When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
"SILA ANG BUHAY ng bawat kaharian," pagsisimula ni Shem-shem at itinuro ng palad niya ang limang diwatang ipinakilala niyang hari at mga reyna ng Anorwa. "Ang hari at ang mga reynang tagapangalaga ng Batong Elpio na siyang nagbibigay sa kanila ng mga kakaibang katangian – kapangyarihang mahirap pantayan. Nasa katawan nila ang makapangyarihang bato, nagiging kaisa nila ito kaya walang sino man ang makakakuha nito. At ang bato mismo ang pumipili sa dapat na magmay-ari sa kanya. Lahat ng kapangyarihan na magagawa ng kanilang lahi, ay napapaloob sa kanila. At mayroon pa silang mga kakayahan na sila lamang ang nakakaalam. Nagsanay sila upang palakasin ang kanilang kapangyarihan at patunayan sa lahat na sila’y karapat-dapat bilang isang tagapangalaga. At kanilang kapangyarihang taglay ay depende