Ikasiyam na Kabanata LULUGU-LUGO NA tumalikod si Caren. Kung lalampa-lampa lamang siya ay natumba na siya dahil sa kamalas-malasan niya’y nabubunggo siya ng mga lalaking papasok sa multimillion-peso na club na ‘yon. El Sacramento daw ang tawag doon. Hindi lang isa o dalawa ang namumukhaan niyang high-profiled figure sa politika at sports ang nakita niyang pumasok doon na may mga kasama pang mga alalay. Sambakol ang kanyang mukha nang muli niyang lingunin ang entrada. Maangas siyang tinaasan ng mukha ng dalawang guwardiya na nakaposte roon. Dinaig pa ang PSG sa kaistriktuhan. Maging ang sniffer dog na hawak ng isa ay masama rin ang tingin sa kanya. Mga bakunawa! No membership card daw, no entry. Ano ‘yon? E, basta pinapunta lang siya doon ni Junger. Isa pang lintik na bakunawa! At