After One year! BEA'S POV Hindi ko namalayan na isang taon na pala ang lumipas. Isang taon na simula noong nangyari iyon sa amin. Sa loob ng isang taon ay marami akong natutunan. Pero may isang pangyayari na hanggang ngayon dala-dala ko pa rin. Nasa stage pa rin ako ng pagmo-move on. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin ako tuwing naalala ko. Sobrang sakit na halos hindi ko makayanan. Pero pinipilit kong pagtagumpayan ng mag-isa. Sinanay ko ang sarili ko na trabaho at bahay lang palagi. Minsan namamasyal ako pero kasama ko si Chelsea. Siya ang karamay ko sa lahat. Malungkot man o masaya masasabi ko na unti-unti ng bumabalik ang dating Bea. Isang taon na rin akong walang balita kay Jeff. Walang nakakaalaam kung saan siya ngayon. Siguro ay masaya na ito. Ngayon ang uwi ko sa Iloilo. Ma