Chapter 1

1053 Words
ABALA si Liam sa pagbabasa ng files tungkol sa worldwide launch ng pinakabagong produkto ng Mercedes Peter Monreal o MPM Bag na Cassidy. It was handmade from a leather tote bag that is meant for teenagers and that is named after his first niece Cassidy Monreal. Kilala na ito ngayon sa ilang parte ng Asya bilang newest design ng MPM na isa sa pinakamahal na bag sa buong mundo. Bukod doon ay ito rin ang unang beses na nag-launch ang kumpanya ng tote bag na exclusive lang para sa mga teenager. Ang MPM Bag ay isa sa pinakamalaking subsidiary companies ng Monreal Group of Company na pag-aari mismo ng sarili nilang pamilya. It is famous because every bags are carefully designed of art. Bukod sa yari ito sa premium materials katulad ng alligator skin, dumaan din sa matinding proseso bago inilabas sa market. Kahit ang kanilang mga empleyado na gumagawa nito ay mga graduate mula sa sikat na eskuwelahan sa Asya na nag-i-specialize sa paggawa ng luxurious leathers. Napahinto sa pagbabasa ng files si Liam nang tumunog ang intercom sa opisina niya. "Hi, Sir Liam. Kuok Communications is already here for the eleven AM meeting with MPM," anang boses ng kaniyang executive secretary na si Lindsay. At ang tinutukoy nito ay ang Singapore-based advertising company na una sa listahan ng kumpanya para sa content presentation ng Cassidy. Napatingin si Liam sa suot na Louis Moinet wristwatch. May one hour pa para magsimula ang meeting. "I'm glad that they come early. But introduce them first with Eula, please." Ang distribution manager ng MPM ang sinasabi niya. "Thank you, Lindsay." Pagkatapos magpaalam ng sekretarya ay binalikan na ni Liam ang pagbabasa ng files. Bilang Chief Executive Officer o CEO ng MPM ay kailangan niyang siguruhin na maayos ang paglulunsad ng bago nilang produkto. Ayaw niyang masira ang pinakaunang negosyo ng kanilang mga magulang bilang mag-asawa. ********** MAY thirty minutes pa bago magsimula ang meeting nang mabasa ni Liam sa i********: ang katatapos lang na fashion show ng isang sikat na clothing line sa Paris. Successful ang event at isang tao ang kaagad na naisip niya para batiin. "Hello, hon, congratulations!" masayang bati ni Liam sa girlfriend na si Roxie nang tawagan niya ito. "I watched your show. You looked charming and beautiful with your performance. Ang galing mo talaga. I am always proud of you." "Thank you, Liam. And I know that I did a great job today," pagmamalaki ni Roxie mula sa kabilang linya. "Ako nga ang pinakamagaling sa aming lahat kanina, eh. Hindi lang mga Filipino ang proud na proud sa'kin. Pati mga foreign audience ay sa'kin din pumapalakpak. They're so proud of me." Napangiti si Liam sa kasiyahan na naramdaman niya sa boses ng kasintahan. "Walang duda, hon. Dahil ikaw ang pinakamagaling at pinakamaganda sa lahat." Lalo itong nasiyahan sa narinig. "I know, Liam. Anyway, why have you called me again today? Para saan pa ang cool off natin kung mayamaya mo naman ako tinatawagan?" Kumirot ang puso ni Liam nang marinig ang sinabi ni Roxie. One year na ang relasyon nila noon nang alukin niya ito ng kasal. Ngunit tinanggihan nito at nakipag-cool pa off para ituloy ang pangarap na maging isang sikat na runway model sa Paris. That was a year ago. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon matanggap ng binata. He loves her so much. At hindi niya kaya na hindi ito makita o marinig man lang ang boses. Pero dahil gusto ni Roxie na mag-focus muna sa career kaya pumayag si Liam na walang video calls for two years. Bawal din silang magkita. Puwede silang magtawagan pero hindi palagi. Pumayag si Liam sa ganoong setup ni Roxie dahil nag-promise ito na after two years ay babalik ito sa kaniya at saka sila magpapakasal, at dahil mahal na mahal niya ito. Bagaman at may pagkakataon na napapatanong siya sa sarili kung maituturing pa ba niya itong girlfriend dahil sa arrangement nila. "I'm sorry, hon. Hindi ko lang kasi matiis na hindi ka batiin, eh," malambing na katuwiran ni Liam. "Alam mo naman na ako ang unang natutuwa sa bawat achievement mo. And of course, I miss you. I just wanna hear even your voice." Narinig ni Liam ang pagbuntong-hininga ni Roxie mula sa kabilang linya. "I'm sorry, too. I didn't mean to be rude, okay? Pagod lang ako. And I know na naiintindihan mo ako, Liam. Alam mo kung gaano kaimportante sa'kin ang pangarap kong ito. At nandito na ako, abot-kamay ko na. Kaya nga gusto kong mag-focus muna sa career ko, eh." "I know, honey. Kaya nga pumayag ako sa ganitong arrangement, 'di ba?" Mas pinalambing pa niya ang boses. "Ngayon pa ba kita pipigilan kung kailan isang taon na lang ay babalik ka na dito sa Pilipinas? Ngayon pa lang, inuumpisahan ko na ang wedding preparation--" Naputol ang pagsasalita ni Liam nang biglang nawala sa kabilang linya si Roxie. "Hi, Liam," mayamaya ay wika nito nang makabalik sa linya. "I'm sorry but I must go. May picture-taking pa kasi kami, eh." Nalulungkot na napatingin si Liam sa relo niya. Hindi man lang umabot ng fifteen minutes ang pag-uusap nila ng nobya. Laging ganoon. Pero dahil mahal niya ito kaya pinipilit niyang intindihin. "Okay, hon. May meeting din ako after this. Mag-ingat ka riyan palagi. I miss you and always remember that I love you so much." "Bye, Liam! I love you," simpleng tugon ni Roxie bago tuluyang pinatay ang cellphone. Kahit ang "I love you" nito ay walang kaemo-emosyon. Sa halip na magdamdam ay humugot na lang nang malalim na hininga si Liam at inintindi pa ang kasintahan. Dahil may natitira pang oras bago magsimula ang meeting kaya nag-scroll muna sa kaniyang Instaglam account si Liam. Lagi siyang nakatambay doon dahil sa pamamagitan niyon ay nasusubaybayan niya ang career ni Roxie at nasusuportahan niya kahit magkalayo man sila. Kahit sa ibang social media account ay suportado rin niya ang nobya. Lagi siyang naka-like sa mga post nito. Mayamaya ay natigilan si Liam nang may nag-popped up na notification sa kaniyang Instaglam account. Maria Teresa Palomar started following you. Unti-unting sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang mga labi nang mabasa iyon. Akala niya kasi ay nakalimutan na siya nito. Ngunit kaagad ding nabura ang ngiting iyon nang maalala ang dahilan kung bakit naputol ang communication nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD