Feleona's POV
.
"Okay, I'm okay with this." Engr Glenn nodded and signed the papers.
"Thank you, Engr," I responded with a smile.
I arrived on time. Thank goodness.
Akala ko mahuhuli kami dahil pinahinto ang kotse ng pulis kanina at hiningi ang lisensya ng driver ko. Mabuti na lang at inayos niya ang seatbelt ko dahil kung hindi ay tiyak penalty ito.
Iniwan ko rin siya sa labas dahil pakiramdam ko late na ako. Pero laking tuwa ko dahil sabay lang din lahat kami.
"Let's get them to serve our lunch. Gutom na ako," tugon ni Engr Glenn. Inayos ko na ang lahat ng gamit ko.
"And I believe you will join us, Architect Tacadena?" si Marco Mondragon sa akin.
"Yes, Sir. I will. Gutom na din po ako," ngiti ko sa sarili.
Sumenyas si Marco sa isang staff na nakatayo sa gilid at agad nakuha ang instructions niya. Tumayo siyang bahagya at dinukot ang cellphone sa bulsa.
"I will get Gab to join us," si Engr Glenn sa kanya.
"Sure, Glenn." Tango ni Marco at tumalikod na muna siya patungo sa may malaking bintana. May tinawagan siya.
Napatitig na ako ngayon kay Engr Glenn na nakangiti. Pasimpling binuksan ko ang maliit na bag at kinuha ang cellphone ko. Binasa ko ang iilang mensahi ni Glory dahil inutusan ko siya na mag-book ng flight pa Maynila.
"Come over, bud. The meeting was over. Join us for lunch," tugon ni Engr Glenn sa kausap niya.
Nangunot ang noo ko nang mabasa ang mensahi ni Glory. Wala na raw available ang economy seat kaya ang business class na ang kinuha niya.
Nagtipa ako ng mensahi at okay na ako rito. Rinig ko agad ang pagbukas ng pinto rito, pero hindi ako lumingon kung sino ito. Ito na yata ang kaibigan ni Engr Glenn na si Gab.
"Good to see you again, bud," si Engr Glenn sa kanya.
Ramdam ko ang pagtayo niya at ang pag-kumusta sa kaibigan nito. Nakikita ko rin sa gilid ng mga mata ko ang senyas na ginawa ni Marco sa kanya. Amoy ko agad ang pabango niya at nahinto ang kamay ko sa pagtipa ng mensahi para kay Glory.
Napatingala ako at ang mukha niya agad na nakangiti ang nagpabilis ng t***k sa puso ko.
"By the way, this is our Architect Engineer, Feleona Maelyn Tacadena," pagpakilala ni Engr Glenn sa akin sa kanya.
"And this is Gabriel Montanari, a good friend of ours," pagpatuloy niya.
I was left in astonishment when our eyes met. . . So, Gabriel Montanari was the name.
"Nice to meet you, Engr." Lahad nang kamay niya at tulala akong nakatitig nito. Hindi ko alam kung tatangapin ko ba. Pero wala na akong choice, kaya tumayo ako at nakangiting kinamusta siya.
"Did you say you drive someone here?" tanong ni Engr Glenn sa kanya.
"Yes, I did." He formally responded and sat down beside me.
Nauna pa siyang naupo kaysa sa akin at agad lang din akong naupo pabalik. Tumikhim ako at inayos ang buhok ko.
Sekreto ang ginawa kong pagtitig kay Engr Glenn na ngayon ay naghihintay sa tamang sagot niya.
"I drop Architect Tacadena here." He casually speaks and smiles at me.
Tumaas bahagya ang kilay ni Engr Glenn at ngayon ay nakatitig na sa akin.
"Do you know each other? Oh, my bad. I forgot that you work at the building firm, bud." Bahagyang tawa niya habang iniinom ang tubig. Nakatitig ang mga mata niya sa uniporming suot ni Gabriel.
"It's my second day at work. And thank you for giving me a job," kindat ni Gabriel sa kanya.
"Kay Marco ka magpasalamat. Hindi ako ang may-ari ng building," kantyaw na tugon niya, at sabay kaming tatlo na nakatitig kay Marco.
Okay, I get it, familiar friends. And like anybody else, the Mondragons always got the wicked friends on the list.
Anong klaseng tao kaya itong si Gabriel? Isip ko.
The food was served, and we started. But before that, Gabriel was a gentleman when he first put a slice of meat on my plate. He even added a few vegetables and mashed creamy potatoes.
"Thank you," I responded but didn't give him a stare.
Engr Glenn cleared his throat, and I bet the two are staring at each other.
Pakialam ko! Wala akong pakialam sa mga lalaking ito.
"Close na ba kayo?" si Engr Glenn sa amin.
"No, were not," agad na sagot ko. Walang ekspresyon sa mukha ko ngayon. Ngumiti lang din si Marco at patuloy sa pagkain.
"We only met, bud. I don't think Architect Tacadena will put her trust in a stranger like me," si Gabriel sa tabi ko.
"I see. . . Well, you can trust him, Feleona. I put my name in the line," tugon ni Engr Glenn, at nawala ang formality sa pangalan ko.
Ngumiti ako. Kilala ko na ang isang Glenn Mondragon pagdating sa trabaho at sa mga kaibigan niya.
And right now, he's talking to me as a friend, not an employee.
"Do I have a choice?" I responded while chewing my food.
"You don't have a choice." Singit ni Marco at mabilis niyang pinunasan ang bibig gamit ang tissue.
"You don't have a choice but to trust this idiot," ngisi niya. Napailing lang din ako.
I heard Gabriel repeatedly clear his throat like a portion of food was stuck between him. Ininom din agad niya ang tubig.
Natawa lang din si Glenn at napailing si Marco.
I will no longer call Glenn an Engr if he will take off the formality between us. Dahil tapos na ang oras ng trabaho at nasa hapag kainan na kami ay alam kong nagbabago na ang trato ni Glenn sa akin.
"Hirap ka sigurong pagkatiwalan, bro?" kantyaw ni Glenn sa kanya.
"Security guard iyan, Feleona. Secure na secure ang bawat araw mo sa kanya," pagpatuloy na kantyaw niya.
Tumango ako at lihim ang ngiti sa sarili. Naalala ko lang ang gabing nagpakahero siya sa akin at iniligtas niya ako sa mga adik na iyon.
"Oo, alam ko. Bagay na bagay sa kanya ang propesyon niya," tipid na ngisi ko at tumitig na ako ngayon kay Gabriel.
"Salamat nga pala sa pag-sagip sa akin nang gabing iyon. Pasensya na. . . Natagalan ang pasasalamat ko sa' yo. Hindi kasi kita nakilala," pagsisinungaling ko. Nakilala ko naman agad siya, pero hindi ko makuhang magpasalamat sa kanya.
"That's fine. Any man will do the same." He expressed himself with a smirk.
"So, something happened? Ano?" si Marco sa amin.
Since nasa harapan siya ng parte ng mesa at nagsisilbing head ay mabilis niyang nabasa ang kilos ni Gabriel sa kanang kamay niya.
"Well, I think that was almost two o'clock in the morning and - "
"It was nothing," I said and cut off Gabriel.
Nahinto silang tatlo at ang mga mata nila ay nasa akin na ngayon. Napaigting ang panga ni Gabriel habang seryoso ang titig sa akin. Umiwas din agad siya at bahagya ang ginawang pag-ngisi sa sarili.
"Yes, that was nothing. Luckily, I was there, or else there would be no Miss Feleona Maelyn Tacadena Cost -- Este, Architect Tacadena here joining us for lunch," agad na bawi niya.
"I see. . . Was it confidential? Is it? Huwag na tayong makialam, Marco." Kindat ni Glenn kay Marco. Ngumisi lang din silang pareho.
Matigas ang paglunok na ginawa ko sa karne, at kahit hindi ko pa nanguya ito nang tudo ay kailangan ko ng lunokin ito.
"Taga saan ka ba, Gabriel? Akala ko kasi pulis ka?" Sabay inom ko sa tubig.
I need to change the topic because I no longer want to talk about that incident. After a year, it was the first time for me to get out. But I was unlucky that night and was also lucky because of Gabriel.
Siguro kung hindi siya dumating ay nasa diyaryo na ang mukha ko at ewan ko na lang kung buhay pa o patay na ako.
"I'm from here, taga Tondo ako," sagot niyang hindi nakatitig sa akin.
"Tondo? Taga Tondo ka? Pero englisero ka kung magsalita?" Ngiwi ko sa sarili. Bahagyang nabilaukan si Glenn at ininom agad ang tubig niya. Napailing ulit si Marco at pinunasan na ang labi nito.
"Ano ba sa tingin mo? Hindi lahat ng nakatira sa Tondo ay asal aso, Fel. We have a heart too. We are human beings. Aren't we, Glenn?" Titig niya kay Glenn at bahagyang tumango si Glenn sa kanya.
"That's true. I was also born in Tondo, Fel, and raised in Colon Cebu." Kindat niya sa akin.
Parang sampal sa mukha ko ang nabitawan kong salita. Hindi ko naman sinasadya ito at hindi ko ugali ang ganito. Lumaki rin naman akong malayo sa pamilya ko at alam ito nina Glenn at Marco.
They know part of who I am because of Siobeh's beloved husband, Diego De Luna, their beloved buddy.
"I'm sorry. . . my bad." I looked at them and twisted my mouth when my eyes met Gabriel's stare. He chuckled and shook his head.
Hindi na rin siya nagsalita at iniba na ni Marco ang topic. Tungkol na naman sa negosyo ito.
Nang matapos ay naunang umalis si Marco at sumunod naman si Glenn. I was back talking formally with him and we will catch up again for the following meeting.
Nakalimutan ko pansamantala si Gabriel dahil sa mensahi ni Raquel. Kumulo ang dugo ko dahil may binago siya sa plano. Kaya nang humakbang ako sa kotse ay nahinto lang din ako nang pinagbuksan ako ni Gabriel at nakangiti siyang nakatitig sa akin.
"Okay, na ako. I will drive myself. I have to go somewhere," tingalang tugon ko.
Matipuno ang pangangatawan ni Gabriel at matangkad siya. Hindi man siya kasing tangkad ni Marco ay may kakaibang hulma ang katawan niya.
His muscles are evident. They are intact with more than six packs, I believe. I noticed it from the first time he caught my attention.
I'm an observer when it comes to a man's body, and with how Gabriel's body builds, I know he's not a mere security guard but more than that.
Naalala ko ang katawan ni Diego sa kanya pero mas pormal ang tayo ni Gabriel.
"I don't have my wallet with me, Architect. But if it's okay with you. Can you lend me some money for a fare?" Lahad ng kamay niya.
Sandaling napatitig ako sa palad niya at napansin ko agad ang maliit na tatoo sa palapulsuhan na bahagi. It's a star sign with significant little stars above the big one. May maliit din na hugis sa gilid at may letra na kakaiba ito.
Somehow, that sign signifies something; I forget where I saw them.
Nang mapansin niya na nagtagal ang titig ko sa bandang ito at agad niyang inalis ang kamay at ipinasko sa bulsa ito.
"Ah, okay. . . Hang on," tugon ko at kinuha ang maliit na wallet ko sa bag na suot.
Maliban sa dalawang card ay wala akong pera at coins lang din ang natira. Kaya binigay ko na ang isang master card ko sa kanya.
"Use this. My pin code is my birthday, 0982."
Bahagyang kumunot ang noo niya at mailagay ko ito sa kamay niya.
"Do you trust me that much for you to offer this to me?" he formally said and looked at me seriously.
I smile and nod a little bit. "I guess so. You save my life, remember? Bayad utang ko sa' yo." Tugon ko at umikot na ako para makapasok sa pwesto.
Nang mapaandar ko ang sasakyan at nakaapak na ang paa ko sa accelerator ay agad na bumukas ang pinto sa passenger seat at mabilis ang pagpasok na ginawa niya. Naupo agad siya at sing bilis ng kidlat ang ginawang paglakay sa seatbelt niya.
"I will not accept it, Feleona, because I have other plans for that," pilyong ngiti niya. "Take me with you where ever you go. I will be your guard. Ano? Okay, ba?" Kumindat siya at napakurap ako.
Ba't nga ba ang gwapo ng gagong 'to. Isip ko.
.
C.M. LOUDEN