The night get deeper as time passes by. Kasalukuyan kaming nakaupo sa harapan ng bonfire na ngayon ay may apoy na. Pinapanood ko si Clyden na gumawa ng coffee gamit ang coffee grinder and coffee maker na dala-dala nito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makitang ilagay niya ang coffee beans sa coffee grinder. Nangibabaw sa tahimik na kapaligiran ang tunog nang magsimula siyang ikutin ang ibabaw na iyon na siyang dumudurog sa kape. Clyden did it for a few minutes hanggang sa masigurong durog na durog na ang coffee beans. Sunod ay naglagay siya ng filter paper sa filter holder na siyang nakalagay sa carafe. Inilagay doon ni Clyden ang dinurog na coffee beans saka kinuha ang kettle at binuhusan iyon ng tubig. Lalo akong na-amaze nang maamoy ang mabangong kape. Pagkatapos namin m