Feleona's POV
.
Abala ang umaga ko dahil sa panibagon proyekto. Ace will be out of this project because he will hold the Cebu project. Miss Jessica, the secretary of Mr Tolento, will be with me today for the selection of materials.
Isa-isa kong kinuha ang mga blueprint na nagawa ko na para maipasa ito sa head developer at nang makita ni Civil Engineer Glenn Mondragon, siya ang head namin pansamantala sa proyekto.
"Lunch at the Blue Bells Cafe, Fel. Engr Glenn Mondragon wants to talk to you," si Fatima, sekretarya ni Engr G. We called Engr Glenn Mondragon as Engr G for short.
"Really? Bakit daw?" Tingin ko sa suot na relo. Pakiramdam ko kasi hindi ko mahahabal ito dahil sa proyekto.
"I don't know. We're not close, Fel. Chaka!" Senyas ng kamay niya at bahagya na siyang natawa. Nakitawa lang din ako.
Kalokohan talaga.
"Ang chaka 'di ba? Saan ba kasi pinaglihi ang amo mo? Walang warning 'te. Ano siya bagyo?" Ngiwi ko, at mabilis ko nang kinuha ang mga gamit ko.
"Sinabi mo ba. Pinaglihi sa hurricane Carmella!" Lakas na tawa niya.
Nahinto ako at nangunot ang noo ko. . . Carmella? Carmella who? Isip ko.
Ibang babae kasi ang nasa utak ko ngayon, at ito ay ang baliw na babaeng pinakilala sa akin ni Siobeh noon.
Ugh, I shrugged my shoulder and shook my head.
Why the hell do I even think of that de? Il!
Nakalabas na ako at mabilis ang ginawang pagbukas ng isang security guard sa sasakyan ko. Hindi ko na pinansin kong sino siya dahil sanay na ako sa mga security on duty rito.
Everytime I arrived at work I always gave my key to one of the roving guard, Samuel. He does my parking and keep my car key. At sa oras din na lalabas ako ay alam na niya ang routine ko at siya na mismo ang kukuha sa sasakyan ko sa parking space at naghihintay na ito sa akin pagkalabas. Madalas din ay siya ang nagiging driver ko sa bawat lakad ng kompanya.
"Monde Firm, Sam." Agad na tugon ko at sinuot ang sariling seatbelt. Hindi ko siya tinitigan dahil binabasa ko ang mensahi sa cellphone.
Tumikhim siya at kakaibang tikhim ito para sa akin. Amoy mabango rin siya na parang mamahalin ang pinaligo sa katawan niya. Taliwas sa nakasanayang amoy ko sa kanya.
"Anong gamit mong shower gel, Sam? Mabango siya," ngiti ko habang binabasa ang mensahi sa cellphone ko. Galing kay Elsa ang dalawa nito at kay Engr G ang isa.
Huh, wala nga naman akong kawala sa meeting namin mamaya.
"Sauvage by Dior," baritonong boses niya.
Tumayo agad ang balahibo ko sa sa braso hanggang kamay nang marinig ang kakaibang boses ni Samuel. Kaya napatingin ako sa kanya, at nganga ang ginawa kong pagtitig sa nakangising mukha niya.
Heck, he's not Samuel, but -- Oh my goodness, my heart! Sigaw ng isip ko.
"W-Where is Samuel? And w-who are you?" I stuttered. Namilog ang mga mata ko at napa- English ako nang wala sa sarili. E, madalas asal kanto naman talaga ako pagdating kay Manong Samuel.
Kaloka! Akala ko talaga si Manong Samuel ito. Magbibigay pa sana ako ng komento tungkol sa pabango niya at tiyak na magugustuhan ito ng Misis niya at magkakababy agad sila. Mabuti na lang at hindi pa ito lumabas sa bibig ko kanina.
"Manong Samuel is on leave. Na-hospital ang asawa niya kaya ako muna pansamantala ang pumalit sa kanya," sagot niyang hindi nakatitig sa akin.
Seryoso ang mga mata niya habang nagmamaneho at bahagya ang ginawa niyang pag-ngisi sa sarili.
Kumurap ako. Baka panaginip lang din ito at baka ibang tao ang kasama ko. Okay lang kahit na hindi si Manong Samuel at ibang security guard huwag lang sana siya. Pero kahit anong kurap ko sa sarili ay walang nagbago dahil siya nga ito. . . Ang taong tumulong sa akin nang gabing iyon at ang bagong hired na security guard ng kompanya.
Naalala ko lang din ang sinabi ni Elsa sa akin kagabi. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya.
"G-ganoon ba? K-kumusta na raw ba ang misis niya?" Sabay lunok ko sa sarili.
Ang hirap tuloy lumunok at kinabahan ako. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa sitwasyon na ito? Iba kasi ang dating niya at aminin ko man ay kaakit-akit siya katulad ng mga sinasabi nang mga babaeng chismosa. Isabay mo ba ang pabango niya. Ang bango niya talaga.
"She's okay. Dadalaw ako mamaya pagkatapos ng trabaho. Gusto mo bang sumama?" lambing na tanong niya at titig sa akin.
Napaawang ang labi ko nang magtagpo ang mga mata namin dalawa.
Oh, God, wake the hell up, Feleona!
"I don't go out with strangers," I responded, looking away.
"I don't think I'm that stranger to you. Am I?" He smirked. Sounded friendly.
Oh, hell. I haven't even say a 'thank you'. Ba't ba ang hirap lumabas sa bibig ko ang pasasalamat sa ginawa niya sa akin ng gabing iyon.
Bahala na nga.
"Ewan ko sa 'yo. Basta hindi tayo friends, okay? Dadalaw ako sa gusto ko pero hindi ka kasama," ngiwi ko sa sarili. Pinaikot ko lang din ang mga mata ko, at natawa siyang lihim habang nagmamaneho.
We arrived at the area and I came out at speed from the car. Pinabayaan ko na siya mag-park sa sasakyan ko at mabilis akong pumasok sa loob ng hardware dahil naghihintay na sa akin si Miss Jessica. And I was right. She was ten minutes ahead.
She did select the designs her boss wanted. It was quick and easy, and that was it.
Nang makalabas kami ay ang pormal na tayo agad niya ang nagpahinto sa hakbang ko. . . Ang hangin niya nga naman ng postura niya talaga. Ang taas ng confidence ng lalaking ito? Saang planeta kaya siya galing?
"Oh, my? Who's with you, Fel? Is that the newly hired security of the Monde Firm?" si Jessica sa tabi ko.
Nangunot ang noo ko habang tinitigan siya.Ang chismosa nga naman ng bruha. Ang bilis kumulat ng balita ah.
"How did you know?" Binigay ko na agad sa kanya ang dalawang brown envelop at para ito sa amo niya.
"Oh well, I've overheard my boss talking to your boss. Alam mo na, may lahing elepante ako." Bahagyang tawa niya. "Galing Texas iyan. Alam mo ba?"
I pressed my lips together while we stared and grabbed the two remaining folders from her. Ang huling desenyo ko ito at na-aprobahan na.
"Really? He's from Texas?"
Tumutig na ako sa kung nasaan ang pwesto niya ngayon at simpli ang ginawa niyang pag-ngiti sa amin dalawa ni Jessica.
"Hi!" si Jessica sa kanya. Mabilis ang ginawang hakbang ni Jessica papalapit sa kanya at naiwan akong nagdududa.
Hindi yata kapani-paniwala ito ah.
Malanding nagpakilala si Jessica at napailing ako. Magsasalita na sana ako para sa bruha pero bigla siyang umatras at sinagot ang tawag sa cellphone niya. Sumenyas agad siya sa akin, dahil ang boss niya ito. Kumaway siya habang may kausap sa cellphone at pati na rin sa gwapong makisig sa harapan ko.
I swallowed hard and shook my head while looking at Jessica getting inside her car. Magkatabi lang ang sasakyan namin at rinig ko ang pagkataranta niya sa kabilang linya. Mukhang hyper na naman ang boss niya.
Binuksan na nang kasama kong security kuno ang pinto ng kotse at agad akong pumasok. Umikot siya nang mabilis at pinaandar ito. Napagtanto ko na hindi ko naitanong ang pangalan niya.
At ba't naman ako magtatanong? Hindi ako interesado sa kanya!
"At the Blue Bells Cafe, Architect Tacadena?" He formally asked, and I nodded.
"How did you know?" Tanong ko at iniayos ang sariling seatbelt. Pero hindi na siya nagsalita. Tumikhim lang din ang walanghiya at hindi na ako pinansin.
Malapit lang naman ang Blue Bells Cafe, mga tatlong minuto lang mula rito. Inayos ko ang mga papelis at nilagay sa likurang bahagi ang natapos na. Kinuha ko ang blueprint na ibibigay ko kay Mr. Marco Mondragon at pati na ang kay Engr Glenn.
Nangunot ang noo ko nang hindi ko makita ang isang blue print. Kaya imbes na ipahinto ang kotse ay tinangal ko na lang ang seatbelt ko para maabot ko ang iilang papelis sa likod ng kotse.
Hindi siya umimik pero halata ang maingat na pagmaneho dahil humina ang takbo nito.
"Don't mind me. Just keep driving, or I'll be late."
Hindi siya nagsalita at wala akong pakialam kong makita man niya ang singit ko dahil isinandal ko ang buong katawan sa bahaging upuan at nakaluhod ako sa sarili kong upuan para maabot ko ang likod.
He's probably staring at my butt cheeks, and I don't bloody care!
"Hay naku!" Tugon ko sa sarili nang maabot ito at naupo agad ako pabalik sa upuan. Hindi ko na binalik ang seatbelt dahil hindi naman uso.
"Put your seatbelt on please," kalmadong tugon niya at hindi ko siya pinansin. Sa blueprint kasi napako ang mga mata ko ngayon at ininspeksyon kong mabuti ang ginawa ko noong nakaraang gabi.
"Okay lang. Malapit na naman tayo," sagot ko. Hindi siya nakikita ng mga mata ko dahil kadangkal na ang blueprint sa mukha ko.
May mali yata akong nailagay na numero.
"Ano ba 'yan?" Inis na tugon ko sa sarili at kasabay nito ay ang pag-hinto ng kotse.
"Just for a sec." Bilis na kilos niya at agad kong naramdaman ang kamay niya sa bandang gilid ng hita ko.
"What the - What are you doing?"
Inalis ko agad ang blueprint sa mukha at ang halos magdikit na ang mukha niya sa mukha ko ngayon. Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada at mabilis ang kilos niya para sa seatbelt ko.
Nabigla ako. Hindi ko naman inaasahan ito. Mabilis kasi ang kilos ng kamay niya at nang maramdaman ko ito sa gilid ng hita ko ay naalarma ko.
Feeling ko manyak ang mukong na 'to!
But instead of complaining, I couldn't utter a word when I smelled his manly alluring scent.
Shit, Siobeh! Mura ng isip ko at ang pangalan ni Cariena agad ang naisip ko.
Nakuha niya kasing gisingin ang kakaibang pakiramdam na kailanman ay hindi na nangyari sa akin noon.
"I'm sorry, but I have to do it." Pormal na tugon niya nang matapos ito at tulala ako sa sarili.
Ang lakas ng epekto 'te!
Ilang segundong huminto ang pagtibok ng puso ko saka bumalik ang utak ko sa mundo!
Kalokohan ito!
And with a hawk stare, I looked at him, and he smiled.
"See them?" Galaw ng kilay niya at napatingin ako sa kung saan siya nakatitig ngayon.
"Oh. . . I see?" Halos pabulong na sagot ko nang makita ang iilang kapulisan mula rito.
"It's better safe than sorry, darling." With his cute smile, he winked, and my mouth came partly open.
.
C.M. LOUDEN