BEA'S POV Lumipas ang mga araw at buwan. At hindi ko namalayan na ilang na buwan na akong mag-isa. Masaya ako sa trabaho ko at minsan international flights na ang schedules ko. Marami na akong naging kaibigan. Lahat ng oras ko ay itinuon ko sa pagtanggap sa sarili ko. Wala rin akong balita kay Jeff. Si Cedrick naman ay nangangamusta sa akin paminsan-minsan. Day-off ko ngayon at balak ko bisitahin si ate Caye dahil malapit na itong manganak. Hindi ako madalas makadalaw sa bahay nila dahil sa busy ako sa trabaho ko. Nagpapasalamat rin ako dahil sa lahat ng tao si ate Caye ang laging nakakaunawa sa akin. Bumaba ako sa taxi at nag doorbell sa may gate. Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at lumabas si Cherry. "Magandang araw Cherry, nandito ba si ate Caye?" Nakangiting tanong ko sa k