Ikapitong Kabanata KUNG KANINA'Y nahihiya lamang siyang galawin ang pagkain, ngayon nama'y tuluyan na siyang nawalan ng gana. "What would you ask in return?" Mataman niyang tanong. May bakas ng paghihinala. Out from her boring world, may isang ubod ng yaman at ubod ng g'wapong nilalang na narito't sa isang iglap ay tila ba ihahandog ang ganoong biyaya. Kahina-hinala iyon. "Kapalit, you mean." One corner of his luscious-looking lips tugged up snappishly. Wala siyang maalalang nakahalubilo niya sa unibersidad na pinapasukan niya na ganoon kaangas ngumiti ngunit may epektong nakakapagpabagal ng paghinga. "Nothing comes for free sa mundong ito. I've got a fresh experience in less than 12 hours. Katulad mo, may handang tumulong kapalit ng... ng puri ko." Bahagya siyang naumid sa huling si