Hindi katulad ng Christmas, masaya at maingay naming sasalubungin ang New Year dahil na rin sa pagbabalik ng tatlo. Kasalukuyan kaming nasa unit ni Honey at naghahanda para sa New Year’s Eve. Kakarating lamang ni Honey at hindi pa nakakapag-pahinga pero ito kami at nag-uusap kung ano ang magiging food namin dahil gusto rin nilang gawin iyong ginawa naming pagbibigay ng food sa mga homeless people. Habang sina Theo at Rasdy naman ay kahapon dumating at ang unang ginawa namin ay kumain sa labas dahil na-miss daw nila ako. Nagkalat pa sa living room ang mga gamit ni Honey katulad ng tatlong malaking maleta nito na may laman na mga gamit at pasalubong niya para sa amin. Hindi niya sinabi ang details ng flight niya kaya nagulat na lang kami nang bigla itong lumitaw sa harapan ko at mabi