Episode 2 (Abegail POV)

1039 Words
"Do your best Dr. Mendoza. I know na makakaya mong i-survive ang operasyon na ito. I trust you, huwag mo sana akong ipahiya," wika ng director namin sa hospital. Kinabahan ako't nakaramdam nang pamamawis ng mga kamay. Alam ko naman na magaling na akong doctor, pero dahil sa halos wala ng pag-asa ang pasyente, kaya naman kinakabahan ako. Alam kong isang himala na lang ang mangyayari kong makakasurvive pa nga ito sa operasyon na gagawin ko. "Anong gagawin mo nito? Itutuloy mo pa ba ang operasyon kahit na alam mong magiging negative lang ang result?" tanong ng kaibigan ko ring si Dr. Len Lee. "Wala akong choice, utos 'yan ng director natin. Malala pa nga at matalik na kaibigan niya ang ooperahan ko. Isa pa, wala naman ibang doctor na puwedeng humawak, dahil ako ang inaasahan niyang makakapagpagaling sa kaniyang matalik na kaibigan," wika ko, sabay buntong-hininga. "Bakit kasi, hindi niya na lang i-offer na dalhin sa ibang bansa, kung gusto niya talagang gumaling ang kaibigan niya. Alam niya naman na mas magaling doon ang mga doctor at high-tech ang mga kagamitan. I did not say, na hindi ka magaling, pero kung gusto niya talagang makasigurado sa kalagayan ng kaniyang matalik na kaibigan, sana doon na lang niya ipinadala," mahabang maktol ng kaibigan ko. Napabuntong-hininga na naman ako. Kahit ako man naisip ko na rin iyon. Ewan ko ba at dito pa naisipan na ipagamot ang kaibigan nito, instead na dalhin na lamang sa ibang bansa. Atleast doon, mas high-tech ang mga kagamitan. Ngunit wala naman akong magawa dahil siya ang director ng hospital. Ako nga pala si Abegail Mendoza, isang magaling na doctor dito sa lugar ng Naga City. Dahil sa sunod-sunod na operasyon at lahat naging successful, kaya naman na promote ako bilang isang magaling na doctor. Ala-una ng hapon ang schedule ng operasyon na gaganapin. Naisipan kong pumunta sa malapit na Church sa labas lamang ng hospital. Nanalangin at humingi ng tulong sa panginoon na nawa'y tulungan niya akong pagalingin ang taong aking ooperahan. Subalit anuman ang kaniyang kalooban ay siyang mangyari. Mabilis lumipas ang oras. Alas singko ng hapon. (Operation successful) Pawisan akong lumabas ng operation room. Ngunit ramdam ko ang kagalakan ng mga kasama han ko dahil successful ang operasyon namin. Hanggang sa kausapin ko ang asawa ng inoperahan ko at sabihin dito ang kalagayan ng asawa nito. "Thank you so much hija. Hindi talaga nagsisinungaling ang 'yong director na magaling kang doctor. Napagaling mo ang aking asawa," naiiyak na wika nito sa akin. Hinawakan pa nito ang aking kamay. Ako naman, halos hindi makapagsalita. Dahil kahit ako man, masasabi kong isang himala na naging successful ang operation. "Wala ho iyon ma'am. Dapat po tayong magpasalamat sa ating Panginoong Diyos at niloob niyang gumaling ang inyong asawa. Isang himala po ang nangyari at naging successful ang operasyon, dahil kahit ako man po ay alam kung mahihirapan akong maging successful ang operasyong ito. Pero dahil niloob ng ating maykapal na gumaling ang inyong asawa, kaya naging successful ang operasyon," mahabang wika ko sa ginang habang nakangiti rito. Tumatango ito at paulit-ulit na nagpasalamat. "Galing talaga ng kaibigan ko. Sabi ko na nga ba't magiging successful ang operation mo eh," wika ng kaibigan kong si Len. Halata sa mukha nito na proud na proud. "Dahil iyon ay niloob ng Diyos," nakangiting sagot ko rito. Kita ko naman ang pagsang-ayon nito sa aking sinabi. "Congratulations, Dr. Mendoza. Hindi ako nagkamali sa pag-promote sa'yo bilang isang magaling na doctor. Keep it up," nakangiting wika ng director ng hospital. Kasalukuyan kasing pinatawag ako nito sa opisina nito. "Thank you, Sir Cabug," sagot ko habang nakangiti. Halo-halong galak ang nararamdaman ko at palaging successful ang operations na ginagampanan ko. Walang araw na 'di ako nagpapasalamat sa Diyos. Sa pagbibigay niya sa 'kin ng trabahong ito upang makatulong sa mga taong may sakit, at pagbibigay ng mapagmahal na mga magulang at hindi man masasabing sobrang yaman, ngunit biniyayaan sila ng marangyang pamumuhay. Sakay ng sariling Mercedes, pauwi ng bahay. Dahil sa may karangyaan ang pamumuhay nila kaya mayroon siyang sariling sasakyan. Mayroon din siyang sariling condo. Kapag sobrang late na ang uwi niya galing hospital, tumutuloy na lamang siya sa kaniyang condo at malapit lamang ito sa trabaho niya. Ngunit madalas siyang umuuwi ng bahay kung saan naroon ang kaniyang magulang. Makalipas ang ilang linggo ng bigla siyang ipatawag ng director na si Doctor Cabug. "Hindi ba maaring iba na lang doc, ang ipadala sa Quezon?" tanong ko sa aking director. "No, because you're the only one who was promoted as the best doctor. Kaya ikaw ang nirecommend na ipadala roon, dahil ikaw lang ang pinakamagaling na doctor ko," wika nito. "Nangangailangan ng magaling na doctor doon ayon na rin sa may-ari ng hospital na ito. Alam mo naman na sa kaniya pa rin 'yong hospital doon. At siya pa nga ang nagsabi na ikaw ang dalhin dahil isa ka sa magaling na doctor dito. Kahit ayaw ko man na dalhin ka roon ay wala naman akong magagawa, " pagpatuloy pa nito. "I need to talk to my parent's first doc. I can't decide it right now, I hope you understand," malumanay na wika ko rito. "I understand. Just let me know immediately if you already decided," wika nito sa akin. Malumbay akong umalis sa opisina nito. Hindi madali para sa akin ang mawalay sa parent's ko ng ganoon kalayo. Hindi naman ako basta-basta makakauwi sa mga ito kung nanaisin ko, at iyon ang ikinalulungkot ko. "Kumusta bes?" salubong kaagad sa akin ng kaibigan kong si Dr. Lee. "Nothing changes. Hindi na magbabago ang desisyon ng director natin dahil mismong may-ari ng hospital ang nag-decide na ako ang ipadala sa Quezon," malungkot na wika ko. "Haist, sana naging katulad mo rin ako kagaling na doctor para sana tayong dalawa ang ipadala roon, atleast may kasama ka 'di ba?" wika nito na siyang ikinatigil ko. "Hey bes, what's wrong?" tanong nito na mukha yatang nagulumihan sa pagiging tahimik ko bigla. "Let's talk later bes, kakausapin ko ulit si director," sagot ko rito at mabilis na hakbang ang ginawa ko upang pumunta uli sa opisina ng director namin. Tinatawag pa ako nito, ngunit nag-sign na lamang ako rito na mamaya na kami mag-usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD