Forever Hating the Sunset

3753 Words
Dollar's POV I climbed out of the service vehicle of the island resort which transported the guests to the hotel. At sobra akong humanga sa entrance pa lang ng hotel nang tuluyan akong makababa.. At isa lang ang unang pumasok sa isip ko... Paanong nauwi sa isang exclusive island resort ang kwentuhang lasing nila Zilv, Moi at Rion? Why, the island is a paradise! A luxurious paradise is a more apt description. Maganda na ang aerial view ng La Felinovine island resort nang nasa cessna pa lang kami pero mas lalo na kapag nandito na mismo. Parang kahit hapon na ay hindi pa din mauubusan ng sorpresa ang isla at buhay na buhay pa din. I can't wait to see the lively lights of the hotel and the park in the middle of the island amidst the calmness of the sea surrounding it. It was just not curiosity and Moi's insane news that brought me here. Unang kita ko pa lang kasi nang ma-feature ang La Felinovine sa isang international magazine ay ginusto ko na agad mapuntahan ito. I am so much curious about it lalo na ang 15 storey high hotel building na nakatayo sa gitna ng isla at idagdag pa ang mga facilities and amenities na meron dito. At bakit hindi ko pupuntahan ang isla na pag-aari ng tatlo lalo na at sina-suggest ko pa lang kay Moi na dalhin ako dito ay pinanukala na agad niya na banned ako dito? Dollar Mariella Viscos is banned here! Yeah, the nerve! Hindi ko alam kung saan nanggaling at paano nangyari. Kaya ginawa ko lahat ng paraan para makatuntong dito kahit pa nga napakahigpit ng screening ng mga guests at hindi biro ang presyo sa ganito kagandang exclusive island resort. To think na VP for Operations dito si Moi at dalawa silang kaibigan ko ni Zilv na may-ari nitong isla. And that leave me thinking that may be Rion is the one who insisted of blacklisting me here. Kung bakit, ayoko ng malaman. Gusto ko lang namang mag-relax muna malayo sa trabaho ko. At syempre gusto kong mabaliw ang baliw kong employer, si Shamari, kapag nalaman niyang umalis ako nang walang paalam at hindi sumipot sa launching ng Astra sa Philippine market. "So where is my Moises!?" excited na tanong ni Yella sa tabi ko at nagpalinga-linga sa paligid sa paraang hindi bagay sa kagandahan niya. I rolled my eyes. Last minute na nang maisipan ko siyang isama dahil wala akong choice. Feeling ko mas madaling magpa-reserve kapag may kasama kesa sa ilang attempt ko na magpareserve dati nang solo na mga na-deny dahil nalaman agad ang identity ko, kung bakit naman kasi naka-ban ako dito. Isa pa, gusto kong testing-in kung totoo nga si Moi sa dineklara niyang balita. So I brought Yella, Moi's supermodel girlfriend for 4 long months, with me. Siya ang pinakamatagal niyang girlfriend. Kahit alam namin ni Yella na hindi namin gusto ang company ng bawat isa, luckily natagalan naman namin ang ilang oras na biyahe papunta dito sa La Felinovine. "Why don't you check our room first? Sure ako nasa penthouse si Moi, dun ka na lang din dumiretso after." suggest ko sa kanya at hindi ko naman kailangang ulitin ang sinabi ko kahit konting Tagalog lang ang naiintindihan niya dahil pumasok na siya sa lobby ng hotel at hindi man lang ako niyaya. Nilingon ko ulit ang magandang paligid nang ilang minuto nang mapansin ko ang kakaibang kinikilos ng mga unipormadong security personnel. Iba ang titig nila sa akin, parang kahit anong oras ay kukwestyunin ang presensya ko dito... Hmp! Subukan nila. Papasok na din sana 'ko sa lobby pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay humarang na agad si Moi na mula sa gilid ng hotel. He seems not in a welcoming mood, nakasimangot. Pero kulang sa pagiging desidido na hindi ako i-welcome ang ekspresyon ng mukha. Kumikibot-kibot ang mga labi na parang pinag-iisipan kung ano ang sasabihin sa akin pero c-in-areer ang pagsasalubong ng mga kilay. "Hello, Moi!" Lumapit ako sa kanya at nag-tip toe para mayakap siya sa leeg. Buti na lang at naunang umakyat si Yella at nasolo ko ngayon ang kaibigan ko. I've missed him, really. Dalawang taon ko din siyang hindi nakita at ang huli pang pagkikita namin ay tinatakwil niya ang pagkakaibigan namin na nagsimula pa since kindergarten. Sa telepono ko lang siya nakakausap, kahit galit siya alam ko namang hindi niya matitiis na hindi sagutin ang tawag ko lalo na at akala niya ay emergency lage ang dahilan. Nagpursige lang talaga ako ngayong makita siya nang mabasa ko sa society page na binanggit niya sa isang mediawoman na magpapakasal siya ngayong taon! Ambush interview iyon at halatang palihim na kinunan ang nakangiting mukha ni Moi na nakatungo sa babaeng nagtanong. Pero kahit pabiro ang tono niya sa oras na iyon ay sigurado ako na hindi siya nagbibiro! Dahil hindi kahit kelan gagawing biro ni Moi ang pagpapakasal lalo na at allergy siya doon, unless seryoso siya! Gumanti naman siya ng yakap at tinapik tapik nang mahina ang likod ko. "Eh kung batukan kaya kita, Dolyar?" "You would not do that to a lady like me, Moi." Kumalas ako sa pagkakayap at ginala ang paningin ko sa buong lobby ng hotel. Parang contradicting na itinayo ang hotel sa isang mapunong isla. Why, the hotel could compete to the hotels in the states! Pero iyon nga ang kaibahan ng La Felinovine, a luxury in the middle of nature. At pinapatunayan iyon ng malaki at matandang puno ng caballero na nasa pinakagitna ng hotel. Napakalaki ng puno at napakaganda kaya naisip siguro ng mga may-ari na huwag ng tanggalin iyon at iayon na lang ang disenyo ng hotel. Matatanaw ang puno sa lahat ng palapag dahil napapaikutan ito ng mga barandilya. Sinadya din na huwag alisan ng lilim ang puno kaya ang tapat nito ay direktang nasisikatan ng araw o nauulanan, a cylindrical hole in the middle of the whole building sheltering the big tree. At matingkad ang kulay red orange na mga bulaklak na parang nagliliyab, lalo na at panahon nito. I can imagine the breath-taking view when it's raining at ang puno lang ang nauulanan sa gitna ng hotel... "I-tour mo ko ha?" I said animatedly at humakbang papasok. "Hep!" Kumunot ang noo ni Moi at inakbayan ako sa balikat para pigilan kaya pinandilatan ko siya. "Hindi ka pwedeng pumasok, baka tumunog ang fire alarm. You know you are not welcome here." He really tried to sound mad. But I knew better. Kahit may kasalanan ako sa kanya ay hindi niya pa rin magagawang magalit sa akin nang sobra. Hindi lang dahil sa pagkakaibigan namin. Simply, because Moi is Moi. Kung gaano kaamo ang mukha ay ganon din kalambot ang puso niya, particularly to female species. "Just one day, Moi. Gusto ko lang magbakasyon. I'm a paying guest." Alam ko namang ban ako dito sa isla pero umasa ako na papayagan din nila ako dito kung nandito na 'ko. They can't throw me away, can they? "Hindi ko pwedeng baliin ang napagkasunduan naming tatlo, Dollar. Hindi pa man nailalagay ang unang hollow blocks na pundasyon ng hotel ay ang pagblack-list sa'yo ang una naming pinanukala. Hindi mo ba alam na hiniwa pa namin ang mga pulso namin at piniga ang dugo at ininom namin ng sabay-sabay at sumumpa na hindi ka papasukin dito?" "Tsss. OA mo. Pero nandito na 'ko ngayon di ba? I will call Zilv." I pouted and fished my cellphone in my bag. May pagka-OA talaga siya minsan. Pero sigurado ako na katumbas din ng sinabi niya ang ibig sabihin ng galit nila sa pambablack list sakin dito. "Why, is Zilv talking to you now?" 'Yon ang masama. Hindi ko alam kung galit sa akin si Zilv dahil ilang taon na din niya 'kong hindi kino-contact. Hindi ko din malaman ang number niya kaya hindi ko siya matawagan. It was okay for me dahil hindi ko kakayanin kung ipapakita o ipaparamdam ni Zilv ang galit niya sa akin personally. Pero ang hindi niya pag-contact sakin ay patunay na din na galit siya, right? Damn. I should've not came here in the first place. "Kapag si Rion ang tinawagan mo at pumayag siya then I will welcome you here." At ngumisi si Moi. Yeah... ngisi na nakakaloko dahil alam niyang wala akong balak gawin iyon. And how I hate Rion more... Bakit pinirata niya pati ang mga kaibigan ko? At ang pamimirata niyang 'yon ang dahilan din kung bakit nagalit ang dalawa sakin. "Okay... wag na nga lang." malungkot kong sabi tanda ng pagsuko. "Pero hindi mo naman siguro ako pababalikin agad sa Manila di ba? Hindi ako magi-stay sa hotel pero hayaan mo muna 'ko dito sa isla." Nilingon ko ang mga security personnel na kanina pang sumusubaybay sakin. "Hmn... at saan ka matutulog, aber?" "Kahit saan siguro." I shrugged at tinungo ang pink kong luggage. "Kinokonsensya mo ba 'ko?" "No. Don't mind me. Ayoko pa lang talagang bumalik sa Manila." I tried to smile and started walking away. Then I heard him cursed. Mayamaya lang ay kasabay ko na siya sa paglalakad ko. "Rion has a private villa in the middle of the forest. You can stay there or you can burn it. Whatever you want to do. Iyon ay kung mahahanap mo." I grinned. Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya na wala akong balak hanapin ang bahay ni Rion, sure ako na kung may bahay dito si Rion, may bahay din silang dalawa ni Zilv dito. And that's for me to find out where. "But Dollar..." He paused at seryosong humarap sakin. "Hindi pa tayo bati." At nilagpasan niya 'ko at naglakad palayo sa hotel. But I caught a small smile on his lips before turning away. Kahit pa nga nakakunot-noo pa din para ipakitang galit sa'kin. "I love you, Moi!" Pahabol kong sigaw sa kanya. Naglakad ako palayo sa hotel at nilingon ang buong paligid. Surely, kahit ipagtanong ko sa mga staff dito ang bahay ng mga boss nila, hindi rin nila alam 'yon o kung alam man, hindi nila sasabihin kung saan iyon. At kung sinabi ni Moi na private iyon ibig sabihin din iyon ng kahulugan niyon. And knowing those men and their privacy.... hindi ako magugulat kung located ang bahay nila sa isa sa mga kweba sa gubat... ************** Hinila ko paakyat sa tatlong steps na hagdan ng bahay ni Moi ang pink luggage ko at huminga nang malalim. Nakakapagod ding maghanap ng bahay na wala sa mapa ng kagubatan ng isla. Halatang ayaw magpaistorbo ng may-ari ng bahay kaya itinayo talaga sa parte ng gubat na hindi madaling puntahan. Nang tumapat ako sa pinto ay pinag-iisipan ko kung kakatok pa ako kahit mukha namang walang tao. Malamang hindi pa umuuwi si Moi at wala ring kasambahay dito. Wish ko lang na tama ang tinurong bahay ng informant ko, mamaya bahay pala to ni... Nagkibit-balikat ako at pinihit ang doorknob. Bukas! Tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay. Walang duda, bahay ito ni Moi, nasa ere ang amoy ng lavender at iyon ang paboritong amoy ni Moi. Simple lang ang bahay at halatang tamad na lalake ang nakatira base sa kalinisang nakikita ko. Yes, tamad si Moi pero nag-a-attempt naman siyang maglinis minsan, disaster nga lang ang nangyayari kaya sigurado ako na kaya napakalinis ng bahay ngayon ay may regular na pumupunta dito para maglinis. Nilagpak ko ang sarili ko sa malambot na sofa at tinaas ko pa ang paa ko suot pa din ang boots ko. Kung hindi ako pinatuloy ni Moi sa hotel mas lalo na siguro akong hindi welcome sa bahay niya pag nalaman niyang nandito ako, pero saka ko na lang iisipin kung paano ako magpapatiwakal kapag pinalayas ako dito ng bestfriend ko sa kalagitnaan ng gabi mamaya. Napapapikit na 'ko ng konti dahil sa kaway ng antok at pagod nang may marinig akong kumakakatok. Kumakatok? Syempre hindi kakatok si Moi sa sariling bahay niya. Sino kaya? Patamad akong bumangon at lumapit at binuksan ang pinto. Staff ng hotel.. base sa logo ng polo shirt ng babae. "Yes?" friendly kong tanong. Hindi agad nakapagsalita ang babae at nakatitig lang sa mukha ko. Iniisip ko tuloy kung nakapag-produce agad ako ng muta sa konting idlip na ginawa ko. "Itatanong ko lang kung nandito si M-Moi?" nahihiyang tanong ng babae at tumingin sa sahig. "Uhm, wala eh." "Alam mo ba kung nasaan siya?"may urgency sa tono ng babae. Anong kailangan niya kay Moi? Baka naman hindi nagpapasahod ng tama si Moi kaya hinahanap ng mga staff, pinupuntahan pa sa bahay. Sabagay a-kinse ngayon. "Hindi eh, baka nasa babae niya." nagkibit-balikat ako at kung nagulat man at natigilan ang babae ay wala akong lakas na itanong kung bakit dahil inaantok ako. Hindi birong pagtiisan ang presensya ni Yella sa buong byahe. Tiningnan lang ako ng babae na parang naguguluhan at saka umalis na. Sinarado ko lang ang pinto at nag-dive ako sa sofa... ************** Nagising ako ng mga bandang alas-kwatro na ng hapon dahil sa gutom. Pero dahil wala man lang akong makita kahit lata ng pork and beans sa cupboard ni Moi ay nagpasya akong bumalik sa hotel at kumain sa isa sa mga restaurant doon. Nanligo lang ako at nagpalit ng damit at ngayon nga, pagkatapos kong suungin ang paglabas sa kagubatan ay naglalakad na 'ko papalapit sa hotel. Siguro naman hindi na ako mainit sa mata ng mga security personnel na naalarma kanina nang malamang nakapasok sa isla ang isa sa mga blacklisted dito. Hila-hila ko pa din ang pink kong luggage. Mahirap na, baka dumating ang time na kailangan ko agad umalis. Isa pa, wala akong permanent na tutuluyan dito. In-admire ko na ulit ang kagandahan ng puno ng caballero sa lobby ng hotel habang naglalakad nang may mabangga ako. "Sorry!" nilingon ko ang babae at nilingon niya din ako. "Sorry din." at nagmamadali siyang naglakad palayo. I frowned. Iyon ang babae kanina sa bahay ni Moi. Bakit madalas ko siyang makita? Hindi kaya may kaugnayan siya sa buhay ko? Chos.. Sunod ko namang nakita si Moi na makakasalubong ko at kahit nakita niya 'ko ay nilagpasan ako at dumiretso palabas ng hotel. Hindi ko na sana siya iintindihin dahil nagugutom na 'ko pero nang nilingon ko siya ay ibang Moi ang nakita kong nakatayo at nakatanaw sa malayo. Moi as a picture of a broken man! It can't be. "Anong nangyari?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Hila-hila ko pa din ang pink na luggage. His arms on his hips and he is breathing heavily, halatang hindi malaman ang iisipin at parang hindi alam kung saan susuling. Masamang tingin ang binibigay niya sa 'kin kapag humaharang ako sa pagparoot parito niya. "Damn it!"mura niya sa hangin nang parang may ma-realize. Parang gusto kong magtago sa luggage ko dahil bibihira ko lang siyang makitang nagalit. "Why is Yella here, Dollar?" Napamulagat ako. Bakit parang papunta sa 'kin to lahat? "What? It's a hotel and anyone can come unless, oh my! Blacklisted din ba siya dito katulad ko? Ha?!" "Yeah, I wish. Pero isang pangalan lang ang naka-blacklist dito." Uh-oh, he doesn't mean that. Ang sakit isipin na ako lang ang hindi welcome dito. "Hindi siya basta-basta pupunta dito Dollar kung hindi may nagpilit sa kanya." I rolled my eyes. "Okay, umaamin na 'ko, sinama ko siya dito." "What?! Why?" halatang hindi niya nagustuhan. Namumula na ang tenga ni Moi. Damn, bakit parang papunta sa 'kin ang galit niya, masama ito lalo na at pahapon na, wala akong matutuluyan, and add the fact that I'm not welcome here. "Da-dahil... girlfriend mo siya di ba!?" Yun ang alam ko. "Ex!" he corrected. "Hindi ko alam iyon. Atsaka kasi... sabi mo kasi sa press magpapakasal ka na! I thought it's Yella." "Seriously?! Hindi mo siya dadalhin dito dahil siya ang iniisip mong papakasalan ko. Baka nga kabaligtaran pa ang gawin mo dahil hindi ka boto sa kanya." Totoo naman iyon, dahil kung si Yella, the supermodel ang binalak ni Moi, sisiguraduhin kong sa Bermuda triangle ang destinasyon ng babae. Why, she is so more maldita than me! "Okay, I admit, gusto ko lang naman kasing patunayan na mahal mo nga iyong babaeng pakakasalan mo at hindi ka lang nabo-bore dahil nasa isang isla ka, and I thought of some distraction... Hehe..." guilty kong pag-amin. "Distraction?! From what? Liberated women? Meron din noon dito! Even some Hollywood stars visited here! Alam mo bang nakita kami sa isang hindi magandang tagpo ng babaeng balak kong pakasalan?!" "Really?!" Napanganga ako, naintriga. Pero bigla akong bumawi. "But Yella and I didn't have like some plan or script, may kalandian lang talaga siya." "Alam mo naman pala!" Napatungo ako, guilty-ng guilty sa ginawa ko. Sure ako na iyong babaeng nakasalubong ko ang special someone sa puso ni Moi. Naisip ko tuloy iyong sinabi ko kanina sa cabin ni Moi. "Hindi eh, baka nasa babae niya." Lalo sigurong nabaliw iyong babae sa pagseselos. "You have some explaining to do to Gracy." si Moi at lumapit sa sasakyan na nasa tabi. "Who's Gracy?" habol ko sa kanya sa sasakyan, hila-hila ang luggage ko. Kinuha niya ang dala ko at tinulak ako papasok sa Ford Ranger. "Teka hindi tayo pwedeng umalis!" "Bakit?"pandidilat ni Moi. "Nagugutom ako!" "That can wait. Pasok!" "Naman!"Nagdadabog akong pumasok. Naisip ko tuloy si Zilv, dahil kung siya ang nasa sitwasyon ni Moi, sure ako uunahin niya na makakain ako kesa sa love life niya. Iyon ay kung may seseryosohin siya. "Who's Gracy?"ulit ko sa tanong ko nang makaupo din siya. "The most important girl in my life." "Ouch, so it's not the bestfriend anymore?" I pouted at humalukipkip. "Well, eleven years ka ng wala sa first place." sagot ni Moi habang ini-start ang sasakyan. I gasped. So matagal niya ng nakilala ang Gracy na ito. I made a quick calculation. Mga college days pa lang namin iyon! Bakit hindi ko alam! O masyado lang akong absorbed sa sarili kong dalamhati nang mga panahong iyon? "Magkwento ka!" "Shhhh! Nagco-concentrate ako. Kapag hindi kami nagka-ayos ni Gracy hindi na tayo bati forever." "Ang sama mo!" "Baka nakakalimutan mo galit pa kami ni Zilv sa iyo." Inirapan ko lang siya at tumahimik na kasama ang nagugutom kong tyan. ************** And they kissed passionately. Wow, parang sila lang ang tao sa mundo. Sabagay, kaming tatlo lang naman ang tao sa parteng ito ng isla. Minus me, dahil parang kinalimutan na nila ang presensya ko. Masaya 'ko para kay Moi at Gracy dahil alam kong masaya din sila kasama ang isa't isa kahit pagkatapos ng ilang oras na drama. Nagsimula na 'kong maglakad palayo sa dalampasigan nang di nagpapaalam sa kanila. Mag-a-alas-seis na, baka abutan pa 'ko ng sunset. Napatingala ako sa dumaang chopper sa ibabaw ko na nagpauga sa mga puno. Huling batch siguro ng mga guests para sa araw na 'to. By air lang kasi ang means of transpo para nakarating sa La Felinovine ang mga guests. Tinunton ko na ang malawak na hagdanang bato na nagdudugtong mula sa beach at landing na papunta sa hotel. Napapalibutan ang batong hagdan ng malawak na kagubatan sa paligid. At nang nasa tuktok na 'ko ay nilingon ko ulit ang kaninang asul na asul na dagat na ngayon ay nag-aagawan ang kulay crimson at orange dahil sa repleksyon ng papalubog na araw. How I hate the sunset... Naalala ko pa na lage kong inaabangan dati ang sunset at habit ko noon na pumikit habang nagwi-wish sa sunset. Pero hindi ko maalala kung may natupad man lang ba lahat ng hiling kong iyon. Wala yata. Pero may isang alaala ng papalubog na panghapong araw ang akala ko ay lumabo na sa isip ko. A memory of a silhouetted face of a man in front of me when I opened my eyes after making a wish. Sa bleacher... sa likod ng university... He even made a vow to me on a sunset... At iyon siguro ang naging dahilan kung bakit hate ko na ang sunset. Dahil sa lalakeng iyon... Dahil simula ng iwan niya 'ko, hindi mabilang na sunset ang inabangan ko at humiling habang nakapikit na umiiyak at hinintay na lumitaw siya sa harap ko. Kahit pumalit na ang buwan ay nakatayo pa din ako at umaasang lilitaw siya sa harap ko. But those times were over. Mga ilang taon ko na ding tinigilan... Pero ngayon gagawin ko ulit. Hindi para hilingin na makita siya, kundi kabaligtaran niyon. Dahil sa tagal ng pitong taon na magkahiwalay kami, wala ng natirang pag-asa sa 'kin na madudugtungan pa ang kung anumang nangyari noong college days namin. I don't want to know what I'm still feeling for him now, ang alam ko lang, galit ako. I have all the right to be mad, haven't I? Galit ako sa kanya. Sa lalakeng mas pinili akong iwan at kalimutan at hindi man lang nagtira ng konting pag-asa sa 'kin na babalikan niya 'ko. Na kahit nabalitaan kong nagpabalik-balik na siya dito sa Pilipinas ay hindi man lang nagpakita sa 'kin kahit anino. So I guess, wala na talaga ako sa kanya. It was as if we didn't share good memories together. Or as if I didn't exist at all. Mabuti na nga lang at hindi ako bumalik sa katangahang paghabol-habol sa kanya kahit ilang kilometro lang ang layo namin lalo na kapag nababalitaan kong umuuwi siya sa Flaviejo. I think I've matured. O mas nangingibabaw lang talaga ang galit. Pero kahit anupaman, gusto ko ng matapos 'to. Kaya mas maganda pang hindi ko na nga lang siya makita kahit kelan... Kung hindi ako mapagbigyan ng sunset dati noong hinihiling ko pa na makita siya, well ngayon ire-reverse ko ang wish ko, siguro naman mas madaling mangyari iyon. Humarap ako sa sunset at pumikit. Huminga ako nang malalim at naghintay pa ng ilang segundo bago ko inusal sa isip ko ang hiling ko... Sana hindi ko na makita kahit kelan si Rion Flaviejo. Kahit kelan... Nagmulat ako ng mata at pinakiramdaman ang paligid. Hindi naman ako umaasang magkakaroon ng dramatic effects ang kalikasan sa hiling kong 'yon katulad ng pagkidlat o anupaman. Normal pa din ang ihip ng hangin katulad kanina at tuluyan ng lumubog ang araw. Okay, I made it. Huwag ko na nga sana siyang makita. Pagbigyan man lang sana 'ko ng sunset sa huling wish ko na 'to. Napahinga ulit ako nang malalim at pumihit na pabalik sa hotel. But I stopped in my tracks when I saw who's standing few feet away from me. No... The sunset failed me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD