Dahil wala naman kaming ibang pupuntahan ay nagpasya kaming umuwi na lamang muna. Sumama ako kay Clyden patungo sa unit niya hindi para doon mag-stay kung hindi para kuhanin ang mga gamit ko. Nakakaintindi na tumango naman si Clyden nang sabihin ko na sa unit ako ni Honey mag-aaral at hinatid niya pa ako doon hanggang sa tapat ng pinto. Huminga ako ng malalim nang sumalubong sa akin ang nakakabinging katahimikan ng unit ni Honey. Naglakad ako patungo sa sala at inilapag doon ang mga dala-dala ko saka nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Muli akong napabuntong hininga nang maubos ko ang tubig saka naglakad patungo sa kuwarto ko at naghanap ng komportableng damit mula sa walk-in closet. Pumasok ako sa bathroom at sinabit ang mga damit ko sa rack pagkuwa’y lumapit sa bathtub at binuks