Chapter 20: Assassination Attempt (Part 2)

1684 Words
Matapos ang maghapon na klase ay muli siyang bumisita sa clinic. Naabutan niyang nakaupo si Oceane sa kama, habang nakatulala. Namamaga din ang mga mata nito na parang kagagaling lang sap ag iyak. "Oceane?" Lumingon sa kanya ang dalaga. Agad niyang niyakap ito, nagsimula na naman itong umiyak. "Anong nangyari Oceane?" tanong niya Kahit putol putol ang pagkukwento ni Oceane sa nangyari sa kanya, nagawa naman niyang intindihin ito. Pinakalma niya ang dalaga at pinahiga sa kama. Hindi niya binibitiwan ang kamay nito. "I'm sorry... kasalanan ko ang..." sabi niya "Zaiden... wag mo ako iiwan.." sabi naman ni Oceane Tumayo siya sa pagkakaupo saka muling niyakap ang babae. "Hinding hindi kita iiwan..... pangako!" "Anong balita sa kanya?" Napatingin si Zaiden sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. "Sabi ni Nurse Ayo, she's in state of shocked, masyado siyang natakot sa nakita niya." Sabi ni Zaiden Hindi sumagot si Castor, napatingin ito sa hawak na bulaklak ni Zaiden. "Pipigilan mo pa rin ba akong mapalapit sa kanya?" tanong ni Zaiden "Yes!" Hindi na nagsalita pa si Zaiden, imbes naglakad na siyang palayo. Nakatingin lang naman si Castor sa binatang papalayo. Dahil hindi naka attend ng klase ang dalaga, tumambay sila ni Zaiden sa library. Tamang tama dahil wala noon si Prof Corvan. Kagaya ng ginagawa nila pag may klase sa History, nakaupo sila sa sahig. Nagbabasa ng libro si Oceane, may naririnig na naman siyang boses mula sa hangin. Napalingon siya sa paligid. Mula sa kanyang kinauupuan ay makikita ang malaki at mataas na bintana ng library. Limang dipa ang laki nito at 15 feet naman ang taas nito. Isang kulay cream na kurtina ang nakaayos sa magkabilang gilid ng bintana. Matatanaw mula doon ang cresent moon mula sa labas. Ang mga abiro, o lampara ang siya naman nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Hindi niya mabilang kung may 100 abiro ba ang naroon. Tumayo ang dalaga saka naglakad, may kung anong bagay siya na kailangan hanapin sa isang section ng library. Hindi niya alam kung ano iyon ngunit kusa siyang dinala ng kanyang mga paa. Napatingala siya sa itaas kung saan nakasulat.. RESTICTED SECTION.. --- Pauwi na si Miranda ng gabing iyon. Mula sa Magicae Ministerium, naisipan niyang maglakad dahil na rin sa dami ng taong naglalakad ng mga oras na iyon. Isang shop sa Night Market ang nakapukaw ng kanyang paningin. Hindi niya namalayan na nakatayo na pala siya sa harapan ng isang boutique kung saan mabibili ang mga damit ng mga sangol hanggang sa 7 taon gulang na bata. Napahawak siya sa salamin. Isang kirot sa puso ang naramdaman niya habang nakatitig sa damit na nakasuot sa isang laruang batang babae. 'Sana tama ang hinala ng batang bampira na iyon... Sana nga ang batang taga ibang mundo ang nawawala kong anak...' Isang imahe sa salamin ang napansin ni Miranda. Agad siyang lumingon. Nakatayo si Valkoor ilang hakbang ang layo mula sa kanya. "Anong kailangan mo?" mataray niyang sabi "Wala naman. Nakita lang kitang nakatitig sa damit na iyan kaya naman ako ay napahinto." Sabi naman ni Valkoor Tinitigan lang niya sandal si Valkoor pagkatapos ay umalis na rin siya. Ngunit sinundan siya ni Valkoor. "Miranda maari ba tayo mag usap?" "Para saan? Bakit pa? Mabuti pa Valkoor, lubayan mo na ako. Wag ka na dumagdag pa sa gulo." Sabi naman ni Miranda Iniharang ni Valkoor ang katawan niya sa dinadaanan ni Miranda. "Tungkol ito sa utos ng Dark Lord.." "Hindi ako interesado Valkoor." Sabi ni Miranda Itinulak niya si Valkoor at muling naglakad. Nakatayo naman si Valkoor habang nakatitig sa papalayong si Miranda "Tungkol ito kay Nazar.." sabi naman ni Valkoor Hindi lumingon o tumigil si Miranda sa paglalakad. Bagaman alam niya na isa mga tagsunod at kanang kamay ng Dark Lord, may katotohanan ang sinasabi nito. "Ipinapapatay ng Dark Lord si Nazar.." sabi naman ni Valkoor Hindi pa rin natinag si Miranda kahit naroon ang pag aalala para kay Nazar. Patuloy siya sa paglakad. Alam niyang nakasunod sa kanya si Valkoor. "Wala ka man lang reaction Miranda? Totoo ang sinasabi ko." Sabi naman ni Valkoor "Matagal ko ng alam iyan. Hindi lang naman si Nazar ang gusto niyang ipapatay hindi ba? Alam na alam mo iyan Valkoor.." sabi naman ni Miranda "Alam ko Miranda, hindi ko alam kung saan naroon si Nazar para balaan siya." Sabi naman ni Valkoor Huminto sa paglalakad si Miranda, tinginan niya si Valkoor. "Iniisip mo ba na alam ko kung saan naroon si Nazar?" sabi ni Miranda "Hindi. Ang iniisip ko ay palagi kang binabantayan ni Nazar.. Sigurado akong alam niya ngayon na magkausap tayo at kung ano ang pinag uusapan natin ngayon." 'Baliw na ang lalaking ito. Ano bang akala niya? Bobo si Nazar para bantayan ako?' "Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang idea na yan Valkoor. Kung tama man yang hinala mo, hindi ako natutuwa na may taong nakabantay sa akin." Pagkasabi noon ay umalis na siya at iniwan si Valkoor. Ayaw man niyang isipin ang sinabi ni Valkoor naroon pa rin ang kanyang pag aalala para kay Nazar. Nagmimingwit siya sa lawa ng mapansin niyang may tatlong nakaitim na lalaki ang papalapit sa kinaroroonan niya, at habang papalapit ito sa kanya, nararamdaman niya ang aura ng mga ito. Agad siyang tumalon sa tubig at nagsimulang sumisid ng malalim. "Aqua resperium!" Isang animoy hasang ang unti unting mapapansin sa bandang panga ni Nazar. Nagsimula nas iyang makahinga sa ilalim ng tubig. Mabilis ang ginawa niyang paglangoy at ganun din ang tatlong lalaki. Ilang sandali pa... "Tansulto!" Mabilis na umaagat sa tubig si Nazar. Para siyang lumipad sa ere dahil sa ginawa niyang spell. Paglapat ng mga paa niya sa buhangin, mabilis na naman siyang tumakbo papalayo sa lawa, ngunit nakasunod pa rin sa kanya ang tatlong lalaki. "Globus Ignis!" Isang di kalakihang bolang apoy ang papalapit kay Nazar. Mabilis naman nakagagawa ng counter spell si Nazar. "Ad Duratus!" Ang bola ng apoy na papalapit sa kanyang kinaroroonan ay naging yelo at bumagsak sa lupa. Mabilis siyang kumapit sa isang baging at lumambitin sa mga kasunod pa na baging. Ngunit di inaasahan ni Nazar na walang tibay ang baging na kanyang nahawakan. Naputol ito at nahulog siya sa bangin. 'Buysit!' Mabilis siyang tumalon para saluhin sa kanyang malapad na likod ang lalaking nahuhulog sa bangin. Mabuti na lamang at mabilis siyang kumilos kahit pa malaki ang kanyang katawan. Nagawa niyang makatwid sa kabilang bahagi ng bangin, habang nakahawak naman sa kanyang balahibo ang lalaking iyon. "Isa kang..." Narinig niyang sabi pa ng lalaki, tumingin lang siya dito, ngunit mas napansin niya ang tatlong lalaki na sumusunod sa kanila. Sunod sunod ang pagsabog na maririnig sa kagubatan. Mga atake iyon mula sa tatlong lalaki. Mabilis ang bawat pag iwas niya sa mga bolang apoy na iyon, ngunit mukhang na corner na sila ng tatlong lalaki. Hindi pa rin bumaba sa likod niya ang lalaki. Bahagya siyang umungol habang nakatingin sa lalaking nakasakay sa kanyang likod, mukha naman na intindihan nito ang gusto niya sabihin dahil bumaba ito sa pagkakasakay sa kanya. Mabilis nitong sinugod ang mga lalaki, mukhang lalaban talaga ito sa tatlong iyo. Siya naman ay nagsimula ng mag init ang kanyang pakiramdam.Mabilis niyang sinungaban ang isa sa dalawang lalaki na bakante. Dahil na rin siguro sa gulat ng lalaki, hindi ito kaagad nakaiwas ng bigla niya itong kagatin sa tagiliran at iwasiwas ang katawan nito hanggang sa maputol sa gitna. Kumalat sa lupa ang dugo mula sa lalaki. Ang isa naman ay mukhang nagpaplano na tumakas. Patuloy ito sa pag urong habang sunod sunod ang pag atake sa kanya. Hindi niya dapat patakasin ang lalaki dahil kung makatakas ito siguradong malalaman ng Dark Lord na buhay siya. Kilala ni Nazar ang lalaki na kaharap niya. Isa ito sa tagasunod ng kanyang Ama at isa rin ito sa pinaka maangas sa mga Dark Wizard. Kung umasta ito ay para bang lahat ay mahina kung ikukumpara sa kanya. ANg tanging kinatatakutan lang nito ay ang kanyang Ama, ang Dark Lord. Nagsmirked ang lalaki. "Ang swerte mo Nazar dahil nakakita ka ng kakampi mo... isang malaking lobo." Nakatingin ito sa kanyang likuran kung saan abala ang malaking kulay puti na lobo sa pakikipaglaban sa dalang kasama ng Dark Wizard. "Kaya kung ako sayo, matakot ka na." sabi naman ni Nazar "Nagpapatawa ka Nazar. Kahit kalian, wala sa diksyonaryo ko ang salitang takot." Sabi naman nito "Nagkakamali ka, Rufort, dahil ngayon ka makakaramdam niyan. Ventus Turbo!" Isang malaking ipo ipo ng hangin ang unti unting nabubuo sa pagitan ni Nazar at ng Dark Wizard. Ngunit mabilis itong nakatakbo papalayo sa ipo ipo at buong tapang na sumugod papalapit kay Nazar. Iba'tibang kulay ang mapapansin sa kagubatan na nagkalat. Mula iyon sa wand ni Nazar at ng Dark Wizard. "Brisingir!" Agad na iniwasan ni Nazar ang spell na iyon. Mabilis din siyang nakagawa ng conuter spell paras a kalaban. Ngunit kagaya ng inaasahan sa mga Dark Wizard, sanay ang mga ito sa pag gamit ng mga Dark Spell. Narinig niya ang malakas na pag ungol ng malaking lobo habang papalapit sa kanilang kinaroroonan. Napansin ng Dark Wizard na nag iba ang kulay ng mata nito. Dahil sa atensyon ng lobo nagawa ni Nazar na idisarm ang lalaking kalaban. "Exarmo!" Lumipad kung saan ang wand na hawak ng lalaki. Unti unti naman na lumalapit si Nazar. Ngunit di niya inaasahan na tatakas ang lalaki, ngunti bago pa siya nakakilos ay mabilis na itong nahabol ng malaking lobo at kinagat sa binti. Maririnig ang sigaw ng lalaki naumeeko sa buong kagubatan. Buong lakas na inihagis ng malaking lobo ang katawan ng lalaki papunta sa bangin kung saan alam ng lahat na isa iyon bangin ng kamatayan. Walang mabubuhay sa sinuman na mahuhulog doon. Huminga ng malalim si Nazar. Bumaling sa kanya ang malaking lobo. Nakatingin ito direkta sa kanyang mata. Noong una ay nakaramdam siya ng takot dahil laki at lakas nito ngunit, ng mapagmasdan niya ang mga mata nito, alam niyang isang kakampi ang malaking lobo. "Salamat sa tulong.." sabi niya Walang maririnig na kahit anong pag ungol mulas a lobo. Imbes ay tinalikuran siya nito saka naglakad palayo.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD