HINDI pa man sila tumatagal sa Ortigas, kung nasaan ang condominium unit ni Liam, ay may nag-doorbell na. At dahil nasa banyo ang binata kaya si Tere na ang nagbukas ng pinto. Pagbukas niya ay sumalubong kay Tere ang tatlong naguguwapuhang lalaki na sa tantiya niya ay pare-parehong six-footer. At lahat sila ay namumukhaan niya. "Hi! Ikaw ba si Tere?" nakangiting tanong sa kaniya ng isa na siyang pinakamaputi sa lahat. "By the way, I'm Lorenzo. Isa sa mga Defenders ng Real PH." Ang sinasabi nito ay ang football team na kinabibilangan ni Liam. Hindi pa man kinukumpirma ng dalagita na siya nga si Tere ay nagpakilala na rin ang dalawa. Nag-unahan pa ang mga ito. Humahanga na ngumiti sa kaniya ang isa pa. Blonde and buhok nito at kulay-asul ang mga mata. "Hi, Tere. I'm Damon and I am so ple