kinakalma ang sarili ko pero mukhang hindi ko iyon magagawa ngayon.
"You know what, why are you acting like this?" pag-iiba ko ng usapin. "Palagi kang ganito sa tuwing may makakasama ako sa photoshoot. You're acting as if I am yours—"
"YOU.ARE.MINE."
Natigilan ako sa biglang pagsingit niya. Ilang segundo kong prinoseso ang sinabi niya bago ako pagak na tumawa.
"I am yours? Because I am your wife that's it?" sarkastiko kong sambit. "Then why are you not exclusively mine? Why am I sharing with other girls? Don't bullsh*t me, Valjerome. You're acting like a jealous husband!"
Nagulat ako nang hawakan niya ako sa pupulsuhan at mabilis na hilahin patungo sa kanya. He grabbed my hips and parted my legs as he sat me against his lap. Nagawa niya iyon sa isang iglap. Ilang beses akong napalunok habang nakatitig sa malamig niyang mga mata.
"You are mine," he declared and pulled my nape for a kiss.