Chapter 01

1436 Words
MARIING kinagat ni Marra ang kaniyang ibabang labi habang nasa may gilid siya ng pinto sa may back porch. Kung bakit hindi naman siya ang inalok ng kasal ngunit sobrang emosyonal niya habang naririnig ang mga sinasabi ni Theo para kay Kitty na maging sa puso niya ay tagos na tagos. Hindi maikakaila ang pagmamahal nito kay Kitty. Napakasuwerte ni Kitty na makita nito ang lalaking magmamahal dito sa habang-buhay. Tipong hindi ito magagawang lokohin. Hindi katulad ng lalaking nagpaniwala sa kaniya na tapat ito sa kaniya. Ngunit ang lahat ay isang malaking kasinungalingan lamang. Nang maalala ang kaniyang ex-fiancé na si Enzo Razon, agad niyang ipinilig ang ulo. Para bang pinipiga ang dibdib niya kahit sobrang tagal na niyon. That bastard and her so-called best friend. Masaya siya para kina Theo at Kitty, ngunit hindi niya matagalan ang ganitong eksena kaya muli siyang umakyat sa kaniyang silid na gamit sa Ballmer Ranch. Idinaan niya sa ligo ang kaniyang nararamdaman. Ngunit habang naliligo, hindi pa rin niya maiwasang isipin ang simpleng kasal nina Theo at Kitty na kasalukuyang nagaganap sa ibaba ng mansiyon. Huminga nang malalim si Marra. Umedad na lamang siya ng trenta, ngunit nananatili pa rin siyang single. Hindi nga niya alam kung may tapat pang lalaki sa mundo katulad ni Thaddeus at Theo? Ganoon din si Tito Henry Ballmer sa namayapa nitong asawa? Para kasing bihira na ring makatisod ng katulad ng mga ito. Napaka-loyal sa babaeng minamahal. Saktong katatapos lang maligo at magbihis ni Marra nang puntahan siya ni Sephany sa kaniyang gamit na silid. Kay lawak ng ngiti sa maganda nitong mukha. Mukhang tapos na ang kasalan. “Guess what?” excited pa nitong tanong nang makalapit sa kaniya. Hinawakan pa nito ang dalawa niyang kamay. Abot tainga ang ngiti nito. “Ikinasal na sina Theo at Kitty sa ibaba?” tugon naman niya. Nabura ang ngiti sa labi ni Sephany. “Alam mo na? Bakit hindi ka nakigulo sa amin sa baba?” “Sephany, hindi ko lang matagalan ang sobrang sweet na eksena kanina sa baba kaya umakyat ulit ako at naligo na lang.” Pinisil ni Sephany ang kaniyang mga kamay na hawak nito. “Marra, naisip mo na naman ba ang gagong ‘yon?” Nagbaba siya ng tingin. Guilty as charge. Tumango siya. “Sila,” pagtatama niya. “Ilang beses ko bang sasabihin na marami pa ring lalaki sa mundo na malayong-malayo sa ex mo?” “Rare na sila, Sephany. Katulad ni Thad at ni Theo.” “Sana lang, makakita ka na rin nang magpapalimot sa iyo sa nakaraan. Kung bakit naman kasi ayaw mo pa ring makipag-date?” Napakalaki pa rin ng kaniyang trust issue pagdating sa isang lalaki. Pakiramdam niya, lolokohin pa rin siya ng mga iyon. Sa kabila nang kagandahang tinataglay niya, perfect na personality, magandang family background… nagawa pa rin siyang lokohin. Nakakatakot sumugal sa totoo lang. Kaya sa tuwing nakikialam ang mga magulang niya, umaalis siya ng bansa para lamang umiwas sa pagpapakasal sa mga lalaking inirereto ng mga ito sa kaniya. Oras kasi na makarating sa kaalaman niya ang plano ng mga ito, inuunahan na niya nang alis. Bunsong anak siya ng kaniyang Daddy Jose at Mommy Monina. May dalawa rin siyang kapatid na lalaki. At sa tatlong magkakapatid, siya ang panggitna. Napaggigitnaan siya ng dalawang lalaki. At ang dalawang lalaki na iyon? May sarili ng mga pamilya. Nag-sa-sana all siya minsan. Pero kung mapupunta lang siya sa maling lalaki, salamat na lamang. “Tama na ang pagtakas-takas, Marra. Siguradong miss ka na rin ng mga magulang mo. Dito ka pa dumiretso pagkagaling mo sa ibang bansa. Palagi ka na lang bang magtatago rito sa amin?” “Sawa ka na ba?” “Ang akin lang, sumubok ka rin at ‘wag magpakatandang dalaga. Baka mahirapan ka ng manganak kapag hindi ka pa rin nag-asawa sa edad mong ‘yan.” “Okay lang,” pagkikibit-balikat niya. “Kung maling lalaki lang din ang magiging ama ng anak ko, salamat na lang.” “Haaay. Alam mo, kaunti na lang itatali na kita. Tara na sa baba at sabay-sabay na tayong mag-breakfast.” Hindi na nakakontra pa si Marra nang hilahin na siya ni Sephany palabas sa kaniyang silid. Nang makarating sa may dining room, kung saan naroon na ang lahat para sa isang salo-salo, hindi napigilan ni Marra na pagmasdan ang bagong kasal na sina Theo at Kitty. Lihim na naman siyang napabuntong-hininga. “Congrats,” bati pa niya sa dalawang bagong kasal nang makalapit siya sa mga ito. “Thank you, Marra,” nakangiti namang wika sa kaniya ni Kitty. “Mukhang si Marra lang ang matino ninyong bisita, Theo,” palatak pa ni Thaddeus na ng mga sandaling iyon ay nakasuot pa rin nang pajama. Ang majority roon ay nakasuot pa rin ng mga pantulog. Maliban sa nagkasal kina Theo at Kitty at kay Marra mismo. Napatingin tuloy si Marra sa kaniyang suot. Kapag kuwan ay napangiti. “Well, mukhang ako ‘yong mas invited kaysa sa inyo,” biro naman niya kay Thadeus. “Congrats ulit sa inyo. Best wishes,” aniya na bineso pa si Kitty. “Kukuhanin ka naming bridesmaid, Marra. Kaya ‘wag kang aalis ng bansa,” bilin pa rito ni Theo. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. “Ako? Kukunin ninyong bridesmaid?” “Why not?” Overwhelmed siya sa bagay na iyon. Napatingin siya kay Kitty. “Kung papayag ka, wala namang problema sa akin.” Tumango naman si Kitty. “Okay lang sa akin. Alam ko namang isa ka sa halos kapamilya na rin nina Theo.” “Kitty,” aniya na hinawakan pa ang isa nitong kamay. “Kalimutan mo na ‘yong nakaraan, ha? Act lang ‘yon. Saka, never kong magugustuhan ‘yang si Theo. Uhugin pa lang ‘yan, kasama ko na ‘yan. Eeew. Kaya hindi ko ma-i-imagine na asawahin ‘yan o magustuhan sa totoong buhay.” Baka kasi hanggang ng mga sandaling iyon ay dala-dala pa rin ni Kitty iyong sama ng loob o galit sa kaniya dahil sa bigla na lamang niyang paghalik at yakap kay Theo nang dumating ang mga ito sa rancho. Nang ngumiti sa kaniya si Kitty, para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. “Naipaliwanag na naman sa akin, Marra. Kaya ‘wag kang mag-alala.” “Pero sa totoo lang,” aniya na sumeryoso na. “Masuwerte ka dahil rare ‘yang si Theo. Hindi lahat, magbabago para sa isang babae. Kaya wala akong ibang hahangarin para sa inyo kung ‘di ang isang mas masayang journey bilang mag-asawa at magulang sa anak ninyo.” Niyakap niya si Kitty para ipadama rito ang kaniyang sincerity. “Magmahalan kayo nang walang hanggan at mas marami pang anak.” “Thank you, Marra.” “Maka-request nang maraming anak,” palatak pa ni Thaddeus. Sinimangutan naman ito ni Marra nang kumalas na siya sa pagkakayakap kay Kitty. “Sa atin dito,” patuloy pa ni Thaddeus. “Ikaw na lamang ang wala pang anak, Marra.” “Enough, Thad. Kumain na po tayo,” nakangiti pa niyang wika sa mga naroon. “Bella, tabi ka sa Ninang,” ani Marra na nilapitan na ang kaniyang inaanak. “Ninang,” nakangiti pang wika sa kaniya ni Bella. “Kapag ikinasal ka po, flower girl din po ako, ha?” “Bella, anak, ‘wag ka munang umasa,” ani Sephany sa anak na si Bella. “Ihanap mo muna nang mapapangasawa ang Ninang mo.” “Bella, ‘wag kang makinig sa Mommy mo. Pero kung sakali man, ‘wag kang mag-alala dahil flower girl ka ni Ninang.” “Baka dalaga na lang si Bella, bokya pa rin, ha?” Tumaas pa ang isang kilay ni Sephany. “Congrats to the newlywed!” sa halip ay masigla niyang wika na itinaas pa ang isang baso na may lamang juice. Nang magkatinginan sina Sephany at Thaddeus ay napapailing na lamang ang mag-asawa dahil sa kaniya. Nang matapos ang isang maganang almusal kasama ang pamilya Ballmer ay sinamahan naman niya ang kaniyang inaanak. Gusto raw kasi nitong mangabayo at ipapakita nito sa kaniya ang bago nitong natutuhan. Ganoon si Bella kapag dumarating siya, palagi itong may bagong tricks na excited ipakita sa kaniya. Suwertehan lang talaga ang pag-aasawa nang maaga. Early twenties din si Sephany nang mapangasawa nito si Thaddeus Ballmer. At kung maaga rin siguro siyang nag-asawa, malaki na rin siguro ang panganay niyang anak. Napabuntong-hininga na naman si Marra. Kapag kuwan ay itinuon na lamang niya ang atensiyon sa panonood sa kaniyang inaanak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD