Chapter 2

2327 Words
Nanatili lang akong nakatitig sa kaniyang mga mata nang sagutin niya ang tanong kong iyon. Ganoon din siya sa akin. Parang nanumbalik ang ulirat ko. Walang sabi na itinulak ko siya kasabay na pagbangon ko. Agad ko niyakap ang aking sarili at lumayo nang bahagya mula sa kaniya. Umiwas ako ng tingin. Napapikit ng mariin dahil sa katangahan kong taglay! Bakit hinayaan kong mahawakan ako ng lalaking ito? I just feel ashamed on myself! Naturingan pa man din akong madre tapos ganito ang sasapitin ko?! "What's wrong?" kalmado niyang tanong sa akin. "I gotta go," namamadali kong sambit sabay pinulot ko ang aking shoulder bag na ngayon ay nasa sahig. Sinuot ko iyon. Natataranta akong lumabas sa kuwarto. Palabas na din ako ng unit nang may humuli sa aking braso. Tumingin ako kay Rowan Ho na may lungkot sa kaniyang mga mata. "Did I scare you?" malumanay niyang tanong. "Don't go, please. I'm so sorry for my misconduct." Binawi ko ang aking tingin. Hindi ako nagpatinag sa kaniyang pakiusap. Marahan kong binawi ang aking braso hanggang sa tagumpay akong nakalabas ng unit. Malaking pasasalamat ko nalang dahil hindi na niya ako magawang pigilan o sundan pa man. Napatampal ako sa aking noo dahil sa kagagahan ko. Bakit kasi pinili kong pumunta dito kung iyon naman pala ang kahihinatnan ko? Eh di muntikan na akong bumigay—wait, ano itong pinagsasabi ko? Noon pa man ay hindi sumagi sa isipan ko na ibigay ang sarili ko. I preserved my body as a servant of God, not anyone else. Kahit umalis na ako sa pagiging madre, parang pinili ko nalang na maging matandang dalaga. Pumikit ako ng mariin nang nakasakay na ako sa taxi kasabay na nagsign of the cross. Salamat, Panginoon, hindi mo ako napabayaan. Amen. _ Laylay ang magkabilang balikat ko pagdating ng apartment. Tamad kong ipinatong ang shoulder bag sa sofa. Umupo ako at nagpapahinga saglit. Pasado alas nuebe na ng gabi akong nakarating. Sa mga oras ding ito, parang nalipasan na din ako ng gutom dahil sa tensyon na naranasan ko ngayong araw. Lalo na't nakaengkuwentro ko si Rowan Ho. "Rowan Ho... Rowan Ho..." mahina kong bigkas sa kaniyang pangalan, pilit inaalala dahi, binanggit niya sa akin na parang kilala nga niya ako noong high school. Bakit parang wala naman akong natatandaan? Wait, ibig sabihin, siya si Frendel Rowan Ho?! At kakambal ng isa sa mga sikat na modelo ngayon na si Faylinne Sarette Ho?! Napasapo ako sa aking bibig nang napagtanto ko kung sino talaga si Rowan Ho. Hindi kasi Rowan ang tawag sa kaniya ng mga nakakakilala sa kaniya. He prefer to call him Frendel, ang mga kamag-anakan niya ang mga binibigyan niya ng pahintulot na tawagin siyang Rowan. Pero iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya. Base din sa pagkakatanda ko, matalino at habulin ng mga babae ang lalaking iyon. Maski ang mga babae sa senior class, patay na patay sa kaniya pati ang mga pinsan niya ay walang hindi naghahabol sa mga iyon. Tanging mga Hochengco at Chua ang maiingay na apelyido na school noon. Napangiwi ako. Wala akong natatandaan na nagkausap kami ni isang beses man lang ng lalaking iyon. Magkaiba pa nga kami ng section ng mga panahon na iyon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka tumayo na. Magsashower sana ako ngayon na biglang tumunog ang cellphone ko. Ngumuso ako't nilapitan ang shoulder bag para ilabas ang aking telepono. Kumunot nang bahagya ang aking noo dahil pangalan ni Arra ang nakasulat bilang caller. Hindi ako nag-atubiling sagutin iyon. "Yes, Arra?" "Nakauwi ka na ba, Ciel?" nag-iiyak niyang tanong. Bakit umiiyak naman ang isang ito? At saka, bakit maingay ang background niya? "Can you please come over here? Wala naman si Marian dahil busy siya sa kaniyang jowa. I need someone to talk to." "N-nasaan ka ba?" nag-aalalang tanong ko. "Nasa..." she paused for a seconds. "Nandito ako sa bar. Itetext ko sa iyo ang address. Wait kita, ha?" then she hung up. Ilang segundo pa ay dumating na ang text message niya para sa akin. Mukhang hindi pa nga ako makakatulog agad. Kailangan ko pa yatang samahan ang isang iyon lalo na't nag-iisa. Rinig ko rin sa boses na mukhang galing siya sa pag-iyak. Paniguradong nag-away na naman sila ng boyfriend niya. Nagshower ako at nagpalit ng damit. Wala ako masyadong alam kung anong sinusuot sa mga bar or clubs. Tanging printed white tshirt. maong pants, at flat shoes ang sinuot ko. Dinala ko na din ang shoulder bag ko. Pinusod ko ang aking buhok habang pababa na ako mula sa apartment ko na nasa pangatlong palabag ng gusaling ito. Kumuha na din ako ng Grab bago ako lumabas. Mabuti nalang ay available pa. Kasalukuyan na itong naghihintay sa ibaba. _ Medyo malapit ang bar kung nasaan si Arra mula sa apartment. Nagbayad muna ako bago tuluyang nakalabas ng sasakyan. Sinabit ko ang bag sa aking balikat. Naglakad na ako hanggang sa tagumpay akong nakapasok sa mismong loob. Napangiwi ako dahil sa medyo dim ang paligi, amoy ko pa ang pinaghalong vape at sigarilyo. Bumabahang mga inumin, pulutan at ingay sa loob. Pero hindi iyon ang hadlang para hindi ko hanapin si Arra. Nasaan na ba ang isang iyon? Ang sabi kasi niya, hihintayin daw niya ako. Wala pang limang minuto na paglilibot ay sa wakas ay nakita ko na ang hinahanap ko. Likod palang ay kilala ko na. Agad kong dinaluhan ang mesa kung nasaan siya. Tiningnan kong mabuti kung tama ba ang hinala ko and thankful ako dahil tama ako. Agad akong umupo sa tapat niya. "Hey," tawag ko kay Arra. Tumingin siya sa akin. Bakas sa mukha niya na hindi makapaniwala dahil ako na ang nasa harap niya. "Cieeeeeeeel!" sabay ngawa niya. "He wanted to break up with me!" Umaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "What? Is he serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. Ngumuso siya at tumangu-tango. "Humihingi nga ako ng dahilan kung bakit gusto niya akong iwan. Hindi niya sinabi sa akin, hanggang sa malaman ko nalang, may iba na siyaaaaa!" nag-uumpisa na naman siyang umiyak sa harap ko. Huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng tissue sa gilid saka inabot iyon sa kaniya. Tinanggap niya iyon at pinunasan niya iyon sa kaniyang mga mata. Nakakalat na ang make up niya dahil sa pag-iyak niya, kaunti nalang, magmumukha na siyang wasted. "Hindi pa ba ako sapat, Ciel? Ano pa bang kulang sa akin? Dahil sa hindi na ako virgin nang naging kami na?" sige pa rin ang pagbuhos ng kaniyang mga luha. Nalulungkot ako para sa kaniya. Wala naman akong maipapayo sa kaniya dahil hindi ko pa nararanasan iyan. Hindi ko pa alam kung ano ang pakiramdam kapag napunta na ako sa ganyang sitwasyon. Ang tanging magagawa ko lang ay samahan nalang siya sa kalungkutan na nararamdaman niya. Hindi ko na rin namamalayan na tumitikim na ako ng alak. Kung anu-ano kasing binibigay ni Arra na alak, tinatanggap ko. Tikman ko daw ang ganito, ganyan. Ilang beses ko din sinisiksik na kontrolin ko na din ang sarili ko para may lakas pa ako kapag uuwi na kaming dalawa. Papatulugin ko nalang ang isang ito sa apartment ko. Nasa bar counter ngayon si Arra. Nagsusubok na naman ng iba pang alak. Babalikan daw niya ako dito. Natigilan ako nang may naramdaman akong may biglang tumabi sa amin. Lima silang lalaki, lalo na't hindi ko kilala ang mga ito. Ngayon ko palang sila nakita sa buong buhay ko. "Hi, miss, is it okay if we join you?" tanong ng isang lalaki na nakacheckered na polo, nakangisi nang nakakaloko. Kunot-noo ko silang tiningnan. "Bawal." matigas kong sagot. "Oh, fierce ang isang ito, pare." kumento ng kasmaahan nila. "Kwentuhan lang naman, miss..." "Hindi namin kayo kilala..." goodness, bakit parang hinihila ako ng antok ngayon? Huwag ka munang sumuko, Ciel, kailangan mong makalabas sa lugar na ito na matino pa at buo! "Sige na, miss..." "Kapag sinabing ayaw niya, leave her alone." rinig ko ang isang pamilyar na boses. Matigas ang pagkabigkas niya sa mga salita na iyon, mararamdaman mo ang galit. "Choose, you want to be dead or leave?" Isa-isa nagsialisan ang mga makukulit na lalaki. Kunot-noo akong tumingin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kahit na namumungay at medyo nanlalabo ang mga mata ko, nakilala ko kung sino ang nagpaalis sa mga lalaki—si Rowan Ho. Pero hindi ko inaasahan na may mga kasama siya. Nasa likuran lang niya ang mga ito. Wait, kung hindi ako nagkakamali, kasama niya ang mga pinsan niya! W-what the... "Ciel, are you alright?" nag-alalang tanong ni Rowan sa akin. Napangiwi ako. Walang sabi na ikinulong ng mga palad ko ang mukha niya. Kita ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko. "Ikaw... Shi Frendel Rowan Ho...Chengco." sabi ko. Nagpupungas-pungas na yata ako. Shocks! Epekto ba ito ng alak?! "C-Ciel... You're drunk." "Yesh, I am... And I want moreee...." "I'll pick you up, ihahatid na kita sa bahay mo." he gently hold my hands. Alalayan na sana niya akong tumayo pero nagpabitaw ako. "Ciel..." Itinuro ko ang bar counter. Sinundan niya iyon ng tingin. "May laro daw doon, ten shots of hell. If I lose, I'm willing to go with ya and I will take ya to heaven ash ya wanted..." "Oh shit." bulalas niya sabay takip niya sa aking bibig. "You don't have to tell that infront of my sister and brother... and cousins." mariin niyang bulong sa akin. "Heaven pala, ha." natatawang kumento ng isa sa mga pinsan niyang babae. If I'm not mistaken, that is Vesna. One of popular heiress in the country! "Teka naman, Rowan, patapusin mo kung ano pa ang isa pa niyang deal." bungisngis na sabi ng kakambal niyang si Sarette Ho. Nagbuntong-hininga si Rowan. Bumaling sa akin. "What if you win?" mahinahon niyang tanong. Sumeryoso ako. "Get out of my sight, Rowan Ho." tinaasan ko siya ng isang kilay. "Deal?" Ngumisi siya. "Sure, my heaven." mahina niyang tugon. Lumapit kami sa bar counter. Hindi ko inaasahan na paliligiran na kami ng mga costumer dito.Saglit gumawa ng mga drinks ang mga bartender saka ipinatong nila ang mga shots sa harap namin ni Rowan. Tig-sampung shot glass kaming dalawa. "Ten shots of hell." anunsyo ng bartender. "Ten strongest liquor shots. We have pickle back, Irish car bomb, liquid cocaine, sangrita, snowshoe, three wise men, southern joe, fireball, pirate's treasure and silver bullet." "May deal na po ba kayo?" segundang tanong ng isa pang bartender. "Yeah," walang emosyong sagot ni Rowan sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "Ready?" Tumango ako. Walang sabi na sinampal ko ang sarili ko para magising ang diwa ko. Hinintay namin ang pagsabi ng GO ng mga pinsan niya. Nang sabay-sabay nilang sambitin ang salita na iyon ay agad kong kinuha ang pickleback, nilagok ko iyon. Hindi madrawing ang mukha ko dahil isang shot palang ay natapangan na agad ako sa lasa ng alak. Pero pilit kong hindi magpatinag. Sunod kong ininom ang Irish car bomb, liquid cocaine, sangrita, at three wise men... Hindi ko na kaya. Umiikot na ang paningin ko, sobra. Pilit kong tumingin kay Rowan. Chill lang niyang iniinom ang mga shots—dalawang baso nalang, malapit na niyang maubos ang sampung shots! Pagkatapos kong inumin ang southern Joe, hindi ko na kinaya. I raise my white flag. Sign of surrender. Yeah, I admit I lose. Gusto kong tuktukan ang sarili ko. Bakit kasi ganoon ang deal na ginawa ko? Ugh, talagang dadalhin ko na siya sa langit nang wala sa oras! Sorry, Lord! "I won, my heaven." nakangiting sabi niya sa akin. "Alam kong hindi mo na kayang uminom pa. Let's go." "S-saan..." "Kayo na ang bahala sa kaibigan niya. Ihatid ninyo nalang siya sa bahay nila. Ako na ang bahala kay Ciela." he instruct them. "Sure, kuya Rowan." sagot ni River Ho, ang isa pa niyang kapatid. Ramdam ko ang pagpulupot ng kaniyang braso sa aking bewang. Inaalalayan niya akong tumayo hanggang sa makalabas na kami sa bar. Bago man kami makarating sa Parking Lot, bigla akong tumakbo palayo sa kaniya. Dumiretso ako sa tabi ng puno. Yumuko ako't nagduduwal ako. Hindi ko na mapigilan pang sumuka. Rinig ko ang tunog mula sa sasakyan na hindi naman kalayuan sa pinanggagalingan ko ngayon. Hanggang sa maramdaman ko ang mainit na palad na humahagod sa aking likuran. Nang mahimasmasan na ako ay inaalalayan pa rin akong makatayo ng ayos ni Rowan. Inabot pa niya ako ng tubig at wet wipes. "Here," abot niya sa akin ng mga iyon. "Salamat..." nanghihinang sabi ko. _ Kahit nakapikit ay ramdam ko na inihiga ako sa malambot at malapad na kama. Nakabalik na naman ako sa penthouse niya. Parang kanina lang, todo iwas ako para hindi matuloy ang kaniyang binabalak tapos ngayon, mukhang matutuloy pa nga dahil sa ginawa ko. Bakit mas umaandar ang pagiging tanga ko? Ugh. Napatingin ako sa paanan ko. Kita ko na siya ang naghubad ng mga sapatos. Gustuhin ko sanang tumanggi pero hindi sapat ang lakas ko para gawin iyon. Nasa ilalim pa rin ako ng espirito ng alak. "You better get some sleep tonight, my heaven." masuyo niyang sabi. Tiningnan ko siya gamit ng mga mapupungay kong mga mata. "How about our deal?" I asked. "I don't want to take advantage while you're drunk, my heaven." sagot niya ng mahinahon. He offer me a small smile. Hinawi niya ang mga takas kong buhok. "Sleep now, my heaven." saka tumabi siya sa akin. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Bago man ako hatakin ng antok ay narinig ko pa ang kaniyang sinabi. "You are innocent like an angel, my heaven. I can see my future with you. I want to prove my love to you through my actions and my words. I don't ever want you to have a doubt in your mind about my affection and loyalty to you." he paused for a moment. "Sorry if I made you as my bride so fast. Kung gusto mong ligawan muna kita, gagawin ko. Basta, ako lang ang sasagutin mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD