4

1220 Words
“Ms. Montes.” “Sir.” napalingon ako sa lalaki na tumawag sa akin at may kaba sa aking dibdib “Your things,” bulong nito sa akin at nasa hallway kami ng campus. “Oo nga po eh nakalimutan kong iuwi ang basa kong damit. Kukunin ko na lang po sa bahay ninyo.” “Sige,” walang alinlangang sagot nito Himalang um-oo agad ito. May second session kaya kami. Naughty ka rin pala sir ha. Pero, itutuloy ba nyang magcheat sa mahal niyang girlfriend? Para sa panandaliang kaligayahan na ibinibigay ko. Excited ako at kinakabahan papunta sa bahay ni Sir nang hapon nang sabihan niya ako Pero walang tao. Sarado ang pinto at nakita ko ang paperbag na nandoon ang mga damit ko sa labas ng bahay niya. “Paasa,” inis na saad ko. Patuloy akong nagtangatangahan at nagpatutor sa kanya. Iniiwasan niya na ako at binibigyan nya lang ako ng mga samples na math problems. Midterm exams at binagsak ko ulit ang aking math test. “Wala ka paring natutunan sa mga itinuro ko?” takang tanong nito na may halong inis. “Wala po talaga eh. Ang hirap po talagang intindihin,” alam kong ayaw nya na akong papuntahin sa bahay niya at natatakot na siguro sya sa akin. Tinapos nya na ang gardening namin at sya na raw ang bahala doon matapos na may mangyaring kababalaghan sa kanyang kusina. “Puntahan mo ako sa bahay ko sa Linggo pero hwag kang gagawa ng kalokohan,” banta nito sa akin pero halatang concern siya sa pag-aaral ko. Napangiti ako ng palihim at kinilig sa sinabi nya. I bought him a shawarma nang araw na puntahan ko sya. May dala rin akong ilang pirasong halaman para sa hardin niya. “Para hindi ka na magluto sa kusina,” saad ko sabay abot ng pagkain. Napatawa siya. Hindi na big deal sa kanya ang nangyari at mukhang napatawad na ako nito. Habang nageexplain siya ay nakatitig lang ako sa maamo niyang mukha. Ang gwapo nya lalo kapag naka-eye glasses. Pero sobrang hot niya at naalala ko nanaman ang hotdog niya. “Nakikinig ka ba Ms. Montes?” “Y-yes sir.” “Nasaan na ba tayo?” “A-ano po, nasa x and y pa rin,” dahil mabilis naman ang mata ko ay nakita kong yun nga ang inaaral namin. Naiintindihan ko naman ang nakasulat sa papel na sinulat niya. “Gawin mo na.” utos nito sa akin at naiinis na mrahil dahil nahalata noiyang di ako nakikinig. “Hindi mo ba ako pauuwiin kapag di ko to nasagot?” Napangisi sya at alam na may iniisip akong kapilyahan. “May parusa kapag di mo nasagot.” Napangisi din ako at kinilig. Ano kayang parusa? “Masama nanaman ang iniisip mo. Ipapatong ko sa ulo mo ang libro at luluhog ka sa munggo,” saad nito nang mahuli ang mga lihim kong ngiti at kilig. “Basta ba nasa harapan kita, luluhod ako,” pilyang saad ko at napatawa na ako lalo. Naramdaman ko ang pitik niya sa aking noo. “Bawasan mong kapilyahan mo at mag-aral kang mabuti.” “Aray naman sir,” napasimangot ako at tiningnan ko lang ang isosolve kong x at y. Kinopya ko lang at di ko sinagutan. Iniwan naman ako ng aking guro at di ko alam kung nasaan na nagpunta. Hinanap ko ito pero wala sa loob ng kwarto. Sumilip ako sa likod bahay at nakita kong nagpapakain ng mga alagang manok. Nakita kong papasok na muli ito kaya patakbo akong bumalik sa aking inuupuan kanina. “Tapos ka na?” “Hindi pa sir.” “Ang tagal mo. Hindi mo pa rin alam.” nagsusungit na ito sa katangahan ko. “Ang hirap po talaga,” pagdadahilan ko pa. “Ilang beses ko ng ipinaliwanag yan, Montes.” Anong magagawa kapag nagtatanga-tangahan. Kahit anong turo mo di ko yan sasagutan. “Mahilig ka ba sa itlog, Sir?” “Ano? Anong koneksyon? Intindihin mo yang pinasasagot ko sayo at di yung kung anu-anong nakikita ko dito sa bahay ko.” “May alaga ka kasing manok. Nagtatanong lang naman bakit ang sungit agad?” “Oo mahilig. Pang diet, kapag walang ulam,” sagot nito na may halong inis. “Anong luto?” muling tanong ko. “Miss, sagutin mo na lang yan at pagkatapos umuwi ka na.” “Masarap akong mag-omelet. Ipagluluto kita.” pangungulit ko pa sa aking propesor na haloatang naiinis na sa akin “Just focus on math. Ako na ang magluluto.” “Bahala ka,” saad ko at napangiti ng bahagya. “Hwag kang lalapit sa kusina,” he warned me pero napapatawa ko at pinipigilan ko lang. Ayaw nya ba noong ginawa ko sa kanya? Sabi sa internet, boys love it daw. “Sir, tulungan na kita,” pang-iinis ko pang muli sa aking guro. Alam kong sobrang bait nito. Naiinis pero hindi napipikon sa akin. Iniwasan ako noon pero pinapunta nya pa rin ako sa bahay nya para turuan. Ok, di muna kita aakitin at gagalangin muna kita bilang guro ko. “Kaya ko to, itlog lang ‘to. Dyan ka lang sa kinauupuan mo at hwag kang tatayo dyan,” pagbabanta nito sa akin. Ginawa ko na rin ang math problem pero minali ko lang. First time nya bang maranasan yun. Alam ko 25 na sya at engage na. Hindi ba ginawa ng girlfriend nya yun sa kanya? Mas gumugulo sa isip ko ang pagpapaligaya ko sa kanya kesa ang math problem. Bumalik na rin agad siya sa tabi ko na dala ang omelet na niluto niya “Kain na. Para magkalaman yang utak mo,” pang-iinis nito. “Grabe ka. Magaling ako sa iba no. Hindi porket hindi magaling sa math, hindi na matalino.” “Oo na. Magaling ka sa kalokohan kaya kumain ka na.” “Walang kanin o kahit tinapay man lang?” “Nakakataba yun. Itlog lang ang kainin mo at ang shawarmang dala mo.” “Health conscious?” fit nga sya pero ang boring naman nyang kumain. Hapunan na ba ito? Kung alam ko lang nagbaon ako ng rice. Di bale next week na lang. “Teka, bakit mali?” tanong ko nang ekisan niya ang sagot ko kahit alam kong mali naman talaga. “Kasi mali. Hay, dapat sayo ibalik sa high school? Sino bang teacher mo noon? Di ka naturuan ng ayos.” Yabang, bulong ko. “Hayaan mo na yan. Basta ipasa mo na lang ako tapos pasasayahin kita ulit.” “Ang bastos mo. Nakailang boyfriend ka na ba? Yan ba ang inaaral mo?” masungit na saad nito at napahiya naman ako. Ako ang napikon sa mga sinabi nito. “Sige na aalis na ako. Salamat sa paitlog.” Iniwan ko na sya. Pahapon na at baka gabihin pa ako sa daan. Inaaway na rin niya ako at iniisip niyang pakawala akong babae dahil sa mga sinasabi ko sa kanya. Kasalanan ko rin naman at kaya nya nasabi yun ay dahil na rin sa kakulitan ko. Alam kong di nya ako magugustuhan dahil masyado na yata akong mapangahas sa aking sinasabi at ginagawa. Natuturn off na yata sya lalo at isa pa ay alam nyang tatanga-tanga ako sa math. Hay, sad life
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD