#MrAdrianLee
CHAPTER 1
Sumasabay sa erotikong awitin ang kanyang umiindayog na malambot at magandang katawan na ngayon ay pinagpepyestahan namang tingnan ng mga parokyanong nasa loob ng lugar na iyon. Bawat galaw niya ay sumusunod ang tingin ng lahat. Kahit kasi malambot ang kanyang katawan sa pagsasayaw ay nakikita pa rin rito ng lahat ang lalaking-lalaking kilos at galaw nito kapag nagsasayaw.
Halos napapanganga ang lahat, lalo na ang mga babae at nasa ikatlong lahi kapag gumigiling ang hubad nitong katawan na tanging puting brief lamang ang suot sa pang-ibaba kung saan bukol na bukol roon at nakapaling sa kaliwa ang tinatago nitong p*********i.
Tumatama sa mestiso at nitong balat ang iba’t-ibang kulay ng ilaw na nagbibigay liwanag ngayon sa kabuuan ng bar kung saan siya sumasayaw.
Sa bawat pagtaas ng kanyang mga magagandang hulma na braso, nakikita nila ang may kalaguang buhok sa kili-kili nito na nagbibigay sa iba ng kakaibang sensasyon.
Sa bawat paghawak ng mga kamay nito sa maumbok nitong dibdib at paglapirot ng mga daliri nito sa pinkish na kulay na magkabilang u***g ay halos mawala sa ulirat ang mga nanood dahil sa talagang akit na akit na sila sa ginagawa nito. Lalo na kapag bumababa pa ang mga palad nito sa nagtitigasan nitong abs pati sa pusod at sa ibabang bahagi pa kung saan makikita ang v line nito.
At halos maglaway na ang lahat kapag hinahawakan na nito ang kargadang natatago pa sa loob ng brief nito at pinipisil. Lahat ay parang gustong makita at tikman ang ahas na nakatago roon.
Napapangiti naman ang may kanipisang labi ng lalaking sumasayaw na lalong nagpasingkit sa singkit na nitong mga mata na pawang nang-aakit sa lahat kapag napapadako ang tingin nito sa kanila.
Mas lalong pinagbuti pa nito ang pagsasayaw, aliw na aliw at akit na akit na ang lahat ng naroon sa kanya, bukod kasi sa biniyayaan ito ng gwapo na may kaangasang mukha, may kakapalan ang itim na itim na kulay ng mga kilay, singkit na mga mata, may katangusang ilong, at manipis na mamula-mulang labi, talaga namang nakakatakam rin ang pangangatawan nitong bunga ng kanyang pagpunta sa gym araw-araw. Maumbok na dibdib na may pares ng pinkish na u***g, anim na abs na pawang kasing tigas ng mga muscles nito sa mga braso, ang mga hita’t binti rin nito na may mga pinong balahibo at napakaganda ng hulma at pawang matitigas rin na parang hindi kayang mapatumba ng basta-basta. Bagay na bagay sa maganda nitong pangangatawan ang angkin nitong tangkad na humigit kumulang na nasa 5’11 lang naman.
Halos magsigawan ang lahat ng mga taong naroon nang ipasok niya ang kanang kamay sa loob ng brief nito at hinawakan ang nagtatagong ahas niya. Parang ang lahat ay gusto ring hawakan iyon.
“Take it off! Take it off! Take it off!” sigaw ng lahat.
Napangiti lamang siya. Hindi naman kasi niya gagawin ang mga sinabi ng mga tao.
Pamaya-maya ay inalis na niya ang kamay niya sa loob at pinagapang niya pataas. Nasalat niya ang pinong buhok mula sa itaas ng kanyang alaga papunta sa pinong balahibo rin nito sa ilalim ng pusod.
Tumalikod ito at ang matambok na pwetan naman nito ang nasilayan ng lahat. Pinisil-pisil niya ang sariling pwet. Lahat ay naglaway, lahat ay naakit dahil sa magandang kurba at umbok ng pwetan nito.
Siya ang laging inaabangan ng lahat rito tuwing gabi. Ang bawat pag-indayog ng kanyang magandang katawan ang binabayaran ng mga taong pumapasok rito. Siya lagi ang Star of the Night.
Masarap pakinggan. Star of the Night. Dapat masaya siya pero ang totoo… hindi siya masaya… dahil hindi ito ang trabaho at buhay na gusto niya para sa sarili.
Pamaya-maya ay natapos na siya sa pagsayaw. Nagpasamat siya sa lahat ng nanuod bago pumunta sa backstage para maupo na at magpahinga. Hindi na muna niya inabala ang sarili na magbihis muna kaya pati ang mga taong nasa backstage na kasamahan niya sa trabaho, pinagpipistahan ang kanyang magandang katawan. Karamihan kasi sa mga taong nandito, kundi bading, mga paminta… Katulad niya.
Napapikit siya ng mga mata. Pamaya-maya ay muling napadilat at napabuntong-hininga.
Siya si Lhourd Diaz Lee. 24, Half Filipino, half Korean. Dito na siya lumaki sa Pilipinas kasama ang ina na kamamatay lamang ng nakaraang taon dahil sa sakit na leukemia. Dahil sa kawalan ng pera, hindi na niya nagawang maipagamot ito. Sinisisi nga niya ang kanyang sarili dahil sa sinapit ng kanyang ina.
Ang ama naman niya, ang katrabaho ng kanyang ina sa Korea na naging karelasyon rin nito ay hindi naman niya alam kung nasaan. Ibig sabihin, simula ng pinanganak siya sa mundong ito ay hindi na niya ito nakagisnan pa dahil ang kwento ng kanyang ina, iniwan raw sila nito kaya ito rin ang dahilan kung bakit nagbalik ang ina niya kasama siya sa Pilipinas. Simula nun, hindi na rin naman siya naghanap sa ama dahil sa tingin niya, wala naman itong kwenta, nagawa nga nitong iwan sila, bakit pa niya hahanapin?
Naging masalimoot na masaya naman ang naging buhay nilang mag-ina. Bata pa lamang siya ay namulat na siya sa kahirapan. Ang ina lamang ang siyang naggapang sa pagpapalaki sa kanya kaya naman sa tingin niya rin, kaya maaga itong kinuha ng Maykapal ay dahil na rin sa hirap ng buhay.
Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral, hanggang 3rd year high school lamang ang kanyang natapos dahil nga sa kahirapan kaya ito… dito siya napasok, ang maging isang mananayaw na hubad sa isang bar. Kung bakit niya ito pinasok? Dahil sa tingin niya, madali ang pera rito. Sinubukan rin naman niyang mag-apply sa ibang trabaho pero dahil nga sa hindi naman siya tapos kahit high school lamang, hindi siya matanggap-tanggap. Mabuti pa rito, natanggap siya kaagad… dahil may itsura siya at may magandang katawan. Pasok siya kaagad.
Hindi naman niya gusto ang trabahong pinasok, napilitan lamang siya dahil sa kawalan na rin ng pagpipilian. Mahirap ang buhay niya, nag-iisa lamang siya at kailangan niya ring buhayin ang sarili kaya sa tingin niya, kailangan niyang sikmurain ang lahat para lamang mabuhay. Kahit man ang ganitong klase ng trabaho.
Sa una ay nandidiri siya sa pagsasayaw sa ibabaw ng entablado ng hubad at tanging brief lamang ang suot tapos marami pang nanunuod sayo pero kinalaunan, nasanay na lang rin siya.
Hindi naman siya iyong tipo ng dancer na nadadala ng mga parokyano hanggang sa bahay tapos gagawa ng… alam niyo na. Desente pa rin naman siya kahit papaano. Hanggang sayaw lamang ang ginagawa niya at hindi niya hinahayaan ang sarili na mahawakan ng iba. Malakas pa rin naman ang kita niya kahit na pagsasayaw lamang ang ginagawa niya dahil iyong iba, gustong makipag-usap sa kanya na pinagbibigyan naman niya pagkatapos ay bibigyan siya ng mga ito ng pera.
Sa totoo lang, wala pa siyang experience, sa babae man o sa lalaki. Wala pa rin siyang nagiging karelasyon kahit na rito sa bar kung saan halos dalawang taon na siyang nagtatrabaho. Hindi niya kasi hinahayaan na pumasok sa sistema niya ang tinatawag na pag-ibig at pakikipagrelasyon sa iba kaya pati ang sexlife… wala siya nun. Hanggang sa pagmamaryang palad lang ang ginagawa niya bilang pagpapasarap sa sarili. Mas iniisip niya kasi ang sarili at kung paano siya mabubuhay sa araw-araw, kung papasukan pa niya ng ibang aspeto gaya ng pag-ibig ang buhay niya… ewan na lang niya kung ano ang mangyayari sa kanya. Mas mahalaga sa kanya ang kanyang sarili kaysa sa ano pa man.
Bata pa lamang siya ay alam na niyang iba siya sa ibang lalaki. May kakaiba sa kanyang pakiramdam. May kakaiba sa kanyang pagkatao. Napagtanto niya na isa siyang alanganin. Napagtanto niya ito nung siya’y siyam na taong gulang pa lamang. Nagtataka kasi siya sa kanyang sarili kung bakit siya humahanga sa gwapong kalaro lagi ng patintero at nung minsang makapagbasa siya ng isang kwentong iba sa nababasa ng karamihan, doon niya napagtanto na iba nga siya.
Nalaman ito ng kanyang ina at imbes na magalit ito, tinanggap siya nito kaya malaking pasasalamat na naging ina niya ito. Simula rin nun ay natanggap na rin niya sa kanyang sarili na iba siya. Magkagayunpaman, may iba man sa loob niya na nagtatago sa lalaking-lalaking anyo niya, hindi niya hinahayaan na mahalata ng iba na iba siya. Lalaking-lalaki pa rin siya sa kilos, pananalita at porma kaya naman marami pa ring nabibihag na babae ang kagwapuhan niya na hindi na lamang niya binibigyan nang pansin dahil alam nga niya kung ano ang mas dapat unahin o prayoridad.
Napabuntong-hininga si Lhourd. Nilibot ang paningin sa kabuuan ng paligid.
‘Aalis rin ako sa lugar na ito… Hindi ako pwedeng habambuhay na narito at ganito ang trabaho ko… Kailangan kong gumawa ng mga paraan para maiangat ko ang sarili ko at makamit ang mga gusto ko… Dapat akong maging matagumpay sa buhay…’ sabi nito sa isipan. Nagsasawa na rin kasi siya sa ganitong klase ng buhay at trabaho, mahirap na nga siya tapos… Napailing na lamang siya.
Hindi niya alam kung paano magagawa ang lahat ng iyon. Pero pangako niya sa sarili… maiaangat niya ang kanyang sarili, makakamit niya ang lahat ng kanyang gusto… at magtatagumpay siya sa buhay.
--------------------------------
Naglalakad na si Lhourd sa tabi ng kalsada. Pauwi na siya. Patingin-tingin sa paligid habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay sa suot na pantalon.
Napapangiti si Lhourd. Paano naman kasi, mukhang ang sasaya ng mga taong nakikita niya, kahit na iyong mga nagtitinda lang sa bangketa, parang ang saya-saya. Siya kaya? Magiging kasing-saya rin ba nila kahit na ganito ngayon ang buhay niya? Mukhang hindi kasi siya iyong tipo ng tao na hindi marunong makuntento at kaya hindi siya masaya ngayon sa buhay niya ay dahil sa hindi pa siya kuntento sa kung anong meron siya.
Napahinto sa paglalakad si Lhourd. Ngayon ay nakatingin na siya sa isang karatula na may nakasulat at sa tabi nito, nakalagay ang mga samples ng kung ano-anong dokumento.
“Sir… Ano hong ipapagawa ninyo? TOR? Diploma… government id’s?” tanong ng lalaking biglang lumapit sa kanya. Mukhang ito ang may-ari ng karatulang nabasa niya at gumagawa ng mga pekeng dokumento.
Napangiti lang si Lhourd saka napailing bago naglakad muli at lagpasan ang lalaki.
Pamaya-maya ay napangiti siya ng malawak sa bigla niyang naisip.
“Bakit ngayon ko lang naisip? Pwede iyon… Tama… pwede…” masayang wika nito sa sarili at mabilis nang naglakad pauwi.
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Papasok na sana ng bahay niya na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero si Lhourd ng bigla siyang pigilan ng isang lalaki. Napatingin siya rito.
“O… Mang Berto…”
“Bayad mo?” tanong kaagad nito sabay lahad ng kamay sa harapan niya.
Napakamot naman ng ulo si Lhourd.
“E Mang Berto… Wala pa ho akong pera… Pwedeng sa susunod na linggo na…”
“Sa susunod na linggo na naman? Ilang beses mo ng sinabi iyan sa akin.” Galit na sambit na kaagad ng matanda.
“E Mang Berto kasi… Sige na… Pramis… Sa susunod na linggo… Magbabayad na ako.” Sabi nito sabay ngiti.
“O sige… Basta sa susunod na linggo ha kundi… wala akong magagawa kundi ang ipapulis ka.” Pagbabanta nitong sabi.
“Salamat Mang Berto.” Sabi nito.
Tiningnan lamang siya nito ng masama bago tumalikod sa kanya at naglakad na palayo.
Si Mang Berto, ang itinuturing na ATM ng lahat ng taong salat sa pera kagaya ni Lhourd. Ito kasi ang may pinakamaraming pera sa kanila dito sa lugar nila. Palibhasa, may mga anak na sa ibang bansa at nagtatrabaho bilang DH kaya ‘yan, tiba-tiba rin sa pinapadalang pera. Siya rin tuloy ang naging utangan ng lahat.
Nakatira si Lhourd sa isang iskwater area. Maingay, mabaho, makalat. Ganyan maisasalarawan ang lugar nila pero gayunpaman, kinasanayan na ni Lhourd na tumira rito dahil bukod sa mura lang naman ang upa niya sa tinitirhan, halos mga kaibigan na rin niya ang mga taong nakatira rito.
Kaagad na pumasok si Lhourd sa bahay niya. Nagbihis ng pambahay na damit. Sando at jersey short ang suot nito na bumagay sa maganda nitong pangangatawan. Nagsuklay ng buhok at pagkatapos ay muling lumabas ng bahay para puntahan ang kaibigang si Jack na may laptop. Manghihiram kasi siya ng laptop dahil kailangan niya ito para sa gagawin niya.
“At ano namang gagawin mo sa laptop ko?” tanong ni Jack kay Lhourd. Nasa loob na ng bahay ang huli at nanghihiram na nga siya ng laptop.
“Basta Jack… Sige na… Pahiram na muna, may gagawin lang ako.” Pagmamakaawa ni Lhourd.
Napangisi si Jack. “Siguro may gagawin kang kababalaghan noh?” panlolokong tanong nito.
Nangunot naman ang noo at nagkasalubong ang magkabilang kilay ni Lhourd.
“Gagawing kababalaghan? Gaya ng ano?” pagtatakang tanong nito.
“Ah… manunuod ng porn o di kaya… magla-live… aray!!! Namamatok ka naman diyan e!” sabi at sigaw ni Jack.
“Tarantado ka kasi… Kung anong iniisip mo diyan. Basta pahiram muna… Pahiram na rin ng pocket wifi mo…”
“O sige sige na kukunin ko lang.” sabi kaagad ni Jack.
Napangiti si Lhourd.
“Salamat.” Sabi nito.
Si Jack, matagal ng kaibigan ni Lhourd at tinuturing niyang bestfriend. May itsura rin naman ito pero hindi kagaya niya na sobrang gwapo. Pilipinong-pilipino ang dating dahil sa morenong balat, may pagka-chubby. Itinuturing na rin niya itong bestfriend at ganun rin naman siguro sa kanya si Jack. Alam nilang dalawa ang sikreto ng isa’t-isa, pati na ang tunay na pagkatao nila. Oo, parehas sila ni Jack, nagtatago sila sa lalaking-lalaking kilos, pananalita at porma.
“O eto na… Basta ibalik mo kaagad a.” sabi ni Jack kay Lhourd na kaagad namang napatayo mula sa kinauupuan nitong upuan at kinuha kay Jack ang laptop.
“Salamat… Oo babalik ko kaagad kapag natapos ko na ang gagawin ko.” sabi nito. Kahit papaano kasi ay may alam si Lhourd sa computer kahit na kailanman ay hindi siya nagkaroon nito. Nagtataglay rin si Lhourd ng utak iyon nga lang, hindi siya nabigyan ng pagkakataong magamit iyon sa magandang trabaho dahil hindi nga siya tapos.
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
“Salamat at konting ayos na lang ay tapos na…” sabi ni Lhourd habang nakatitig sa screen ng laptop. Nakikita niya ngayon ang mga kinuha at ginawa niya.
Mga dokumento. TOR, resume, diploma, at kung ano-ano pang klase ng dokumento na kailangan para sa trabaho.
Napabuntong-hininga si Lhourd.
“Siguro naman hindi na nila mahahalatang peke at hindi sa akin ang lahat ng ito.” Sabi nito.
Halos lahat ng nilalaman ng ginawa niyang mga dokumento ay peke… Dahil ang mga dokumentong nakuha niya ay sa ibang tao. Iba na rin kasi talaga ang internet sa panahon ngayon dahil lahat pwede mong magawa at makuha. Kahit mga dokumento pa.
Nagtype siya, Nilagyan niya ng pangalan ang itaas na bahagi ng resume niya na kagaya ng pangalang nasa ibang mga dokumetong nagawa niya.
ADRIAN LEE.
Nilagyan na rin niya ng sariling picture.
Malawak na napangiti si Lhourd.
“Ngayon… alam kong simula na ito ng pagbabago sa buhay ko. Sisiguraduhin kong makakapasok at makakapagtrabaho ako sa isang malaki at magandang kumpanya gamit itong mga nagawa ko.” sabi niya sa sarili.
Sinave na niya ang lahat pagkatapos ay kaagad siyang tumayo mula sa kama na kinauupuan niya kanina at kinuha ang USB na matagal na niyang natatago sa cabinet. Pagkatapos ay bumalik siya sa dating pwesto, sinaksak sa laptop ang nasabing USB at doon sinave ang mga nagawa niya.
Pagkasave ay tinanggal na rin niya ang USB sa pagkakasaksak sa laptop. Binura sa laptop ang mga files na ginawa niya dahil may kopya na siya. Pagkatapos ay pinatay na niya ang laptop at ang pocket wifi at sinara na ito. Tumayong muli bitbit ang USB at laptop at lumabas na ng bahay niya para isoli kay Jack ang hiniram niya at magpaprint na rin.