Ikalabingisang Kabanata IT SHOULD BE a nostalgic breakfast with those mouthwatering foods made by Nanay Greta. Paksiw na bangus na amoy na amoy ang anghang at asim, piniritong tuyong pusit, ensaladang itlog, sinangag na umuusok pa at ang sinamak na may ekstrang sili at sibuyas. Gusto nang lantakan ni Caren ang mga nakahain sa mesa kung hindi lang sa malamig na paninitig sa kanya ni Nanay Greta na siyang ikinailang niya mula pa kanina. Napabuntong-hininga si Junger nang mapuna ang tensiyon sa hapagkainan at ang discomfort ni Caren sa tabi niya. “Nay, hindi pa ba tayo mag-uumpisa?” Bahagyang nakangiwing untag ni Junger kay Nanay Greta. Hindi masuway ng direkta ang matanda sa hindi maayos na pakikitungo nito kay Caren. At hindi iyon magugustuhan ni Junger. Hindi siya binalingan ni Nan