Mano Po, Manong 2

1126 Words
Kakamot-kamot ako sa aking ulo habang tinitingnan ang manok na tumatakbo palayo sa akin. Peste! Hindi puwedeng makawala iyon. Lagot ako kay Inay oras na dumating ito rito bahay. Wala kaming ipapaulam sa bisita ni Itay. Kaya no choice ako kundi habulin ang manok na laylay na ang ulo. Ngunit 'di pa ako masyadong nakakalayo nang makita ko si Inay, dala-dala ang manok na laylay ang ulo. Alanganin tuloy akong ngumiti rito. "Bombie, bakit hinayaan mong tumakbo ang manok na pinakakatay ko sa 'yo? Paano kung 'di ko ito makita? Eh, 'di wala tayong ipapaulam sa amo ng Tatay mo!" sermon sa akin ng Inay ko nang tuluyan itong makalapit sa aking kinatatayuan. Nagkamot muna ako sa aking ilong. "Inay, hindi ko naman po akalaing tatakbuhan ako ng manok na iyan. Akala ko'y tigok na iyon pala ay humihinga pa," paliwanag ko sa aking butihing Ina. "Iyan ang napapala sa maling akala! Tingnan mo tuloy ang nangyari, ha? Kamuntik na tayong mawalan ng ulam!" muling sermon sa akin ng Nanay ko. Hindi na lamang ako umimik, lalo lang kasing hahaba ang usapan kapag sumagot ako sa Inay ko. Ang ingay-inay pa naman nito. Walang salita na kinuha ko na lamang manok na hawak-hawak nito para tapusin na ang pagkakatay rito. Nagpakulo muna ako ng mainit na tubig bago ko inilagay roon ang manok na wala ng buhay. Pagkatapos ay agad kong inalisan ng mga palahibo. Bahala na si Inay ang magluto rito. Saka walang tiwala iyon sa akin kapag ako ang magluluto ng ulam. "Bombie, tapos na ba iyan?" tanong sa akin ng Inay ko na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. "Tapos na po," sagot ko rito, sabay bigay ng manok na wala ng balahibo. Agad naman kinuha sa akin ng Nanay ko ang manok. At pagkatapos ay dinala sa kusina. Ako naman ay nagdesisyong pumunta sa poso para maligo. Lalo at pakiramdam ko'y sobrang lansa ng buong katawan ko. Mas gusto ko ritong maligo, ayaw ko kasing magbuhat ng timba na may lamang tubig para lang dalhin sa loob ng banyo. Tinatamad kaya ako. Sarap na sarap ako sa paliligo, nang marinig ko ang ugong ng sasakyan na huminto sa labas ng bahay namin. Siguro'y nandito na si Itay, kasama ang amo nito. Kaya nagmamadali na akong maligo. Baka kasi sermunan na naman ang abutin ko sa aking mabait na Ina. Hanggang sa tuluyan akong matapos sa paliligo. Nagmamadali naman akong pumasok sa loob ng bahay para sana pumunta sa aking kwarto. Ngunit nakasalubong ko naman si Inay. Nakikita ko rin sa mukha nito ang inis na naman sa akin. "Bombie! Alam mong basa ang buong katawan mo, 'di ba? Bakit basta ka na lang pumasok dito sa loob ng bahay!" palatak ng Inay ko. "Pupunasan ko na lang po Inay," balik sagot ko. Kaya ayon lalong nagalit ang Nanay ko sa akin. Hanggang sa makita kong papaluin ako ng walis tambo. Nagmamadali tuloy akong tumakbo papasok sa loob ng silid ko. "Bilisan mong magbihis, Bombie. At punasan mo itong mga basa rito!" muling sigaw ng Inay ko sa akin. "Opo," magalang na sagot ko rito. Pagkatapos magbihis ay agad akong lumabas ng aking silid. Pinunasan ko muna ang mga basang nagkalat sa semento. Pagkatapos ay nagdesisyon na akong pumunta lalo at alam kong nandoon si Inay. Hindi nga ako nagkamali nang hinala. Nakita ko agad ang Nanay ko na naghahain sa hapagkain. Bigla itong bumaling sa akin. Napansin ko rin ang pagkunot ng noo nito. "Saan ka pupunta, Bombie? Bakit bihis na bihis ka?" "Diyan lang po ako, Inay, manunood ng sabong. Araw pala ng linggo ngayon," sagot ko kay Inay. "Sabong? Kailan ka pa natutong magsabog, Bombie? Iyan ba ang natutunan mo noong nandoon ka sa Maynila? Ka-babaeng tao mo sabungira ka!" sunod-sunod na sermon sa akin ng Nanay ko. Pinilig ko muna ang aking ulo at ginalaw ko rin ang tainga ko. Medyo nabingi kasi ako dahil sa lakas nang sigaw ng Inay ko. Saka, ang sabi ko lang naman dito ay manonood ako ng sabong, wala akong sinabi na magsasabong ako. Pero ang dami na agad sinabi nito. "Inay, ang sabi ko lang naman po ay manunod ako ng sabong. Hindi naman po ako pupusta roon, oh, magdadala na kahit isang manok," katwiran ko sa aking ina. "Ganoon na rin iyon, Bombie. Pupunta ka pa rin doon. Diyos ko naman anak! Bakit ganiyan ka? Isipin mo na lang, puro mga lalaki ang mga kasama mo roon. At ikaw lang ang nag-iisang babae!" "Inay, kaya ko naman ipagtangol ang aking sarili. Tinuruan naman ako ni Itay kung papaano depensahan ang aking sarili para sa mga taong masasama ang loob." "Ang Tatay mo ang may kasalanan ng lahat ng iyan kaya lumaki kang ganiyan, Bombie! Ayos lang sana kung lalaki ka. Pero hindi, eh. Isa kang babae. Puwede ba anak. Magpakadalagang pilipina ka naman!" Napakamot tuloy ako sa aking ulo. Mukhang 'di ako makakalis ngayong araw. Dahil sa mga pinagsasabi ng Inay ko. Alam kong maghapon na naman mag-iingay ito. "Hindi na po ako aalis, Inay. Para hindi ka na mainis sa akin. Magpapakabait na rin po ako," saad ko rito, sabay ngiti ng matamis. "Kaya lang naman ako nagagalit dahil ka-babaeng tao mo, kung ano-ano ang pinaggagawa mo sa buhay na hindi tama. Hindi ko tuloy alam kung tomboy ka ba, anak?" "Babae po ako, Inay. Huwag mo akong isipin dahil bukas-bukas din ay magdadala na ako ng mga anak ko rito, na puro panganay," baliw na sabi ko sa aking Inay. "Aray!" sigaw ko, dahil bigla akong pinalo ng walis tambo sa aking butt. Nakangiwi tuloy akong tumingin kay Inay. "Magsusumbong na talaga ako sa bantay bata. Kasi grabe ninyo ako kung paluin," turan ko kay Inay. Kaya naman lalong nainis sa akin ito. Balak na naman sana akong paluin nito nang maliksi akong nagtatakbo paalis ng kusina. Hanggang sa mapunta ako sa munti naming sala. Bigla rin akong napahinto sa aking pagtakbo nang makita ko si Itay. May kausap itong isang lalaki. Napatingin ako sa mukha nito. He have these perfectly-shaped nose and alluring eyes. He’s tall with a well-toned body. Maliksi ko tuloy nahawakan ang aking panty. Baka kasi biglang mahulog. Pero pansin ko'y may pagkasuplado yata ito. At kung 'di ako nagkakamali ito na siguro ang Amo ng Tatay ko. Kaya naman maliksi kong ipinilig ang ulo ko para maalis ang paghanga ko sa lalaki. Saka mukhang nasa edad 30's na ito, baka nga lampas na. "Ilan kaya ang asawa nito?" abnormal na tanong ko sa aking sarili. Pagkatapos ay maliksi akong lumapit kay Itay. "Mano po, Itay," anas ko sabay kuha ng palad nito para dalhin sa aking noo. Lumapit din ako sa harapan ng lalaki. "Mano po, Manong..." "What?!" narinig kong sigaw ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD