Forever Hating the Sunrise

1662 Words
Dollar's POV "Just because your life is a mess doesn't give you the right to mess everybody's lives too." Hindi pa din ako makahuma sa katotohanan na nasa harap ko si Rion... After seven years... Paano? At bakit siya nandito? Pero ako na din ang sumagot sa isip ko, isa siya sa may-ari ng isla kaya may posibilidad na pumunta sya dito. Siya siguro ang sakay ng chopper kanina. Pero tiniyak ko na nasa malayong lugar siya bago ako pumunta dito. At isa pang nakakagulat... kinakausap niya 'ko. Naninigas man ang leeg ko pero pinilit ko pa ding lumingon sa likod ko para tiyakin na ako nga ang kinakausap niya. Wala namang ibang tao, so ako nga. And what does he mean by what he just said? My life is a mess and I'm messing everybody's lives? Well, hindi niya alam ang sinasabi niya. He didn't have a single idea how messy my life was because of him. O kung alam man niya, ni hindi siya nagpakita ng pakialam sa huling pitong taon. At ngayon sasabihan niya 'ko na nanggugulo ng buhay ng iba? Anong ginawa ko sa kanya para sabihan niya 'ko ng ganon? Hindi ba dapat ako ang unang nagpakita ng galit dahil ako ang iniwan niya? Pinigilan ko ang sarili ko na lumapit sa kanya, pero matinding pagpipigil ang ginagawa ko para lang hindi maging pisikal at suntukin siya. I won't let him make me lose my temper. I've matured. Hindi na ako ang dating Dollar na humahabol sa kanya. "I'm not messing with anyone, Rion. Pumunta ako dito para suportahan si Moi, dahil wala akong balak kalimutan at iwan ang kaibigan ko kahit alam kong hindi ako welcome dito." I'm so proud of myself that I didn't buckle. Kung ano man ang interpretasyon niya sa mga sinabi ko, bahala na siya. I am looking straight into his eyes. Parang wala pa ring nagbago sa kanya pero alam kong meron. Mas obvious physically, because this is now a more serious and a lot sexier Rion. No, hindi ko dapat dine-describe ang lalakeng 'to. "You should've not come here..." he said without breaking eye contact. Alam ko naman iyon at naisip ko na din. Kung alam ko lang na malaki ang possibility na makikita ko siya dito, ako talaga ang unang iiwas. Pero hindi ko hahayaan ngayon na madurog ang puso ko sa sinabi niya. So that's clear now, ayaw niya 'kong makita. Sinabi niya mismo. Hindi ko na din aalamin kung bakit parang sa mga sinasabi niya at pinapakita ay ako pa ang may malaking kasalanan sa kanya. Siya ang nang-iwan di ba?! I should've not come here daw, fudge! Kaya ba siya napapunta dito dahil nabalitaan niyang nandito ako? At gusto niyang personal na siya ang magpaalis sa akin dito? "Huwag kang mag-alala, hindi din ako natutuwa na nandito ako." I gave him a dagger look and walked past him. Yes, wala akong balak makipagpalitan sa kanya ng salita, wala akong balak na sumbatan pa siya. Wala akong balak na gawing isang malaking pangyayari ang pagkikita namin ngayon.  At aalis na 'ko sa harapan niya para kahit sa paglalakad man lang, masabi ko na ako naman ang nang-iwan. Hinding-hindi niya malalaman na gandang-ganda ako sa isla na pag-aari niya. Na matagal ko na talagang gustong puntahan ito. Kung ganito ang gusto niyang simula ng pagkikita namin, eh di sige. Hindi ako magdadalawang isip na iparamdam sa kanya na galit ako. Ah, oo nga pala dapat mas maging literal ako sa nararamdaman ko dahil literal na tao din si Rion. Pumihit ako paharap ulit sa kanya. Pero nakatalikod na siya. Dinadala ng mabining hangin ang buhok niya at ang suot niyang white na long sleeve polo. Nakapamulsa siya at nakatanaw sa dagat. "Rion!" I called. He c****d his head in my direction and slowly meet my eyes. "I just want you to know... that I hate you." I seriously said to him. But he only twitched the corner of his mouth. Hindi ko tatanggapin na lungkot ang nababasa ko sa mga mata niya. Kaya naglakad na 'ko palayo bago pa tuluyang dumilim at lumamig ang paligid. *************** Nasa gilid ako ng hotel, nalipasan na ng gutom, dahil hanggang ngayon hindi ko pa din mapagdesisyunan kung saan sa limang restaurant ng isla ako kakain, o baka naman hindi na lang talaga ako nagugutom dahil sa nakakainis na katotohanan na nasa isang lugar lang kami ni Rion? Nakaupo ako sa luggage ko at nakahalukipkip nang madaananan ako ni Moi na hindi tinatago ang sobrang saya sa mukha. "Gusto ko ng umuwi, Moi." nakasimangot kong sabi sa kanya, hindi ko mapilit ang sarili kong humawa sa kasiyahan niya. "Ginusto mong pumunta dito di ba? Bakit uuwi ka na?" Inirapan ko lang siya at kinibot-kibot ang labi ko. Siguro naman papayag na syang magcheck-in ako sa hotel, masaya ang mood niya eh. "Papapasukin mo na ba 'ko sa hotel?" Hopeful kong tanong. "Sus, hindi problema iyan, dumating si boss Rion di ba?" nakakaloko ang ngisi niya, sarap sapakin. "Basta hahanap ako ng paraan para makauwi!" Padabog akong tumayo. "Hep! Hindi ka pwedeng umalis agad, ikakasal pa 'ko bukas." "Bukas?!" Agad! "Yup, ayoko ng patagalin, at kayo ni Rion ang witness." Napamata ako sa kanya. Hindi na dapat ako nagulat kung gusto mang ikasal ni Moi agad-agad, ganoon talaga siya pag gustong-gustong gawin ang isang bagay, hindi nagpapatumpik-tumpik. Pero... ibig sabihin niyon, makikita ko pa si Rion hanggang bukas, I will have to endure his presence for hours tomorrow. Lintek na wish iyan, sabi ko ayoko ng makita pero hindi lang lumitaw sa harap ko, sinisiksik pa sa 'kin ngayon. Naging seryoso ang mukha ni Moi. Namulsa at nakakaunawang tumingin sa akin. "I know you two still have issues, pero mga kaibigan ko kayo kaya gusto kong kayo din ang makasama ko sa importanteng araw ko bukas, pero kung ayaw mong um-attend dahil nandon din si Rion, maiintindihan ko naman." "Eh kung si Rion na lang kaya ang hindi um-attend?" Ang kapal ng mukha ko samantalang teritoryo niya to. "Pwede mo namang i-suggest iyan sa kanya." At bumalik ang ngisi ni Moi. Hmp! Inirapan ko lang siya at hindi na pinatulan iyon. "Kung kailangan ko pang mag-stay ibig sabihin papatulugin mo 'ko sa bahay mo?" "Syempre... hindi." "Ang sama mo!" "Ikakasal na 'ko bukas, last na gabi na ,'tong pagiging binata ko kaya gusto kong ma-feel maging binata." "Eh saan matutulog si Gracy?" "Syempre sa bahay ko din, kaya OP ka don, may gagawin kaming maganda dahil huling gabi na namin bilang mag-nobyo." Ngisi. Kung sana lang kaya kong pumuslit papunta sa room na kinuha namin ni Yella para may matulugan ako. Pero magawa ko man iyon, sigurado ako na hindi man lang ako papasukin ni Yella dahil sa ginawa kong pagkompronta sa kanya kanina. Lalo na kapag nalaman niya na pina-book na namin siya ng special flight bukas para mailipad siya agad sa Manila. "Akala mo naman pababayaan kita?" sabi ni Moi at kinusot pa ang buhok ko. Nakangiti akong tumingala sa kanya. Sabi ko na nga ba. "May bahay din si Zilv dito at pwede ka namang kupkupin muna ng mga butiki doon." "I knew it. Di mo 'ko matitiis. Kailangan pa ba nating magpaalam kay Zilv?" "Sus, hindi na. O nandito na ang malabs ko, papahatid na lang kita doon, dyan ka na." At ganon lang ako kabilis iniwan ni Moi nang makita niyang lumabas si Gracy mula sa hotel. Kinawayan lang ako ni Gracy at nginitian at nakulong na sa sariling mundo ang dalawa habang naglalakad papunta sa sasakyan ni Moi. Ni hindi man lang ako niyaya ni Moi na personal na idaan sa bahay ni Zilv. Nakakatampo, pambihira! Hinila ko ang luggage ko papasok sa pinakamalapit na restaurant para kumaing mag-isa. ************** "Sigurado ka, dito iyon?" Tanong ko sa staff na nag-hatid sakin sa tapat ng bahay ni Zilv. "Opo, Ma'am, JR-East po ang bilin sa 'kin ni Sir Moi." Lumabas ang lalake at pinagbukas pa 'ko ng pinto ng sasakyan. JR-East? Code ba iyon ng bahay? Sabagay, Zilvestrio Macario Jr., si tatay Zilv. Kaya JR-East? Eeng... Pero bakit CB-South kay Moi? Haay, wag ko na nga isipin, mga trip talaga ng may-ari ng islang ito oh. Pinagbukas din niya 'ko ng pinto at binigay sa 'kin ang susi ng bahay at nang maipasok niya ang luggage ko ay nagpaalam na. I uttered my thanks and stepped into the house. Katulad ng kay Moi gawa din sa kahoy ang bahay pero kahit maraming beams ay maluwang at may hagdanan paakyat sa second floor. Ang sala ay may fireplace na gawa sa bricks at naiilawan ng simpleng chandelier na gawa sa itim na bakal . Humaharang sa sala at island kitchen ang bar counter na may high stool chair . At may balcony din. At pinakapaborito ko sa lahat, ang sofa. Sinilip ko lang ng konti kung anong makikita sa taas at nalaman ko na kwarto iyon pero style malaking attic/loft na nakatanaw sa sala at mababa din ang kisame at marami ding beams pero may balcony sa labas na tumatanaw sa balcony sa first floor. Katulad ng bahay ni Moi, isa lang ang kwarto. Parang wala talagang balak magkaroon ng bisita at pangkanila lang talaga ang bahay. Kaya pagkatapos kong gumamit ng banyo at magpalit ng pangtulog ay nag-dive na ulit ako sa sofa. Masyado namang pangengelam ng personal space sa bahay ni Zilv kung gagamitin ko pa ang kama niya, naghakot na lang ako ng unan at comforter at tinambak sa sofa. Wala na 'kong time para magnilay sa bitternes at galit kay Rion o kung anuman ang magiging sitwasyon ko bukas dahil sa pagod. Kailangan ko ding gumising nang maaga bukas dahil ikakasal si Moi sa dalampasigan sa bukang liwayway. On a sunrise... How I also hate sunrise... Dahil ang pang-umagang araw ang sumaksi ng pagkamatay ko nang malaman kong iniwan ako ni Rion nang umagang yon... He left me on a sunrise... I exhaled. Sleep, Dollar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD