Episode 3

1013 Words
Hindi pa rin nasasagot ang katanungan ko simula ng bumalik ako sa director. "Hi mom, dad!" masiglang wika ko pagkapasok ng bahay namin. Magkatabi ang mga ito sa sala. "Dumating rin sa wakas ang aming prinsesa," wika ni daddy habang nakangiti. At dahil nag-iisa lang akong anak kaya spoiled ako sa mga ito. For me, I'm still a baby kapag sila ang kasama ko, and I know naman na para sa kanila, baby pa rin ako ng mga ito. Mabilis akong tumabi sa gitna ng mga ito at naglambing sa mga ito. "Sorry na po, medyo busy lang," nakangiting sagot ko sa mga ito. "Huwag mo lang pababayaan ang kalusugan mo anak ha. Walang masama na maging abala ka sa trabaho ngunit unahin mo munang may laman 'yang tiyan mo bago magtrabaho," wika naman ng maalalahin kong mommy habang hinahaplos nito ang mahaba kong buhok. Bigla tuloy akong nakaramdam ng lungkot ng maalala ko ang paglipat ko ng Quezon. "Mom, dad, may sasabihin ho ako sainyo." Pasimula ko sa mga ito. "Ano 'yon anak?" tanong kaagad ni mommy. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita sa mga ito. Napansin ko pa ang pagtinginan ng mga ito sa isa' t-isa. "Ano ba desisyon mo ngayon anak?" tanong ni daddy pagkabanggit ko sa mga ito na ililipat ako ng Quezon. "Hindi pa ho ako nakapag-decide. Sabi ko, kakausapin ko muna kayo. At mayroon din akong hinihintay sa director. Nakiusap kasi ako kung puwedeng isama ko ang bestfriend ko papuntang Quezon," wika ko sa mga ito. "Do you think naman anak, papayag ang may-ari sa nais mo?" tanong naman ni mommy. "Sabi ko, kapag hindi pumayag I will quit on my job then," nakangiti ko pang wika sa mga ito. Napansin ko pa ang panlalaki ng mga mata nito. Alam kasi ng mga ito kung gaano ko kamahal ang trabaho ko. Kaya siguro hindi ito makapaniwala sa sinabi ko. "Are you serious anak?" maang na tanong pa ni mommy. "No mom. But I believe naman na kung talagang mahalaga ako sa kanila bilang isang magaling na doctor, papayag sila sa gusto ko. Besides, sila naman nagsabi na kailangan doon ng magaling na doctor. Hindi ko naman maitatanggi na isa ring magaling na doctor ang kaibigan ko," wika ko. "Ikaw ang bahala anak. Anuman ang maging desisyon mo, nandito lang kami ng daddy mo. Besides, kung aalis ka talaga sa work mo, mas maganda at may katulong na ako sa clinic natin. Baka lalo pa tayong dagsain ng mga pasyente at kasama ko ang magaling na doctor sa lugar ng Naga City," nakangiting wika ni mommy. Narinig ko pa ang pagtawa ni daddy. Mayroon kasing sariling clinic ang mommy ko at doctor din ito. Ang daddy ko naman ay may sariling malaking store. Kaya kung tutuusin hindi ko naman kailangan magtrabaho pa sa iba. Pero dahil gusto ko rin makilala sa sariling pangalan kaya mas pinili kong magtrabaho sa iba. Hindi naman kasi kalakihan ang clinic ng mommy ko kaya mas ginusto kong magtrabaho sa malaking hospital para marami akong matulungang pasyente. Akmang sasagutin ko pa lang sana si mommy sa kaniyang sinabi ng marinig ko ang vibrate ng cellphone ko. "Lucky you Doctor Mendoza. Dahil yata sa takot na mawala ang isa sa magaling na doctor niya kaya ayon, pumayag ang boss natin sa gusto mo. So, prepare yourself and Doc. Lee too. Next week dapat nasa Quezon na kayo." Text ng director ko. Hindi ko na kailangang sabihin pa sa mga magulang ko dahil nakatunghay na rin ang mga ito sa cellphone ko. Kita ko ang pagsilay ng mga ngiti nito gaya ng pagngiti ko. "I'm so excited bes, tiyak maraming guwapo sa maynila. Malapit lang tayo sa Makati. Gagala tayo kapag wala tayong pasok," excited na wika ng bestfriend ko. Napapangiti na lang akong napapailing. Ganito talaga ito, makulit, madaldal. Magkasabay kami nito sa Mercedes ko. Isusunod na lang daw ng kapatid nito ang sasakyan nito. Mas gusto kasi nitong sumabay sa 'kin para makipagdaldalan. "Alam mo naman kung gaano ka busy ang trabaho natin," sagot ko rito. "Tss, kahit na. Syempre may oras pa rin naman tayo niyan lumabas kapag day off natin," nakangusong wika nito. Makalipas ang ilang oras, nakarating din kami sa condo na tutuluyan namin. Bale pag-aari pa ito ng may-ari ng hospital na tutuluyan namin. Sila na mismo ang kumuha ng matitirhan namin dito upang hindi na kami maabala pa. Nasa 5th floor kaming dalawa ng kaibigan ko. Magkaharap lang ang aming kuwarto. Malapit lang ang condo namin sa hospital na pagtatrabahuhan namin. 15mins away from here, so, no need to hurry and to worry at all. "Doc. Mendoza and Doc. Lee, this is Kathy Bendy the director of this hospital," pagpapakilala ng director namin na si Doctor Cabug. Sumunod siya sa amin upang ipakilala kami sa hospital na 'yon. Hanggang sa natapos ang isang araw na naipakilala ang bawat nagtatrabaho roon sa hospital na 'yon. Naging abala ang bawat araw namin. Hindi ko akalain na ganito karami ang pasyente sa hospital na ito. Kulang na lang hindi makakain dahil sa dami ng pasyenteng aasikasuhin. Dahil mataas na rin ang posisyon ko bilang isang magaling na doctor kaya ako na mismo ang nag-uutos sa ibang doctor o nurse para sa mga pasyente na kailangan nilang asikasuhin. Mayroon na rin akong sariling opisina roon. Subalit kapag ang pasyente ay ooperahan, hindi maaring wala ako sa operasyon. Dahil kahit nasa mataas na rin ako, ako pa rin ang pinagkakatiwalaan pagdating sa mga operasyon. At mas gusto ko ngang kasama ako sa mag-oopera to make sure na makakasurvive ang pasyente sa operasyon. I didn't say, na wala akong tiwala sa kapwa ko doctor. Pero ewan ko ba kung bakit ayokong wala ako sa operasyon. "Doc. Lee, ikaw na muna ang bahala sa pasyente natin sa room 88. 1pm in the afternoon ang operasyon niya. Ipahanda muna ang mga kakailanganin. May aasikasuhin muna ako," wika ko sa kaibigan ko. Ganito kami kapag nasa oras ng trabaho, we're professional pagdating sa trabaho namin. Tinatawag lang namin ang endearment naming dalawa kapag nasa labas na ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD