Muling pumasok sa loob ng kweba si Nazar. Napalingon siya sa batang babae na mahimbing pa rin na natutulog sa kanyang higaan. Hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatitig sa maamo nitong mukha. Inihanda na niya ang pagkain, baka kasi magising na ang bata at magutom ito.
Hindi pa kumukulo ang kanyang niluluto ng dumating si Castor. Marumi ang damit nito, sira ang suot nitong pantalon at ang mukha nito ay marumi rin.
"Anong nangyari sayo?" tanong niya
"May nakalaban ako... and you won't believe it.. isa siyang werewolf." Sabi ni Castor
"Ano?!" sabi naman ni Nazar
"Kakaiba nga dahil sobrang laki nito." Sabi ni Castor
"Ngunit extinct na sila. Sa panahon ngayon ang tawag sa kanila ay Legend na." sabi naman ni Nazar
"Mukhang mali ang balita.. dahil nakaharap ko ang isa sa kanila. Isa siyang babae at kasing edad ko lang."
Natahimik si Nazar. Bata pa lang siya ay naririnig na niya ang tungkol sa mga Guradian Master, ngunit iyon sinasabing alamat na lamang. Kahit isa sa mga matatandang pantas ay walang katibayan na may nabubuhay pa ngang Guardian Master.
Napalingon na lang siya kay Castor, bigla kasi itong tumayo at nilapitan ang batang babae na natutulog sa kanyang higaan.
"Pumasok siya dito kanina at biglang nawalan ng malay... " sabi ni Nazar
Hindi inaalis ni Castor ang mga mata nito sa babae. Naupo pa ito sa tabi ng kama.
"Kilala mo ba siya? Kaklase mo ba siya sa Academy?" maang na tanong ni Nazar
Lumingon si Castor sa kanya. May nababasa siya sa mata nito na para bang may gustong sabihin, ngunit may pag aalinlangan ito.
"Ang totoo...."
"Anong totoo?"
"Tama ka, isa siya sa mga kaklase ko sa Academy. Mula siya kabilang mundo." Sabi niya
'May kakaiba kayang nararamdaman sa kanya si Nazar? Para malaman ko kung siya nga ang nawawala nitong anak?'
"Talaga? Bakit kaya siya napadpad dito? Masyado na itong malayo mula sa Academy?"
Muling ipinagpatuloy ni Nazar ang ginagawang pagluluto. Sumunod naman siya kay Nazar. Kung tama ang hinala niya, kailangan niyang mag ingat, maglihim kay Nazar. Iyon ay para na rin sa kaligtasan nila.
"Malakas ba siya?"
Napalingon si Castor kay Nazar. Kumunot ang noo niya
"Yun werewolf ang tinutukoy ko..."
"Ah, oo.. malakas siya sa inaasahan ko."
Napangiti si Nazar. Narinig ni Castor na nag smirked pa ito.
"Are you interested with her?"
"Ako?"
"Iba ka kasi tumingin... well that's the first time... "
"Hindi. Hindi ako interesado sa kanya."
Tumawa si Nazar. Siya naman ay tumahimik lang.
----
'Buysit na bampira.. sumapain siya ng mga diyos ng kalikasan.'
Naghihilamos si Calin ng kanyang mukha sa malinis na tubig mula sa lawa. Nakapagpalit na rin siya ng damit. Unti unti naman na naghihilom ang sugat niya sa tagiliran dahil sa atakeng ginawa ng bampira. Napahawak siya sa sugat niya.
Flash Back
Sinamantala niya ang pagkagulat ng binata, agad siyang umatake para mapatumba ito, katulad ng inaasahan niya sa isang batang bampira, malakas ito at mabilis kumilos. Ngunit mabilis din itong masaktan sa bawat atake niya.
Mabilis siyang nagpalit anyo bilang Malaki at kulay puti na lobo. Inatake niya ang lalaki at mabilis din naman ito nakakaiwas sa kanya. Nagawa niyang makagat ang tagiliran nito ngunit damit lang ang nakagat niya. Napunit ang suot nitong tshirt. Buong lakas siya nito inahagis, humampas ang likod niya sa isang puno. Sa sobrang lakas ng impact, tumumba ang puno kung saan siya humapas.
Nagsimula na siyang mag init. Mabilis siyang tumakbo at sumugod. Mabilis na ibinangga niya ang kanyang malaking katawang lobo sa katawan ng binatang bampira. Tumilapon ito sa batuhan. Sumugod siya muli at tianngka niyang dambahan ito, ngunit mabilis itong nakakilos at naiwasan ang pag atake niya. Hindi niya namalayan na naibaon ng bampira ang kuko nito sa kanyang tagilaran. Halos namatanggal ang balahibo doon at bumakat ang mga kuko nito. Naramdaman din niya ang hapdi ng natamong sugat.
Nagsimula na siyang pumorma para sa kanyang istilo ng pag atake ng makaramdam sila ng mga aura mula sa mga Dark Wizards. Mabilis siyang kumilos papalayo para di siya makita ng mga ito. Iniwan niya ang batang bampira.
Kinapa niya ang kanyang bulsa. Isang maliit na bote ang inilabas niya mula dito. May kulay pula na likido, kumikinang pa ito mula sa sinag ng araw.
'Kailangan ko na muli mag ipon..'
-----
"Kamusta ka na?"
Napalingon si Oceane sa boses na narinig niya. Isang lalaki ang nakaupo di kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Mukhang abala ito sa pagluluto.
"Maayos na baa ng pakiramdam mo?"
Muling nagtanong ang lalaki, hindi siya sumagot. Lumingon lingon lang siya paligid. Hindi iyon isang bahay, dahil yari sa mga buhay na bato ang kabuoan nito.
"Nasaan ako? Anong lugar po ito?"
Lumingon sa kanya ang lalaki. Nakangiti ito habang papalapit sa kanya at bitbit ang isang tray na may laman na pagkain. Naupo ito sa tabi ng kanyang kinahihigaan.
"Eto kumain ka muna.." sabi nito sabay abot ng isang mangkok
Inabot niya ang mangkok ng pagkain, mukhang mabait naman ang lalaki. At isa pa pakiramdam niya matagal na niya itong kakilala.
"Ito ang pansamantala kong tahanan... okay naman diba?"
Napangiti siya sa sinabi ng lalaki. Maingat niyang hinipan ang mainit na sabaw bago niya isinubo.
"Mag aaral ka sa Academy hindi ba?"
Bahagya naman siyang tumango
"Bakit ka napadpad sa lugar na ganito kalayo sa Academy maging sa bayan? Naligaw ka ba?"
Muling nag flashback sa isip niya ang nangyari.
Flashback
Nagising siya sa isang silid na walang ibang makikita kundi kulay puti. Lumingon siya sa paligid, wala siyang kasama, walang ibang tao maliban sa kanya.Nanghihina ang kanyang mga tuhod, ngunit pinilit niyang bumangon.
Isang kakaibang pakiramdam na naman ang muling nagpapansin sa kanya.May mga naririnig siyang bosesna di niya alam kung kanino at kung saan nanggagaling.
Nagsimula na siyang umiyak.
"Z-zaiden?" mahinang tawag niya
Pati ang kanyang boses ay nauubusan na rin ng lakas.
Naglakad na siya palabras ng silid, pababa ng hagdan hanggang sa makalabas siya ng gusaling iyon. Kahit nanghihina ay tumakbo siya ng tumakbo, hinahanap niya si Zaiden, ang taong huling kasama niya.
Natigil lamang siya sa pagtakbo ng mapatid siya sa malaking ugat sa kanyang dinadaanan.Hindi niya magawang bumangon ng mga sandaling iyon sa tindi ng nararamdaman na panghihina.
Muli, isang awit mula sa hangin kangyang narinig. Nakaramdam na siya ng takot. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya.
Pinilit niya muli na maglakad. Hindi pa man siya nakakalayo, isang lalaki ang napansin niya sa kanyang likuran naunti unting lumalapit sa kinaroroonan niya. Cloak na itim at may hood ang suot ng lalaking iyon. Napanisn din niya na nagiba ang kulay ng mata nito.
Nagsimula na siyang tumakbo, kahit alam niyang walang silbi ang kanyang ginagawa. Nilingon niya ang lalaki, patuloy ito sa paghabol sa kanya at napansin din niya ang pangil nito.
'Isang bampira?! Hinahabol ako ng bampira!!!'
Nagulat pa siya ng biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking iyon.
"Nag iisa ka yata binibini?" tanong nito
Wala siya sa mood makipagkwentuhan sa bampirang iyon, mabilis siyang kumaliwa para makatakas sa lalaki. Narinig pa niya ang sinabi nito
"Sige makipag laro muna ako sayo, magandang binibini... "
Maslalo na siyang natakot dahil kahit anong gawin niya ay sinusundan siya nito at bigla bigla na lang ito susulpot sa kanyang harapan.
Dahil na rin sa pagod, bumagsak ang katawan niya sa lupa, hinang hina na siya.
'Zaiden.. Zaiden tulungan mo ako...'
Bulong ng kanyang isip. Si Zaiden ang taong palagi siyang inililigtas, ngunit nawala ito at hindi niya Makita.
'Zaiden...'
Walang sabi sabing sumunggab sa kanya ang bampira, ngunit bago pa man din ito makalapit sa kanya isang kakaibang liwanag ang pumagitna sa kanilang dalawa, nakita niyang nagsimulang mag apoy ang katawan ng bampira.
Nagpumilit naman siyang tumayo para makalayo. Hindi na niya nilingon pa ang nasusunog na bampira.
Nagsimula na siyang umiyak. Ang takot na naramdaman niya noon ay bumalik sa kanya ngayon. Isang yakap naman ang naramdaman niya mula sa lalaking kaharap. Isang yakap na kapareho ng ibinibigay ni Zaiden sa kanya.
"Tumahan ka na hija.." bulong ng lalaki
"G-gusto ko na po bumalik sa Academy..." sabi niya na patuloy sa pag hikbi
"Sige, tapusin mo ang pagkain mo at ipapahatid kita sa Academy.."
Nakatayo naman sa labas ng silid ni Oceane sa Academy si Zaiden. Hindi na siya natulog, magdamag siyang nakaabang sa labas ng silid na iyon, naghihintay siyang lumabas mula roon si Oceane. Simula na naman kasi ng isang buong lingo ng klase, kaya muli siyang bumalik sa Academy ng hindi makita si Oceane sa labas.
Naupo siya sa tapat ng silid ng babae, ipinatong niya ang kanyang ulo sa mga brasong nakapatong naman sa kanyang tuhod.
"Zaiden?!"
Mabilis na iniangat niya ang ulo ng marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Nakatayo si Oceane sa harapan niya, asa likuran naman ni Oceane si Castor. Agad siyang tumayo, hinawakan ang dalawang pisngi ni Oceane.
"Saan ka ba nagpunta? Nag alala......"
Isang yakap ang natanggap ni Zaiden mula sa dalaga, narinig niya ang mahina nitong paghikbi. Isang mahigpit na yakap naman ang ibinalik niya mula rito.
"SHHHHH.. wag ka ng umiyak... " bulong ni Zaiden sa dalaga
"Hrmmmm.."
Napatingin si Zaiden kay Castor.
"Pagpahingahin mo muna siya..." sabi ni Castor
Tumango naman siya. "Salamat Castor."
Hindi nagsalita si Castor, imbes ay pumasok ito sa kanyang sariling silid.
Dinala naman ni Zaiden si Oceane sa clinic ng kanilang Academy para makapagpahinga ito kagaya ng sinabi ni Castor. Tinurukan ito ni Nurse Ayo ng pampatulog kaya naman naisipan muna niyang pumasok sa kanilang klase.