Gabriel's POV
.
Cruising around smoothly while listening to the music on the wireless going home started the day of my early retirement. I love the life I have now. I'm free, nothing to worry about, and no one knows me. I stepped onto the brake, and the garage sliding door rolled up. I park the car inside. Push the little button from my key, and it's locked.
The sensor lights came on when it detected my presence. I open the door that leads me to the lounge of this house.
Sa kusina agad ako nagtungo at binuksan ang refrigerator para sa malamig na tubig. Tahimik ang buong paligid at walang kakaiba sa bandang ito. Humakbang ako patungo sa ikalawang palapag ng bahay ko para sana mag-shower. Pero napansin ko agad ang konting pagbabago sa upuan na malapit sa library ko.
My library room is always open, and from where I stand, I can see the sliding door that leads to the little balcony that connects to the other side of my room. I took a step, walking lightly in the thin air. I could sense that someone's been there, and it was not far from where I was.
Slowly, I slid my hand into the side of my pocket and grabbed my calibre 45. I kept my pace slowly, now aiming my gun at my target.
Pero nahinto lang din ako nang marinig ko ang pagtikhim niya mula sa likurang baghagi ko.
"El Durante Valentino." Tiim-bagang ko at hinarap siya mula sa likod ko.
He smiled when our eyes met and came out from the dark spot corner.
"Gabriel Newt Montanari. . ." garalgal na boses niya. Hawak ang tungkod ay mahina ang ginawa niyang paghakbang palapit sa akin.
"You haven't changed, son. Kilala mo pa rin ako kahit na sa pagtikhim ko, apo," pilyong ngiti niya.
I shook my head and push the remote button for the blinds. Now the whole area is brighter and there was no dark spot anymore for him to hide. Napapikit-mata siya nang tumama ang liwanag sa kanya at mahina ang hakbang hanggang sa marating niya ang mesa ko rito at naupo na siya.
“Dark coffee or black tea?" I asked, preparing the small coffee maker I have inside.
"I'm too old for coffee, apo. I would love to have a black tea, please. No sugar."
I nodded and started making his before mine.
"How did you get in? Hindi ka naman siguro dumaan sa balkonahe ano?" pilyong ngiti ko. Alam ko na hindi siya dumaan sa balkonahe at tiyak ay sa bandang likod na pintuan siya dumaan. Sa bahaging kusina ng bahay ko.
"Oh well, the old man knows old tricks." He said, shaking his head.
"I came as soon as I heard that you are retiring," he added.
Humakbang na ako palapit sa kanya at binigay ang tsa-a na gawa ko. Humakbang lang din ako pabalik para sa kape.
"Hindi mo man lang ako binigyan ng isang linggo. Bilib din ako sa radar mo, Nonno," ngiti ko. Ininom ko na ang kape at tinitigan na siya. Naupo ako sa pwesto at naharap ngayon sa kanya.
I look at him thoroughly and he doesn't age much like the normal people at his age. Produkto na rin siguro ito ng kakayahan niya dahil panginoon nga naman siya sa mata ng iba.
"I want to check how's my only grandson doing. You know me. I'm discreet, but I have the king of the diamonds in hand."
"Yep, I know more enough," I joke and shake my head.
Sandalai kaming natahimik habang iniinom ang bawat inomin namin.
"Is Scanty with you?" seryosong titig ko. Napaku na ang mga mata ko ngayon sa balkonahe rito. I seen shadows, and that was like a blink of an eye.
"You got what it takes to be the king, Gabriel, and I'm waiting for the right time. As of now, I'm happy of how's everything. But lately, an old friend came to me and offered something."
Okay, this is what we call a business. My mind speaks in silence while staring at Nonno's eyes. He knows I don't want to get involved in the business, but if it is outside the clan, I am open to it.
"Be a guard to her. Pretend that you have nothing and just a security guard. They need her back in six months for her marriage to Darius."
My brow lifted when I heard Darius' name. And if I'm not mistaken, the El Gonzales is the mafia clan that operates a small town in Mexico.
"Darius El Gonzales?"
"Oo." Tango at tikhim ni Nonno. Inubos lang din ang tsa-a niya.
"That's El Costello's enemy, right?"
"Yes, it is. And I don't know why El Patrione is doing this. I believe he lost the bet when Cariena passed away. So I can't blame him. He's a good friend, and I guess it will do good for both clans."
"You think so, Nonno?"
He stood up and smile while walking little steps away from me. Tumayo na rin ako at sumunod na ako sa kanya. Pababa kami at patungo sa kusina. Tama nga naman ako, dito dumaan si Nonno kanina.
"I want you to convince Feleona. Nothing more, nothing less. It will also do good on your part. Mabibisita mo ang lupang sinilangan ng ina mo at ang iilang ari-arian natin doon. Lay low for the time being. I don't need you yet, and I bet you like it."
Napailing ako at namaywang sa sarili. We stare, and I'm happy that my grandfather keeps everything for the clan. However, I know I have to play the role he's now doing in the future. I'm not against that, but I'm trying to avoid conflicts with any mafias as much as possible. Hindi man ako namulat sa mundong ito, ay ito naman ang kabataan ko.
Nonno has a purpose for why I was hidden because both of my parent's life was taken away in front of him.
Alam kong hindi niya kakayanin na pati ako ay mawala sa kanya noon. Kaya inilayo niya ako at namuhay ng kakaiba sa kanila.
But that doesn't mean that I forget what I am capable of. I know myself. . . I've been to this business and am still dealing with it. I'm not a navy for nothing.
"Just bare in mind that she belongs to the Darius Gonzales, son." He winked, looking suspicious at me.
Face down, I shook my head and smirked. I know what he means by the way he looks at me.
"Nonno, I have no time for my heart. That can always wait." Balik na kindat ko sa kanya at mahina siyang tumango.
"Okay. . . I have to go. I will send you the report later. And by the way, congratulations, apo." Tapik niya sa balikat ko.
"Your funds are ready. Spend it lavishly." Ulit na tapik niya at napailing na ako sa sarili.
*****
Feleona's POV
.
"What the hell! Mukha ba akong prosti sa tingin mo?"
Natawa na si Elsa at namuo lang din lalo ang inis sa loob ko. Sa unang pagkakataon ay may nakapagsabi sa akin na mukha akong prostitute.
Heck! Kung alam lang niya na isa akong propesyonal na tao at hindi ko benibenta ang katawan ko.
"Anong nakakatawa!?" Padabog na hakbang ko palabas ng kotse at mabilis kong binuksan ang pinto ng bahay.
I threw my purse, and it landed on the cream vanilla couch. I'm annoyed after what happened and couldn't be bothered going to another club.
Ni hindi nga kami nag clubbing dahil sarado na ang iba at kung malas ka naman talaga! May mga manyak pa.
"Akala mo naman kung sino siyang gwapo ano! Pasalamat na lang siya dahil pulis siya at nirerespeto ko ang lahat ng kapulisan dito! Pesti! Do I really look like a prosti?"
Ulit na harap ko kay Elsa na ngayon ay nasa harapan na nag bukas na refrigerator. She grabs a drink and give me some mango juice.
"Salamat."
"Okay naman ang suot mo, Fel. Pero ang make-up mo lang. Masyadong makapal at pulang-pula pa ang labi mo. Natural! Mukhang pukpok ang unang tingin nila sa' yo. And look at that!" Sabay ikot niya sa katawan ko.
"Ang ganda nga naman ng katawan mo 'te. Kahit sinong lalaki gusto kang tikman at gawing pulutan. Maliban nga lang sa mga manyak na iyon. Huh, mabuti nga sa kanila! Sana mabulok sa kulungan ang mga pangit na 'yon!" Sigaw niya. Umayos na siya at binuksan ulit ang ref ko para sa ice cream.
Nangunot ang noo ko at dalawang maliit na baso ang kinuha niya. Nagsandok siya at binigay sa akin ang isa.
"Ang init! Masarap ang ice cream. Kain na," pasimpling tugon niya.
Wala na akong nagawa kaya kumain na ako nito. Pero hindi pa rin talaga maalis sa isip ko ang mukha ng lalaking iyon. At naglalaro sa isip ko ang bawat kilos niya nang magpakawala siya nang martial arts sa mga manyakis. Mabuti nga sa kanila!
Natahimik kaming dalawa ni Elsa at pareho kaming nakatitig sa dingding na wala man lang ni isang litrato. Blanko ito, at kulay puti
"Ang astig niya ano?" panimulang salita niya mula sa mahabang katahimikan namin dalawa.
"Sino?" Nagkunwari ako na walang alam sa tanong niya, pero ang totoo, ay alam ko naman ito.
"Iyon gwapo na kamukha ni John Cena," ngisi niya. Nagtitigan na kaming dalawa. Napailing ako at panay ang subo ko sa ice cream.
"Gwapo ba? Hindi ko kasi namasdan ang mukha," pagsisinungaling ko.
"Saan mo ba nahanap ang lalaking iyon? Mabuti na lang at agad mo siyang nakita. Dahil kung hindi ay tiyak nasa imperyno na ang kaluluwa ko ngayon," ngiwi ko. Kinilabutan na tuloy ako nang maisip ang nangyari kanina.
Mabuti na lang talaga at dumating siya. Akala ko tuloy si Pinokyo ang sasagip sa akin dahil ito ang nakasanayan ko. Nakalimutan ko na wala na pala ang Pinokyo ng buhay ko.
"Hindi. Honestly, wala akong nakitang tao. Kaya ang malaking kahoy ang pinulot ko. Pagkabalik ko ay ayon! Nakita ko agad ang pag-atake na ginawa niya sa mga lalaking humawak sa' yo. . . Grabe, ang astig talaga, Feleona. Para akong nanood ng action drama! Ang probinsyano, pak! Aja!" Karate moves niya. Ngumiwi na ako at napailing ng lihim sa kanya.
"Type mo ano?" pilyang ngiti niya.
"Hindi ah! Hindi ko type ang mga taong tulad niya."
Tumayo na ako at nilagay sa lababo ang baso at kutsara. Naubos ko ang ice cream na madalas ay hindi ko naman nauubos.
Tataba yata ako nito? Isip ko at titig sa tiyan ko.
"Makaligo na nga!" Irap ko sa kanya, at natawa lang din ang bruha.
"Dito ako matutuloy, okay?" Pasigaw niya.
"Doon ka sa guest room!" Pabalik na sigaw ko at hinayaan na siya.
I took off my dress and throw it in the washing machine. Hubad akong pumasok sa maliit na shower cubicle at pinaandar ito. Mabilis ang ginawang pagligo ko. At magpahanggang ngayon ay ang mukha niya na nakangisi habang nakatitig sa kabuuan ko ang tumatag sa isip ko.
Huh, ang sakit palang ang ma-insulto. Pero nagpapasalamat pa din ako sa isang tulad niya na naging superhero ng gabi ko.
.
MAAGA akong pumasok sa trabaho dahil panibagong launching ang magaganap sa linggong ito. Natapos ko na ang lahat at for finalization na lang ito at approval ni Sofia at Marco.
I kept yawning as I entered the building and didn't notice Raquel's presence. She bumped into me purposely and evilly looked at me.
"Mukhang haggard tayo Engineer ah?" pilyang ngiti niya. Sabay pa kaming dalawa na pumasok sa loob ng elevator.
"May haggard ba na maganda?" Hinawi ko na ang mahabang kulot na buhok ko at tumama ito sa mukha niya. Ngumiti ako at tumikhim sa sarili.
"Oops, sorry but not sorry at all," arteng tugon ko at lihim ang ginawa kong pag-ngiti.
Dumistansya siya at tumaas ang isang kilay niya. Kaming dalawa lang din ang nandito sa loob, at kung may magkaribal man sa lalaki ay iba naman kami ni Raquel. Magkaribal kami sa trabaho at desenyo.
Ibang departamento siya at iba rin ako. Siya ang head sa team niya at ako naman ang pinakamagandang head sa team ko. I am confident that I hold the most beautiful crown amongst every single lady, a female s***h Engineer.
"Huwag masyadong kampante, Engineer, baka matalo kayo mamaya.” Pananakot na titig niya sa akin. Naningkit ang mga mata nito at pinaikot ko lang din ang mga mata ko.
"Don't worry, manalo o matalo ay 'di hamak mas maganda pa rin naman ako sa' yo!"
Bumakas ang elevator at nauna akong lumabas mula rito. Ramdam ko agad ang presenyang nag-aapoy sa likod ko. Kakalbulhin na yata ako ang ng gaga na 'to.
I didn't look at her behind me and I keep walking until I saw a familiar face walking toward me.
I pause, and my whole world stops spinning when our eyes meet.
What the - heck?
"Hi, good morning." He gave me a wink, but then he looked away snobbishly. Matigas ang tindig at kaakit-akit ang lahat sa kanya.
He walked past me, and his scent lingered in my nostrils. Making my heartbeat stop for seconds. I turned around and saw him getting inside the elevator.
My jaw dropped when I realised that he was wearing the security guard's uniform.
What the? Ang buong akala ko ay pulis siya. Hindi pala.
.
C.M. LOUDEN